Part 8

10.6K 249 14
                                    

PAGKATAPOS ng early breakfast sa mansiyon ay agad nagpaalam si Eira kay Aunt Carrie. Nasa silid parin ang abuelo. Gusto niyang lumabas. Wala pa siyang nakita sa mga kapatid niya. Nakangiting pumayag ang steptom, tinanong lang siya kung saan siya mamamasyal. Abala ito sa pagbibigay instructions sa mga kasambahay at sa drivers. Hindi na niya inalam pa kung ano ang mga utos na iyon.

Si Nanay Nonita na naman ang sumunod niyang nakita. Hindi niya alam kung bakit mula nang dumating siya sa mansiyon ay ang ito ang madalas niyang nakikita. Madalas rin niyang makita na parang laging sinusundan siya nito ng tingin. Imposible namang binabantayan siya. Baka ganoon lang talaga ito—mapagmasid. Nakita niyang kausap nito kanina si Manong Samuel.

Dala ang cellphone at isa sa mga cameras na bitbit niya sa Sagada ay hinanap niya sa paligid si Manong Samuel. Nawala na lang kasi ang driver matapos makausap si Nanay Nonita. Masyadong malamig kung maglalakad siya kaya mas magandang isama na lang niya ang driver—sa Souvenir shop lang naman siya pupunta. Babalikan niya ang pina-reserve niyang T-shirt at, ang ngiti ni Alex. Sana lang ay hindi pa ito nakakaalis sa shop.

"Saan tayo, Ma'am Eira?"

"Sa Souvenir shop ni Alex, Manong Samuel." nakangiting sagot niya sa driver.

"Wala pang alas nuebe, Ma'am, sarado pa."

"Nine pa ba ang bukas ng shop?" napatingin siya sa wristwatch niya. Mag-aalas siyete pa lang ng umaga. Ang aga nga niyang gumagala para sa ngiti ni Alex—napangiti siya, hindi niya napigilan. Nasa tabi pa niya ang jacket ng lalaki at ang gray cloth na ipinambalot ni Alex sa katawan niya nang nagdaang gabi.

"Alas nuebe o kaya alas diyes pa, Ma'am. Alas otso kapag may ibang bantay. Alas diyes kapag wala ang Mama niya—ay, mali. Ang amo pala niya."

"Strict ba ang amo niya? Na-fired daw siya kahapon lang, eh."

"Baka nagpapa-pogi lang kasi, Ma'am. Masyadong pa-pogi ang isang 'yon. Marami pang fans."

"Fans po?"

"Mga turista na artista yata ang tingin sa kanya. Nagpapakuha ng litrato sa tabi niya. Mas mataas ang benta ng shop kapag siya ang bantay pero madalang lang umuwi ang isang iyon ng Sagada."

"Saan po ba siya naka-base?"

"Marami naman silang bahay. Meron sa Baguio at sa Maynila."

"May girlfriend siya, Manong Samuel?"

"Na tagarito? Wala. Hindi ko lang alam kung meron sa ibang lugar. Hindi naman kasi naglalagi 'yan si Andoy rito. Pabalik-balik lang. Medyo nagtatagal na ng ilang linggo mula nang..."

"Mula nang?"

"Mula nang ano...ah, ano nga ba—magtayo ng shop, oo ng shop na pinanggalingan mo kagabi ang amo niya."

Bakit parang nanghahagilap ng sagot si Manong Samuel? Tumango-tango na lang si Eira. "Nag-breakfast kana ba, Manong Samuel?"

"Hindi pa, Ma'am."

"Mag-almusal na lang po tayo somewhere? Saan ba tayo puwedeng mag-stop muna para kumain habang naghihintay mag-nine?"

"Hindi ka pa nag-almusal, Ma'am?"

"Tapos na, pero gusto kong kumain nang kahit ano. Mag-breakfast kana lang 'tapos treat ko? Okay na ba'yon? How about lemon pie po?"

"Naku, Ma'am—"

"Bawal tumanggi. Isusumbong kita kay Lolo na hindi mo ako sinasamahan sa mga gusto kong puntahan."

"Mas gusto ko ng putong-bigas at mountain tea, Ma'am Eira," sabi ng driver na ikinagiti niya.

EIRA (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon