Part 12

6.7K 193 1
                                    

SA READING ng last will and testament ng abuelo ay naroon si Eira kasama ng mga kapatid sa ama. Wala siyang interes sa mana niya mula kay Lolo Alfonso. She had everything and more. Mas kailangan niya ng pamilya pero sa kung anong dahilan, iyon ang nawawala sa kanya.

Dumaan lang sa pandinig ni Eira ang mga binabasa ni Attorney Ferrer. Isa-isa niyang narinig ang mga pangalan ng kapatid na kinabitan ng mana mula sa kanilang Lolo Alfonso. Hindi niya alam kung ano-ano ang iniisip ng mga kapatid nang mga sandaling iyon.

Pangalan ni Eira ang huling binanggit ni Attorney Ferrer kasunod ang mga iniwan ng abuelo para sa kanya. Hindi na niya pinakinggan lahat. Hindi siya interesado sa anumang makukuha niya. Kung may gusto man sa mga kapatid niya na kunin ang mana ay ibibigay niya. Hiling niyang sana ay hindi maputol ang ugnayan nilang magkakapatid sa pagkamatay ng Lolo nila.

Pangalan ng hotel sa Baguio, portion ng agricultural land sa Sagada, shares sa mining, at fifty million cash ang mga huling narinig ni Eira na rumehistro sa isip niya. Hindi niya iyon kailangan pero iyon ang inilalatag ng sitwasyon sa harap niya. Ang pamilya na kailangan niya, iyon naman ang mailap. Nang-iwan na si Lola Stef, sumunod si Lolo Alfonso. Sino na ang susunod na mang-iiwan? Ang ama nila?

Mariin ang naging pag-iling ni Eira sa naisip niyang iyon.

At dahil comatose pa rin ang ama nila ay may dahilan pa silang magkakapatid na manatili sa Sagada. Sana lang ay hindi sila magkawatak-watak sa pagkawala ng abuelo na naghangad na maging buo silang walo.

Nag-angat lang siya ng tingin matapos marinig na may kakabit na proviso ang mga mana nila. Isang pangkalahatan at isang para sa bawat isa sa kanila. Binanggit rin ng abogado ang properties na maiiwan at ang maaring mawala sa kanya sa oras na hindi niya magawa ang nakasaad sa proviso.

Tiningnan lang ni Eira ang envelope mula kay Attorney Ferrer—na naglalaman ng sulat mula sa kanyang Lolo Alfonso.


EIRA (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon