Nayeon's POV
"*sniff* WAAAAAAH!!" iyak ni Momo
Ano bang problema nito? Simula nung bumalik sya sa cr, iyak na sya ng iyak na para bang wala ng bukas. Binigyan sya ni Sana ng tissue.
"WAAAAAH!!" iyak nya ulit
"Ano ba kasing problema, Momo?" tanong ni Jihyo with worried face
"Maawa ka sa puno Momo. Ilang tissue na yang nagamit mo, mauubusan tayo ng puno" sabi ni Jungyeon
Nageemote na nga ang kaibigan nakuha pang magbiro. Hahaha ganyan kami. At walang magbabago dun. Binuksan ulit namin ang pack ng tissue at binigay kay Momo. Ano ba kasing nangyari sa babaeng to?
"Ano ba kasing nangyari sayo? May nangbully ba sayo? sabihin mo lang at kakalbuhin namin" sabi ni Sana
Umiling iling naman si Momo. Bat para syang bata na umiiyak? parang may nang away sa kanya.
"baka naman may nangrape sayo sa cr" sabi ni Chaeyoung
"WAAAAAAAAAAAAH!" mas lumakas ang iyak nya
HALA!! Nagsitinginan kaming walo. No way High way Side way Norway bast may WAY!! Napapaiyak na rin kami sa sinapit ng kaibigan namin. Nagsikuha kami ng tissue.
"Hindi ko alam na ganun pala ang sinapit mo Momo. sana sinabi mo agad" sabi ni Dahyun sabay punas sa sipon nya
"Momo naman eh!! sana mas sinabi mo ng maaga! huhuhuhu" sabi naman ni Jihyo
Iyak lang kami ng iyak dito. Nasa bahay na pala kami di ko man lang nasabi hehe. Masyado kasi kaming abala kay Momo. Naiiyak na naman ako.
"Ha? Ano bang sinabi ko?" nagtatakang tanong nya
"NA NARAPE KA PALA SA CR!!!" sabay naming sabi
"A-ano?! Sino namang nagsabi sa inyo?" tanong nya
Ha? Napatigil kami sa kakaiyak. Shet! umiyak kami ng walang dahilan?
"Hindi ka nirape?" tanong ni Tzuyu
Umiling agad si Momo. Ay shuta lang!! Pinagbabato namin sya ng tissue, akala namin narape na sya. Nasayang lang ang luha namin. Pero bigla na lang namin syang niyakap.
"Hi-hin-di a---ko m--ma--kah-inga" sabi nya kaya lumayo na kami
"Thank god! Akala namin narape ka kaya ka umiiyak" sabi ko
Nagulat kami ng bigla syang umiyak na naman. Eh?! Akala ba namin hindi sya narape?! Ano bang meron sa salitang rape?!
"Rape" sabi ko at lumakas ang iyak nya
"Rape" ulit ko pa at mas lalong lumakas ang iyak nya
"Boo! Rape!" ulit ko na naman
"WAAAAAAAAAAAAAAAH!! UHUHUHUHUH" iyak nya matching padyak pa yan
"Rap-" naputol ang sasabihin ko ng subuan nila ako ng tissue
Bigla kong nabuga yung tissue. Yucks!! Malay mo galing sa uhog nila yun. Baboy talaga ang mga to. Kadiri lang! Nagsitawanan naman sila. Sige! Tawanan ang sariling kababuyan! mga nakahithit.
"NAGSALITA ANG HINDI!!" sabay sabay na sabi nila
Wow!! Sumali ba sila choir noon. Amazing!! Suprising!! Napatingin kami kay Momo na patuloy parin sa pag iyak. Meron talaga sa word na rape eh. Di naman daw sya narape. Ano kayang meron sa baliw na isip batang to?
Kinuha ko yung chocolate muffins tsaka kinain, kailangan kong malaman ang nasa likod ng salitang rape kay Momo. Magiimbestiga ako!!
*TOINK*
*PLOK*
*TUGSH*
"Baliw!! Kung ano ano yang pumapasok sa utak mo!" sigaw ni Jungyeon
Napahawak ako sa noo ko. Mga siraulo tong mga to. Kita na ngang malapad ang noo ko gusto pang dagdagan!! Sumosobra na sila.
"Pashneya kayo!! gusto ko lang tumulong kay Momo" sabi ko sabay kain ulit ng muffins
Tama!! Kailangan kong maging si Detective Conan para mangyari ang kagustuhan ko. Bwahahahahahaha *cough* *cough*
"Baliw ka kasi. tatawa tawa ka magisa" sabi ni Sana at hinagod ang likod ko
Masakit pala sa lalamunan. Tongono di ko alam eh sorry naman. Uminom kaagad ako ng tubig. Magwawalk out muna ako. Babye na muna. Mamimiss ko kaya. Ciao!!
Jungyeon's POV
Baliw talaga ang isang yun. Napapailing na lang kami habang nakatingin sa kanya papunta sa kwarto nya. Mukha syang tanga sa ginagawa nya. Pero tama sya anong meron sa salitang rape at talagang iniiyakan ito ni Momo?
"Ang sakit ng sentido ko kakaisip sa problema mo Momo magpapahinga muna ako. Bye" sabi ni Jihyo at tumaas na rin
"Ako rin Unnies. See yah later" sabi naman ni Tzuyu
Nagsitaas na rin yung iba. Naiwan lang kaming tatlo dito nila Sana, si Sana kasi ang pinakamalapit sa kanya kaya todo bantay sya kay Momo ngayon.
"Momo, ano ba kasing nangyari kanina?" tanong ni Sana
Sa tingin ko kailangan nila ng private talk. Tumayo na ako tsaka nagpaalam, tumango lang sila kaya tumaas na ako pero laking gulat ko na nakasilip silang lahat sa baba. Ang mga to talaga.
"Ano bang ginagawa nyo?" tanong ko sa kanila pero sinamaan lang nila ako ng tingin
"Sshhhhh!!" sabay nilang sabi
Napailing ako tsaka naglakad papunta sa kwarto ni Nayeon, sya lang ang wala dun. Siguro may plano ang babaeng to. Kumatok ako sa kwarto nya.
"Pasok" sabi nya
Pumasok ako at shuta! parang binagyo ang kwarto nya. Grabe sa gulo. Nagkalat na papel sa sahig at may mga nakadikit pa sa monitor nya na sticky note. Nag ala detective talaga sya. Mukha syang tanga. Hay nako.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya kahit alam ko na ang sagot
"Iniimbestigahan ko ang kaso ni Momo Hihi" sabi nya
Ang rabbit na to talaga. Umupo ako sa kama nya at binuklat ang mga libro na puro trauma ang nakasulat. Iba't ibang trauma. Anong tingin nya kay Momo natrauma sa salitang RAPE? Ako na yata ang medyo matino sa kanila. Medyo lang haha.
"Ano nga palang kailangan mo?" tanong nya habang busy sa pagsusulat sa sticky note
Sinara ko yung libro tsaka tumayo. Pinulot ko lang yung mga nakalukot na papel sa sahig at binasura sa trashbin sa likod ng pintuan nya.
"Wala. Boring sa kwarto ko eh" sabi ko at patuloy sa paglilinis sa nakakalat na gamit nya
Tumango tango sya at patuloy parin sa pagsusulat. Napapailing na lang ako ng maya maya ilalaglag na naman nya yung papel na nilukot nya. Kinuha ko na lang yung trashbin nya at inilagay sa tabi nya.
"Ideretso mo na dito yang basura mo" sabi ko
Napatingin sya at napangiti. Ngumiti rin ako sa kanya at bumalik sa kama nya. Tinitignan ko lang ito sa ginagawa nya. Desidido na talaga itong malaman ang kadahilanan ng biglaan na reaksyon ni Momo.
*yawn* Inaantok ako. Pumikit muna ako, magpapahinga muna ako for a little bit. Nakapagod pala magpaenroll. Hindi naman siguro magagalit ang babaeng to.
a/n: as of now ito muna po ang nakayanan ng utak ko haha pagpasensyahan

BINABASA MO ANG
The Seven Cold Boys and the Nine Childish Girls (Editing)
FanfictionNasa kanila na ang lahat... Kagwapuhan Kayamanan As in lahat... Pero pano kung magulo ang mapayapa nilang mundo sa pagdating ng siyam na babae. Siyam na makukulit na babae na araw-araw sisirain ang araw nila... Pero pano kung sa pagtagal ng panahon...