Nayeon's POV
Tell me hindi ako nananaginip! Waaaah! For real ba talaga to?! He let me call him Junior again tapos hawak kamay kaming naglakad tapos binuhat nya ako! Sabi pa nya wag ko na syang lalayuan! Is it for real?! Waaaaaah!
"Bunny!" sigaw nya at tinalsikan ako ng tubig
Ginantihan ko rin sya. Akala nya ha! Nagtalsikan lang kami habang tumatawa. Ang gwapo nyang tumawa tapos ang hot nya! White sando na fitted sa kanya tapos black trunks with matching nakataas pa ang buhok nya. Yummy! Hahahaha!
"I know that i'm hot Bunny" sabi nya habang nakangisi
Napaiwas ako ng tingin. Di ako sanay sa ugali nya ngayon ngumingiti na sya at nakikipagbiruan pa. Ibang-iba sa Junior na nakilala ko na halos ipagtabuyan ako.
"Guys! Tara na!" sabi ni Jihyo
Napatingin kami sa banda nila hala! Nakaahon na pala sila! Kumaway si Junior sa kanila at hinila na ako.
"Be careful Bunny" sabi nya habang inaalayayan akong maglakad
Waaaah! Ang sweet nya grabe! Yung feeling na pinapantasya mo lang noon tas heto nagkakatotoo na ngayon! Dream come true nga naman! Nakarating na kami sa pwesto nila Jihyo at todo naman sila kung makapang-asar.
Lumapit sakin si Jay kaya ngumiti ako sa kanya. Nagwink sya sakin at nagthumbs up pa. Hahahahaha. Napailing na lang ako.
"Effective ang plano ko" bulong nya sakin
What?! Ito ang sinasabi nyang plano?! So it means! Pinagselos nya si Junior nung mga nakaraan na araw! Gusto ko syang batukan pero may nanghila na sakin.
"Sabi ko wag na wag kang lalayo sakin Bunny" nakakunot noo nyang sabi sakin
"Hehe sorry" alanganing sabi ko
Ang talim ng tingin nya kay Jay. Akala ko ba okay na sila? Ngumiti lang si Jay sa kanya. Hinatid nya ako hanggang sa kwarto namin.
"Good night" sabi nya habang nakangiting abot tenga na nya
"Good night too" sabi ko at nagwave pa
Tumango lang sya kaya pumasok na ako. Oh em gee!!! Nagtatalon talon ako sa kwarto namin!
"Alam mo Nayeon pagkakamalan na kitang baliw" sabi ni Jeongyeon
Ang KJ talaga nito hahaha. Ngumiti lang ako sa kanya at dumiretso na sa cr para magshower at matulog na rin. I can't believe na nangyayari to ngayon! Hihihihihi!
"Junior and Nayeon sitting on the tree
K-I-S-S-I-N-G~" paulit-ulit na kanta koWag kayong epal! Sa gusto ko ang kantang to. Nakakainlove lang hahaha.
"Hoy Nayeon! Bilisan mo!" sigaw ni Jeongyeon
Pagkatapos ko ay nagrobe na ako tsaka lumabas. Bumungad sakin ang busangot na mukha ni Jeongyeon kaya nagpeace sign na lang ako hehe. Padabog syang pumasok sa cr.
"Unnie. Halatang kinikilig ka" sabi ni Dahyun
"Hahaha hindi ah! Pero ganun na ba kahalata?" sabi ko sa kanya
Napatawa ito at tumango. Namula naman ako kaya binlower ko yung buhok ko dahil basa pa ito. Habang binoblower ko ay lumabas si Jeongyeon sa cr.
"Bilisan nyo Unnies para makapag good night tayo sa iba" sabi ni Dahyun
Tumango ako tsaka inilapag yung blower ko ganun rin ang ginawa ni Jeonyeon. Lumabas kami at kumatok sa pintuan nila Jihyo, binuksan ni Jihyo yung pinto nila ng malawak.
"Good night" sabi naming tatlo
"Good night Unnies!" sigaw ni Tzuyu at nagflying kiss pa
"Same!" sabi ni Chaeyoung
"Nighty~" sabi ni Jihyo
Nagwave kami at pinasara na namin yung pintuan nila. Pumunta kami sa kwarto nung mga japanese girls. Kakatok palang sana kami ng biglang bumukas ito at iniluwa silang tatlo.
"Eh?" sabi ni Momo
"Good night to the three of you!" sabi namin
"Hahaha pupunta na sana kami by the way Good night rin" sabi ni Sana
"Good night mga beshywap!" sabi ni Momo
"Night" mahinang sabi ni Mina
Expected hahaha. Nagwave kami at umalis na ksabay ng pagpunta nila sa kwarto nila Jihyo. Pagpasok ko sa kwarto namin agad akong naglanding sa kama ko.
"Good night!" sigaw ko at natulog na
~Kinabukasan
Nagising ako sa lakas ng alarm clock ni Dahyun. Hay naku! Istorbo naman eh!
"Dahyun! Yung alarm mo" sabi ko sa kanya
Narinig ko na namatay ito kaya nagpatuloy ako sa pagtulog.
"Bunny~" rinig ko sa tenga ko
Ramdam ko pa yung hininga nya sa leeg ko. Bwisit! Istorbo naman oh kitang natutulog pa yung tao ey! Di ko yun pinansin at natulog ulit.
"Bumangon ka na dyan, Bunny"
Nagtalukbong ako ng kumot. Sana umalis na kung sino man ang nambubulabog na yun. Mga ilang sandali narinig ko ang papaalis na yapak kaya nagpatuloy ako sa pagtulog ko. Ang sakit ng katawan ko kagabi dahil sa pagswi-swimming.
Jackson's POV
Pinagmamasdan ko sya habang tumitingin sya sa paligid nya. Ano na namang hinahanap nito? Naglakad ako papunta sa likod nya ng di nya nararamdaman.
"Di mo na naman ba makita yung cr?" tanong ko sa kanya
Agad syang napalingon at nakita ko ang paglaki ng mata nya. Napatawa ako sa inasal nya. Hahaha. Kyeopta~
"A-h? H-hin-di" nauutal na sabi nya
Mas lumapit ako sa kanya na agad naman syang umatras. Atras-abante lang ang ginagawa namin hanggang sa dead end na.
"Ano ba kasing hinahanap mo?" tanong ko sa kanya
Umiling ito ng paulit-ulit. Namumula na rin ang pisngi nya hahaha.
"Momoring!"
Napalingon kami sa tumawag. Si Sana lang pala akala ko kung sino na. Umalis ako sa harap ni Momo at tumakbo naman sya kay Sana.
"Amazing isn't?" tanong ni Junior
What the! Kailan pa sya andyan? Napakunot na lang ako sa sinabi nya. Anong amazing ba ang pinagsasabi nito? Tss.
"Hay naku Jackson! Make a move" sabi nya
He pat my chest and walk away. Naguguluhang pumunta ako sa kusina dahil nandun na sila. Uupo na sana si Song sa tabi ni Momo nang unahan ko to kaya umupo na lang sya sa tabi ko. Tumingin ako kay Junior na nakangiting umiiling.
"Ito oh" sabi ko at lapit ng kutsara na may egg roll sa bibig ni Momo
Tumingin sya sakin kaya ngumiti ako. Nagaalinlangan man pero sinubo pa rin nya ito. Nakangiting kumain na ako. Indirect kiss yun mga pre! Hahahaha.
"Asan si Nayeon?" tanong ko dahil sya lang ang wala
"Bat mo sya hinahanap?" tanong ni Junior na may matatalim na tingin sakin
Napatawa ako sa style nya. He's too obvious. Kung nakakamatay ang titig nya siguro dedo na ako sa ngayon.
"Chill bro! Hahaha Wala kasi sya dito" sabi ko habang nakataas pa ang dalawang kamay
"I'm here Jackson"
Speaking of the devil. Napalingon kami kay Nayeon na nakasandal sa pinto. Hot pero mas hot itong katabi ko hahahaha.
"Kain na Bunny" sabi ni Junior at pinagtulak ng upuan si Nayeon
Napatawa na lang kami dahil sa inaakto nya. Too sweet bro. Hahahaha.
BINABASA MO ANG
The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)
FanficNasa kanila na ang lahat... Kagwapuhan Kayamanan As in lahat... Pero pano kung magulo ang mapayapa nilang mundo sa pagdating ng siyam na babae. Siyam na makukulit na babae na araw-araw sisirain ang araw nila... Pero pano kung sa pagtagal ng panahon...