Chapter Ten: The Magical power and The Physical strength

1.7K 78 3
                                    

Violet

Naririto ako sa bath tub ngayon, nakatulala sa hangin at hindi ko pa rin maibura sa aking isipan sa ginawa ni Mervs saakin kanina. Mad lalong hindi ako makapakali noong naalala ko ang mga sinabi niya.

Hinalikan niya ako pero hindi ko siya maitulak, naninigas ang katawan ko sa halik niya. Hindi naman siya gumagalaw pero ramdam na ramdam ko ang matamis, mainit at malambot niyang mga labi.

No'ng lumayo na siya saakin ay para akong naging yelo.

"Sorry," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin pala siya sa ibang direksyon baka nahihiya.

"Mervs, I could not understand your actions like kissing me, are you playing with me?" Ang mga salitang lumabas sa aking bibig. Humiga siya sa carpet tsaka ipinikit ang mga mata nito.

"Matutulog ba ang isang to?"

Ilang minuto akong naghintay at nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata niya.

"Well tulog na nga, baka ayaw niyang sabihin ang totoo," bulong ko na alam kong ako lang ang nakakarinig.

Aalis na sana ako kaso pinigilan niya ako sa pamamagitan sa paghawak ng aking kanang kamay.

"Please stay for a moment, I need time to contemplate first for what I'm going to say. So please wait, please," sabi niya kahit nagtataka ako ay umupo nalang ako muli.

Nakatitig nalang ako sa kanya, napapansin ko na sobrang maamo ng kanyang mukha.

"Ibang klase pala ang isang to, may mala-diyos na nga ang kapangyarihan pati na rin ang kagwapuhan ay mala-diyos din." bulong ng isipan ko.

Pansin ko ang kinis ng mukha niya, mas gumanda ito lalo dahil sa kaputian niya.

"Shoot! Sana hindi niya naintindihan," reklamo ng isipan ko no'ng na-realize kong nakakabasa pala siya ng isipan ng ibang tao.

"Don't worry, from now on, I won't read your thoughts for your privacy;" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Dumilat ang kanyang mga mata kaya napatingin ako sa ibang direksyon, "I promise and Violet-" putol niyang sabi.

"Ever since I first saw you at the High Ground."

"So nandoon ka pala no'ng time na 'yon. Kaya pala walang Zyroe's user nananatili para sa posisyong Magic Council dahil demi god ka na pala," komento ng isipan ko pero patuloy pa rin ako sa pakikinig.

"I am already struck with your passion and because of that, I like you already." Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko inasahan na iyon ang sasabihin niya.

"Mervs, I think you mistook your understanding about liking somebody. I think your expression about it is by kissing them," sabi ko.

"Nope, it may be my first time of liking someone but still, I understood it well," sagot niya ng diretso.

Wala na ako magawa kung 'yon ang sagot niya. Pasalamat siya at gwapo siya kaya hindi ko siya sinapak sa paghahalik saakin.

I realized na kung bakit hindi ako umaangal sa pagnanakaw ng halik sa akin dahil sa kagwapuhan niyang walang kapantay, pero sinisiguro kong hindi na yun mauulit dahil ayokong masira ang reputasyon ko bilang Second.

The Legend of Violet 1: The Beginning of VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon