Part 9

7.7K 209 1
                                    

"Hindi ginawa ng abogadong sinasabi mo ang alinman sa ginawa ko?" seryoso ang ekspresyon ni Alex sa tanong na iyon, lalo na siyang nagtaka. Kung may ginawa man si Attorney Virgil, malamang palalampasin lang niya, hindi papansinin. Masyado na niyang matagal na nakasama ang abogado na wala siyang napansing kakaiba sa kilos nito tuwing magkasama sila. Kung ano ang turing sa kanya noong bata pa siya, ganoon pa rin hanggang ngayon. Isa lang ang nawala—ang kuwento nito tungkol sa Gulay Rangers na pinagtatawanan na lang nila pareho kapag sinisisi niya ito sa walang paliwanag niyang pag-ayaw sa gulay.

"Hindi nga," naalala tuloy ni Eira ang mga pasimple niyang pagpapa-cute sa abogado noong nasa higshchool pa lang siya na tinatawanan lang ni Attorney Virgil. Trustworthy talaga ang abogado. Hindi nagkamali ang lola niya na pagtiwalaan ito. "Iniisip mo ba na hindi siya trustworthy? Mali ka. 'Yong trust ni Lola and trust ko combined, ang laki no'n—and he deserves it."

Nakatitig lang si Alex sa kanya. Mayamaya ay: "Kaya priceless ang ngiti niya? Ang tanda na kaya ng Attorney na 'yan," inilapit na nito sa kanya ang cell phone kung saan nasa screen pa rin ang picture ng abogado. "Mukha siyang singkuwenta na!"

"Hindi 'no!" buong-buong pagtutol ni Eira pero natatawa. "At 'yang smile niya, one of the best smiles na nasa collection ko ng photos!" pagtatanggol niya.

"Single ba 'yan?"

"Yep. Why?"

"Kung yakap ang hininging kapalit ng isang lawyer na single at crush mo, kapalit ng isang nakangiting photo niya, mag-iisip talaga ako nang masama, Eira."

"Hindi mo iisipin 'yan kung kilala mo siya."

"Kung isang normal na lalaki ang kasama ng isang babaeng gaya mo, oo—"

"Normal siya!" biglang putol ni Eira, hindi matanggap ang ideya na maaring naisip ni Alex. "Hindi siya gay!" bulalas pa niya. "Huwag na natin siyang pag-usapan." Bakit nga ang abogado ang topic nila? "'Yong photo mo ang pag-usapan natin."

"Sa ibang araw na lang, Eira." Sa wakas ay inalis na rin nito ang pagkakatitig sa kanya.

"Magmi-meet pa tayo sa ibang araw?" parang bigla siyang na-excite. Oo nga naman, hindi pa naman siya aalis ng Sagada kaya marami pang pagkakataon.

"Ayaw mo?"

Ngumiti siya. "Okay, sa ibang araw." Itinago na niya ang cellphone.

Bumalik na naman ang mga mata ni Alex sa kanya. Wala nang pag-uusap pagkatapos noon. Nagtitinginan at nagngingitian na lang sila nang mga sumunod na sandali hanggang pareho nilang naubos ang tea.

Pagkaalis nila sa kubo ay sa ospital na tumuloy sina Eira at Manong Samuel para dalawin ang comatose niyang ama. Sumama sa kanila si Alex na wala raw sasakyan kaya makiki-hitch na lang.

Pagdating sa ospital ay mahabang oras ang ginugol ni Eira para pagmasdan ang walang malay niyang ama. Sa init na naramdaman niya sa dibdib ay natiyak niyang ang nasa hospital bed na si Alfonso Banal Jr. ay ang tunay nga niyang ama.

Maraming tanong si Eira. Marami siyang gustong malaman. Marami rin siyang gustong ikuwento sa ama—na sa ngayon ay kailangan niyang salirinin muna dahil hindi pa siya kayang sagutin nito.

Bago niya iniwan ang ama ay maingat niyang hinawakan ang kamay nito, kasunod ang pagbulong niya ng: Wake up, Papa. Wake up, please... for us...

Pagkagaling sa ospital ay itinuloy ni Eira ang paglilibot sa lugar, paraan niya iyon para ibaling sa ibang bagay ang atensiyon. Kung mananatili siya sa mansiyon at mag-iisip lang ay lalo siyang malulungkot. Kinukuhanan niya ng pictures lahat ng magandang nakikita niya sa paligid—mula sa mga ligaw na bulaklak sa tabi ng daan hanggang sa mga taong naglalakad at nagkukuwentuhan. May mga nakuhanan na naman siyang mga estranghero at estranghera na nakangiti.


EIRA (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon