Part 21

7.8K 223 9
                                    

NAG-ENJOY ng husto si Eira sa dinner kasama ang Mama ni Alex at si Tito Ico. Okay na sana ang lahat kung hindi lang siya nakabasag ng baso, kung hindi lang nabasa ng juice ang damit niya, at kung hindi lang siya nagmukhang walang walang alam sa harap nina Alex, Tita Anjanet at Tito Ico—lahat ng iyon ay naranasan niya dahil sa bisitang humabol sa dinner—si Joy.

Kamuntik na siyang masubsob sa sahig dahil pinatid ng babae ang paa niya pagdaan nila ni Alex sa puwesto nito sa sofa. Maagap siyang naalalayan ni Alex kaya hindi siya sumadsad sa sahig. Nabitawan nga lang niya ang baso ng tubig at nabasag. Hiyang-hiya siya kay Tita Anjanet at kay Tito Ico na nakakaunawa ang ngiti sa kanya.

Patay malisya naman si Joy, nagpanggap na walang ideya sa ginawa. Napailing na lang si Eira. Siguro nga ay hindi talaga aware ang babae sa ginawa. Mukhang inosente talaga ang kilos nito.

Sa mesa naman ang ikalawang 'aksidente' niya sa dinner na iyon. Iniabot ni Eira kay Joy ang dish na ipinakiusap nitong abutin niya. Pag-abot nito ay nasagi ang juice sa tabi niya—at tumapon iyon sa mismong damit niya!

Abot-abot ang pagso-sorry ni Joy, apologetic talaga ang anyo nito. Ngumiti na lang siya, inintindi na lang ang nangyari. Kaagad siyang sinamahan ni Alex sa guest room para makapagpalit ng damit. Pagbalik nila sa mesa ay buhay na buhay na ang kuwentuhan ni Tita Anjanet at ni Joy. Si Tito Ico naman ay tahimik na nakikinig lang. Pag-upo nila ay kay Alex na napunta ang usapan. Ang dami-daming sinasabi ni Joy tungkol sa mga paboritong pagkain ni Alex, sa mga hindi nito kinakain, sa choice nito ng damit, sapatos hanggang umabot na pati sa paborito nitong posisyon sa pagtulog.

Salamat kay Tito Ico na naramdaman yata na hindi na siya makasabay sa usapan, nagkaroon si Eira ng kakuwentuhan. Sila na ang nag-usap tungkol sa mga paborito nitong niluluto. Naitawid rin niya ang pang-anim na beses na dinner sa tahanan ng pamilya Callanta—ang number two sa sulat ng kanyang abuelo—na hindi nahalata ng lahat na umiiwas siya sa gulay. Maagap naman si Alex na saluhin siya, kapag inabot sa kanya ni Tito Ico ang vegetable dish, kasama ang paliwanag sa mga sustansiyang makukuha sa pagkain ay si Alex na ang naglalagay sa plato niya. Mas marami ang kinukuha nito para sa sarili at pipiliin lang ang mga particular na gulay na nagagawa na niyang kainin.

Pagkatapos ng dinner ay personal siyang nagpasalamat kay Tita Anjanet. Nag-sorry rin siya sa mga 'disaster' na nangyari. Hindi man kasalanan ni Eira ay siya pa rin ang may hawak at nakabasag sa baso.

Hindi alam ni Eira kung saan galing ang hindi magandang pakiramdam niya nang gabing iyon. Nawala ang dating panatag niyang pakiramdam sa kubo. Naalala niya ang laging sinasabi ni Attorney Virgil sa kanya—na lagi niyang pagtitiwalaan ang pakiramdam niya. Na kung hindi siya panatag sa isang lugar o uneasy siya kasama ang mga bagong kakilala, piliin niyang umalis na lang bago pa may mangyari na hindi niya magustuhan.

Nakasama na niya ng ilang ulit ang pamilya ni Alex kaya alam ni Eira na hindi para sa mga ito ang ganoong pakiramdam niya.

Si Joy.

May kakaiba siyang pakiramdam sa babae na hindi niya maipaliwanag. Maaliwalas naman ang anyo nito, lagi nga na nakangiti at maraming kuwento. But there was something in her she couldn't point out yet.

May iba sa babae. Hindi niya nararamdaman ang panatag niyang pakiramdam noong mga unang beses na kasama niya ang pamilya ni Alex.

Nagdesisyon siyang umuwi agad sa mansion. Tinawagan na niya si Manong Samuel bago pa siya nagpaalam kay Tita Anjanet at Tito Ico. Si Alex ay nasa silid nito kausap si Joy—iyon pa ang isang napansin niya kay Joy, dinidikitan nito lagi si Alex na para bang ayaw bigyan ng chance ang ibang tao na lumapit sa lalaki—at nang gabing iyon ay siya ang gusto nitong huwag makalapit. Hindi sigurado si Eira kung tama ang pakiramdam niya o baka ganoon talaga ang ugnayan ng dalawa. Sabi nga ni Alex, matagal na nitong kaibigan si Joy.

EIRA (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon