Chapter Four: The Cyrene University

2.2K 126 60
                                    

Violet

"All you need to do is to impress the unknown culprits," sabi ni Seventh at tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

"Ang sabihin mo Seventh, ay ipa-impress ang lahat na naroroon, para sigurado," tawang sabi ni Third.

Seryoso lang ang lahat at tanging si Third lang ang tumatawa kaya tumigil siya sa pagtawa dahil sa kahihiyan.

"And one more thing, Second, don't use your power exceeding 10%, dahil mabubunyag ka kaagad kapag gumamit ka over the maximum. Kampante naman ako dahil alam naman nating lahat, na ikaw ang pinakamagaling kumontrol ng enerhiya sa ating lahat," sabi naman ni Eight at hinawakan ang balikat ko.

"Good luck," dagdag pa nitong sabi.

Naintindihan ko naman ang point nila, baka kasi, tatakas ang suspects kapag nalaman nila na may Magic Council na nagi-imbestiga doon.


"Ten percent is the maximum okay? Below than that, ay hindi pa yan mararamdaman ng kahit sinong mortal sa mundo, pwera nalang kung kaantas mo ang Magic Council, simplest rule," suportang sabi rin ni First kay Eight.

"Okay so in short, all I need to do is act like a Denier," sabi ko na may seryosong mukha.

"Yes, like a Denier, under Majestic Drawie's blessing. Don't worry I'll craft a weapon for you to use, dahil ang isang Drenier ay puro physical strength lamang ang gamit," sabi ni Fifth.

"Yes! Thank you, Fifth!" galak kong sabi na may napakalaking ngiti. Alam ko kasi na magandang gumawa si Fifth ng weapons dahil Class SSS ang mga gawa nito.

"Before you go, read this student's handbook first, Second, para naman alam mo ang rules and regulations ng school," sabi naman ni Fourth saakin.

So tatlo lang ang gagawin ko para sa misyon ko.

Act like a Denier, find the culprit, and save the victims.


Naririto ako ngayon sa kulay itim na gate ng Cyrene University, medyo may kalakihan ito at kitang-kita ko na marami-rami na ang estudyanteng papasok dito.

Sa loob ng tatlong araw, ay nakapokus lang ako sa mga kakailanganin ng eskwelahang ito, na kahit anong antas ng buhay mo, kahit anong edukasyon ang naabot mo, at kahit anong edad mo, ay sasabak ka sa kanilang Entrance Exam.

Tinignan ko ang kanang kamay ko, nakabalot ito ng puting benda na gawa ni Fifth para lang natakpan ang singsing ng Magic Council.

Namangha ako dahil parang wala lang ito, hindi ko naramdaman na may benda pala ako sa kamay at kung titingnan ko ito ay walang kahit maliit na bakat ng singsing ang kamay ko.

Naalala ko tuloy ang napag-usapan namin ni Fifth kahapon.

"Ito ba yo'n, na sinabi mo saakin?" Tanong ko nung siya mismo ang bumalot ng kanang kamay ko.

Isang elastic white bandage ito na kasing hawig ng isang ordinaryong benda, "oo at huwag kang magalala dahil hindi ito masisira ng basta't-basta, kaya nitong takpan ang singsing na hindi mahahalata ang may suot nito. Kaya huwag mong tatanggalin sa buong apat na buwan dahil alam ko-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Oo na, hindi ako magaling bumalot ng benda at lalo na ako mismo ang babalot sa kamay ko pero may tanong ako, hindi ba babaho ang kamay ko sa apat na buwan?" Sabi ko naman.

The Legend of Violet 1: The Beginning of VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon