Violet
Agad nawala si dok sa paningin ko kaya agad-agad akong tumayo at tumakbo para sundan si dok.
"Tama nga ang hinala ko, aatake sana siya sa akin, ako pala ang susunod na biktima," sabi ng isipan ko habang tumakbo ng hindi napapansin ng mga tao.
Itinago ko ang enerhiya ko para hindi mapansin ni dok, na nakabuntot ako sa kanya.
Napunta kami dito sa isang dorm ng mga babae kung saan may bakas ng pagsabog kaso hindi nasira ang infrastuctures dito.
Nagmamasid lang ako sa isang sulok, pinapaalis ng mga professors ang mga estudyante at wala silang nagawa kun'di bumalik sa mga kwarto nila.
"Anong nangyari dito?" tanong ni Dok Vivien sa mga faculties.
"Another student na nawawala nanaman, pinasukan siguro ang kwarto at napalaban si Sandy ng Third year," sagot ng lalaking faculty.
Maya't maya pa ay dumating na ang headmistress.
"Saan kaya siya galing? Imposible hindi niya yo'n naramdaman kaagad para umaksyon," takang tanong ng isipan ko.
Ilang sandali pa ay umalis na sila doon dahil dumating na ang mga imbestigador kaya mas lalo ako naging maingat sa pagtatago.
Humiwalay si Dok Vivien sa mga faculties at hindi siya pabalik sa ospital kun'di sa garden ng CU.
"Bobo mo talaga! Makukuha ko na sana yo'ng Violet na iyon, eh inuna mo pa yung third year," rinig ko mula kay Dok Vivien na pabulong.
"I knew it, ngayon may suspects na ako, kaya tatlo nalang ang hahanapin ko," sabi ng isipan ko.
"Ang katangahan mong iyan ang magdadala sa kapalpakan natin, bakit ba nagpasabog kapa? Eh sana dalawa na ang nakuha natin!" Ramdam ko ang galit ni Dok Vivien.
Hindi ko pa alam kung sino ang kausap niya pero malalaman ko rin yan dahil sasagot at sasagot pa rin siya kay Dok.
"Chill Vivien, don't worry wala namang nangyari and also makukuha pa rin natin siya pero naguguluhan ako saiyo, diba makapangyarihan lang ang kukunin natin?" sagot ng babae.
"Hindi ko inasahang traydor ka pala Prof Dianne," komento ng isipan ko.
"Hindi ba sabi ng headmistress na magical and physical power are the same, it will matters in our skills?" sagot ni dok.
Naalala ko tuloy ang sinabi ng headmistress noon.
"Don't underestimate Deniers even though they got no magical powers but remember students, Physical strength and magical powers are one, it only depends on your skills, talents and wisdom".
"Hindi pa ako sigurado kung kasama ba talaga ang headmistress sa kanila o hindi, I'll try to find out," sabi ng isipan ko.
"Ya, ya, but remember, kulang pa sa akin ang pinapakita niya, kaya dapat maging hinog muna siya bago mo kunin, alis na ako," sagot naman ni Prof Dianne kaya nagmadali akong umalis sa tinataguan ko at bumalik sa ospital.
Umupo ako ulit sa inupuan ko kanina, at maya't maya pa ay dumating na si Dok Vivien.
"I'm so sorry na pinaghintay kita, pwede ka na umalis dahil may nangyari kaya may aasikasuhin muna ako, okay?" ngiting sabi niya.
Ngumiti rin ako sa kanya at sabay sabi na, "Okay po."
"But remember Ms. Violet, do your best," ngiti niyang sabi sa akin kaya sumagot din ako habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
The Legend of Violet 1: The Beginning of Violet
FantasyTwelve members of the magic council, Eleven were killed, Ten years passed, Ninety five representatives and only Eight people were qualified. Seventh's prophecy, Six women will be abducted, Five culprit, For Four months, Three things to do of Second'...