Chapter Twenty: The Death of the Magic Council

1.4K 72 9
                                    

Violet

Nagulat ako no'ng naging isang abo nalang ang aking Scythe of Secrets.

Nawala na rin ang epekto ng disabling spell ko, kaya nila itong labanan dahil malalakas sila at hindi pa buo ang kapangyarihan ko.

"Now you will pay for what you have done to my members," galit na sabi ni Dok Vivien.

Nagulat ako sa susunod na mga pangyayari, sinaksak ni Bryan si Doc Vivien sa may dibdib.

"H-how d-dare you!" utal na sabi nito.

"Who said you are the leader of Ravens?" galit na sabi ni Bryan kay Dok Vivien pero hindi na nakasagot si Dok Viven dahil nabawian kaagad ito ng buhay.

"I'll go back to the castle of the Dark Lord, Drake alone and bring back the head of Second and that would be will be my pleasure, he will make me his right hand servant since I am the only survivor of this group," nababaliw na sabi ni Bryan.

"Kahit isang persyiento lamang na kapangyarihan ay hindi ko kayang gamitin, ano ang gagawin ko?" isip ko.

Aatake sana ako ulit kaso pinigilan ako ng headmistress. Napatingin ako sa kanya at tinatanong siya kung bakit, gamit ang aking mga mata.

"You can rest now, ako na ang tatapos sa laban," sabi niya, aangal sana ako kaso may isang bagay ang nagpapapigil sa akin mula sa pagre-reklamo.

Ipinakita niya ang kanyang kamay at doon may lumitaw na sing-sing na kulay puti na may emblem ng Magic Council.

Napayuko ako ka agad para magbigay galang sa naunang Magic Council.

"Mamaya na tayo magusap, tatapusin ko muna ang laban," sabi niya kaya umupo nalang ako, sa tabi ng iba.

"So ikaw pala si Second, ikagagalak namin na makilala ka namin," sabi ni Mitch habang nakayuko ang katawan sa sahig, yumuko din ang mga kasamahan nito.

"Umayos na kayo, oo, ako si Second pero inuutusan ko kayo na kung ano nakita at narinig niyo dito ay mananatili dito, okay?" sabi ko.

Umayos naman sila at nagsalita si Jeanine, "Salamat pala sa pagliligtas sa amin, akala ko mamamatay na tayo sa kamay nila, mabuti nalang may dalawang miyembro ng Magic Council naririto para tulungan kami."

"Oo nga, hindi ko alam na kaklase lang pala namin ang isa sa mga miyembro ng Magic Council," sabi naman ni Samantha.

"Huwag kang magalala, Violet, hindi man namin makakalimutan ang nangyari dito, maging ligtas naman ang sekreto mo sa amin," sabi ni Jeanine.

Napangiti ako sa sinabi nila kaya nagpapasalamat ako sa pagkaintindi sa aking sitwasyon, ibinalik ko ang tingin ko sa laban ng headmistress at ni Bryan.

Inaasahan ko na matatalo ni Headmistress si Bryan dahil sa pagkakaalam ko, ang nakaraang Magic Council members ay may labing limang experience sa laban unlike sa amin na bago lamang.

Nakita ko ang pagkabaon ng kamay ng headmistress sa dibdib ni Bryan, sa tingin ko na ginamitan ng Headmistress ang barrier power niya into sharp edged sword na hindi makikita ng normal na tingin.

Bumagksan sa sahig si Bryan na walang alinlangan.

"Kung hindi lang dahil sa pride, may chance pa sana sila manalo kasama si Dok Vivien," komento ng isipan ko.

The Legend of Violet 1: The Beginning of VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon