Nayeon's POV
Maaga akong nagising dahil gagala daw kami. Excited na kaya ako! Bibili ako ng maraming souvenirs hahahaha. Maraming bunny ang ididisplay ko sa kwarto ko. Andito parin kami sa mini house ni Jay kagabi akala ko maliit lang talaga ito pero malawak pala! That's why nagroup parin kami ng 3 tao sa isang kwarto. Si Youngjae naman ang naghain ng makakain grabe talented ang kaibigan ni Junior my labs.
"Anong iniisip mo, bunny?" tanong ng lalaki na kanina ko pa pinagnanasahan
"Wala" nakangiting sabi ko
Kinurot nya ang pisngi ko. Andito kasi ako sa sala habang hinihintay sila. Nakita ko na simpleng t-shirt na black n' white na stripes na pinatungan nya ng white jacket tapos naka white jeans sya at caterpillar na sapatos. Nakataas pa ang buhok nya. Ang gwapo nya! Yummy!
"Gwapo ba?" nakangising tanong nya at umupo sa tabi ko
Napatawa ako sa sinabi nya kahit totoo naman. Ayaw ko lang talagang umamin baka lumaki ang ulo nya. Hahahaha.
"Sexy" sabi nya habang pinagmamasdan ako sa suot ko
Simpleng white long sleeve na crop top at short na chocolate brown ang kulay and blue na converse tapos medyas na hanggang ankle level lang naman ang suot ko. Tapos kinulot ko ang buhok ko tsaka tinali ang tuktok nito nagmukha tuloy syang little bun may bangs rin ako.
(a/n: yung suot ng Got7 ay yung suot nila sa MV nilang A tapos ang suot ng Twice ay yung suot nila sa MV nilang Likey)
Nakita kong bumaba na sila at one word "PERFECT" ang gagwapo at gaganda nila. Nakangiting sumalubong sila saming dalawa.
"Ang ganda mo Dahyun" sabi ni Ju-ne habang nakangiti
Ngumiti lang si Dahyun sa kanya. Alam kong hinihintay nya na si JB ang mag sabi sa kanya pero iba ang sinabi ni JB.
"Let's go" sabi ni JB
Tumayo na kami ni Junior at nagsimula na kaming lumabas ng mini house. Napag-isipan naming maglakad na lang dahil mas feel namin. May malapit na souvenir shop naman dito sabi ni Jay at Junior. Nagkekwentuhan sila Sana at Hanbin sa harap habang si Mina at Chan ayun naghaharutan tapos si Jackson todo bantay kay Momo sa likod nito di tuloy makakuha ng tyempo si Song sa kanya. Si DK naman todo asar kay Ju-ne pero syempre dedma yung isa tapos si Tzuyu na nakikipaglaro kay Bobby ng bato-bato pick at himala si Jihyo at Youngjae na magkasamang naglalakad.
"Andito na tayo" sabi ni Junior
Wow! Ang lawak tapos grabe kakaiba tong souvenir shop na to. Bigtime siguro ang may-ari dahil sa daming mabibili talaga. Pagkapasok namin ay naglibot kami agad, hinanap ko kung merong bunny na stuff toys. Nakasunod naman sakin si Junior my labs.
"Di ka ba bibili?" tanong ko sa kanya
Ngumiti lang sya at hinila ako para mas makalibot pa. Ang ganda talaga dito. May mga headband na may iba't ibang tenga, may keychain tapos may mga t-shirts pa. Basta marami. Sinuot nya sakin ang devil na headband at sinuot naman nya ang angel na headband.
"Ayan mukha na tayong couple" sabi nya habang nakangiti ng abot tenga pa
Namula ako at naglibot ulit. Waaaah! Nakakahiya yun! Ramdam ko na sumusunod parin sya hanggang ngayon. Ang awkward talaga. Nakita ko si Momo na nakapout sa napakaraming stuff toys kasama nya si Jackson, nilapitan ko silang dalawa.
"Problema?" tanong ko sa kanya pero tinignan nya lang ako na parang iiyak na sya
"Waaaah! Nayeonnie~ Wala akong perang dala!" sabi nya at niyakap ako
She buried her face on my neck. Napatawa ako sa inasta nya, tinap ko ang likod nya dahil patuloy sya sa pag-iyak. Nakaramdam yata si Sana at Mina kaya bigla silang sumulpot with worried face.
"What's wrong?" tanong nila samin
Tinuro ko na lang ang stuff toys. Napailing si Sana at Mina kaya kumuha sila ng tag iisang stuffy toys at binigay kay Momo. Napalayo sakin si Momo at tumingin sa dalawang stuff toys sa harap nya.
"Don't cry. Bibilihin namin yan for you" sabi ni Mina at tinap sa ulo si Momo
"Ang Momo ko ay umiiyak shhh tama na" sabi ni Sana at niyakap si Momo
Ang sweet talaga nilang tatlo. Di namin namalayan na andami pala naming audience. Pinili ko ang dalawang bunny na parang magcouple, pumunta na kami sa counter at binayaran ito kasama si Mina at Sana.
"Thank you" sabi ni Momo at niyakap ang dalawa
Dumating sila Jihyo pati narin ang iba na nagtataka dahil sa scene na inabutan nila.
"Anong meron?" tanong ni Jeongyeon
Ngumiti lang ako at naglibot kami sa ibang lugar, napansin rin nila yung couple headband namin ni Junior na ikinapula ko ulit. Nang-aasar kasi sila eh!
Natapos ang araw namin ng pamamasyal. Grabe nagdinner narin kami sa isang seafood restaurant and believe it or not ang sarap talaga dun. Babalik ako dito pag may time ako hahaha.
Kakatapos lang namin magshower at nandito kaming siyam sa sala. Pinadala pala ni Jay ang mga damit namin kanina dun sa isang staff ng hotel. Buti na lang at nakamaleta parin ang mga damit namin kundi mahihirapan silang magligpit.
"Maganda yung while you were sleeping" sabi ko
Mahilig rin kami sa kdrama. Tapos ko na nga yung legend of the blue sea, grabe ang ganda talaga ng flow ng story.
"Ang gwapo ni Lee Jung Suk dun bes!" sabi ni Jeongyeon
Napatili ako at hinampas hampas sya. Todo iwas naman sya hahaha, nagkwentuhan kami about kdrama tapos sa mga korean actor na crush namin. Halos crush nga namin eh! Ang hahot kasi nila.
"Mas gwapo si Taecyeon sa Let's Fight Ghost" sabi ni Tzuyu
"Yeah! Asawa ko rin yun hahaha" natatawang sabi ko
"Omo! Basta gwapo silang lahat" sabi ni Sana
Nagtawanan kami dahil undecided kung sino ba talaga ang official na asawa namin para namang magiging totoo hahahaha. Hanggang pangarap lang naman kami. Pagkatapos naming magkwentuhan about kdrama ay nagpaalam na kami sa iba at umakyat na para matulog. Nakakapagod ang araw na to. Lumanding agad ako sa kama pagpasok namin sa kwarto namin nila Dahyun.
BINABASA MO ANG
The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)
FanfictionNasa kanila na ang lahat... Kagwapuhan Kayamanan As in lahat... Pero pano kung magulo ang mapayapa nilang mundo sa pagdating ng siyam na babae. Siyam na makukulit na babae na araw-araw sisirain ang araw nila... Pero pano kung sa pagtagal ng panahon...