This is unedited version, the edited version is saved fro manuscript submission, enjoy!
Violet
Ilang taon na ang lumipas, hindi ko alam kung may plano pa ba ang mga diyos at mga diyosa na magtiwala pang muli sa mga tao. Sa pamamagitan ng pagpili ng bagong otoridad ng mundo, sa pagbuo ng Magic Council ay ibig sabihin ay hindi na nila kami pababayaan pa.
Kung hindi lang trumaydor si Drake, ang kasalukuyang Dark Lord, malamang masaya na ang mundong Cyrene.
Isang lider ng Magic Council si Drake noon, pero dahil sa kasakiman ng kapangyarihan, trinaydor niya at pinaslang ang lahat ng kasamahan nito.
Napag-alaman nalang na may nakatakas na kasamahan niya kaso, hindi ko alam kung buhay pa ba ito o patay na.
Naglalakad ako sa kalye ngayon, pansin ko na medyo makulimlim na ang kalangitan, kaya medyo binilisan ko ang paglalakad ko.
Walang katao-tao dito sa dinadaanan ko, kaya alam kong delikado maglakbay ng nag-iisa, lalo na walang kinatatakutan ang mga masasamang tao, simula no'ng bumakante ang posisyon ng Magic Council.
Sa lamig ng gabi, napahinto ako sa paglalakad, dahil may narinig akong sumisigaw na babae, nasa panganib.
Alam kong tunog dalaga ito, hindi ito medyo kalayuan sa kinaroroonan ko kaya naramdaman ko ang kaba sa aking dibdib.
Bumilis ang aking paghinga sa kaba, rinig na rinig ko ngayon ang aking puso na tumitibok ng mabilis at ramdam ko na pinapawisan ang noo ko.
"Gusto ko tumulong, kaso delikado," bulong ko, hindi ko alam ang gagawin ko, tutulong ba o hindi.
Dapat ako magmadaling magdesisyon, dahil buhay ng isang tao ang nakasalalay sa aking mga kamay.
Huminga ako ng malalim at medyo nawala ang kaba ng dibdib ko.
"Hindi ka duwag Violet, kaya mo ito," sabi ko kahit alam kong buhay ko rin ang nakasalalay sa gagawin ko.
Patuloy pa rin ang pagsisigaw ng tulong hanggang tumahimik ito.
"Saan na kaya siya ngayon?" Tanong ko sa kawalan at naramdaman ko ang tubig na tumulo mula sa kalangitan, umuulan na.
Nakikita ko ngayon ay mga bahay na hindi ko alam kung bakit walang ilaw.
Ang lamig na dahil sa hangin at basang-basa na ako ng ulan.
Sa aking kalooban, may naramdaman akong sinasabing, pumunta ako ng diretso, kaya hindi ako nag-aksaya ng oras at tumakbo ng diretso.
Napasinghap ako ng malakas no'ng may apat na tao akong nakikita.
May lalaking payat na nasa uluhan ng maputing babae saka may mataba at pandak naman ay nasa may paanan ng babae.
Kahit hindi ko nakikita ang babae, alam kong maganda ito dahil sa kinis ng kutis at mas lalong gumanda dahil sa ulan.
Alam ko na kapag tumakas ako, may mangyayaring masama sa babaeng iniwan ko, at kapag pipigilan ko ito, hindi ko alam kung kaya ko silang labanan na mag-isa.
Nakikita ko na huhubarin na sana ng pandak ang palda ng babae kaya hindi ako makapakali.
Para akong estatwa na hindi makagalaw sa kinaroroonan ko.
BINABASA MO ANG
The Legend of Violet 1: The Beginning of Violet
FantasyTwelve members of the magic council, Eleven were killed, Ten years passed, Ninety five representatives and only Eight people were qualified. Seventh's prophecy, Six women will be abducted, Five culprit, For Four months, Three things to do of Second'...