Violet
Hindi ko alam ang aking nararamdaman ngayon. Takot, lungkot at kaba lamang ang tanging maisip ko.
Parang tambol ang tibok ng aking puso, parang gripona ang mga pawis na lumalabas sa aking katawan, parang nakuryente ako dahil sa panginginig ng aking kamay at tuhod.
Yumuko ako kaagad bilang pagbibigay galang sa nilalang nakaupo sa harapan ko.
"What are you doing, Violet?" tanong niya saakin.
Alam kong seryoso siya ngayon dahil sa pangalan ko na ang tawag niya saakin.
"Giving a respect to you, Majesty," sagot ko habang nakayuko pa rin. Naramdaman ko nalang na hinawakan na niya ang baba ko. Hindi ko man lang namalayang nakalapit na siya saakin na ganoong kabilis.
"Nah nah, look at me," sabi naman niya kaya napatingin ako sa kanyang mukha. Mas lalo akong natatakot no'ng mas nakikita ko ang mala-ginto niyang mata.
Sobrang lapit na ng mukha niya saakin kaya mas lalo akong kinabahan. Hindi ko alam kung totoo ba ang nangyayari ngayon o isang panaginip lamang lahat na ito.
"Don't be afraid of me, Violet. I'm still me, Mervin Montefiore," dagdag pa niya.
Noon ang mukha niyang palangiti ay ang lagi kong masisilayan pero ngayon naman ay ang walang kaemo-emosyong mukha na lamang ang nakikita ko.
"Co-could I a-ask you something, your Majesty?" utal kong sabi habang nakatitig sa kanyang gintong mata.
"Sure, but like I said. Don't be afraid," sabi pa niya.
Umalis siya sa harapan ko at umupo siya sa sofa chair niya.
"Take a seat and lets talk. Don't worry I covered the room with magic, so only us could know about this small talk of ours," sabi niya saakin at kinuha ang baso na may lamang tubig tsaka uminom.
Lumapit ako sa malapit na sofa chair na nasa tabi niya at doon umupo. Hindi ko alam kung paano itanong sa kanya dahil natatakot ako baka hindi niya magustuhan ang itatanong ko kahit sinabihan na akong huwag matakot sa kanya.
Kahit miyembro ako ng Magic Council ay wala pa rin akong laban sa isang diyos. Hindi ko alam kung paano nangyari yon at bakit hindi ko pa naririnig ang pangalang Mervin na bilang diyos.
"Hindi ba siya gumaya ng katawan ng tao?"
"I'm expecting you to take a visit. Is it because of your Scythe of Secrets?" tanong niya saakin kaya nagulat ako sa huling sinabi niya
"Bakit niyang alam ang tawag sa Scythe of Secrets?" sabi ng isipan ko.
"Kasabwat ba siya sa biro ni Fifth?"
"Yo'ng ginawa niya sa akin, biro lang ba 'yon dahil alam niya na miyembro ako ng Magic Council?"
Nanatili ako tahimik dahil wala akong kaalam-alam kung bakit niya nalaman tungkol sa Scythe na iyon. Tanging ako at si Fifth lamang ang nakakalam sa tawagan na iyon.
"Simple, it is due to my copy cat-" sabi niya kaya nakinig ako ng mabuti.
"I could copy anything. Everything like blessings even your powers,Violet. As long as it has magical powers and has no life on it, I could copy it," sagot niya saakin.
BINABASA MO ANG
The Legend of Violet 1: The Beginning of Violet
FantasyTwelve members of the magic council, Eleven were killed, Ten years passed, Ninety five representatives and only Eight people were qualified. Seventh's prophecy, Six women will be abducted, Five culprit, For Four months, Three things to do of Second'...