Violet
Tumango si Charmaine bilang pagsang ayon sa tanong ko kaya mas lalo akong napangiti.
"Ang utos ko lang naman sa inyo ay-" Ramdam ko ang kaba nila dahil sa ginagawa ko. Pingpawisan ang iba, ang iba ay nakatingin sa ibaba.
Lumapit ako kay Charmaine kaya napapikit siya ng mga mata.
"Akala mo siguro sasampalin kita?" komento ng isipan ko.
"Let's be friends," ngiting sabi ko at nagulat silang anim sa sinabi ko.
"Friends as in kaibigan?"pagtatakang tanong ni Angelica.
"Yes friends kaya ano?" ngiting tanong ko.
Napangiti naman sila Angelica at ang apat na second year pero si Charmaine naman ay walang imik.
Ilang segundo na lumipas ay napansin ko ang mga luha na naguunahang tumulo sa pisnge ni Charmaine kaya niyakap ko siya kaagad para kumalma.
Ramdam ko ang lupa sa mga tuhod ko sabay ramdam ko ang medyo mainit na likido na pumapatak sa balikat ko, umiyak siya lalo.
"Huwag kanang umiyak, magmumukha kang kawawa sa kasamahan mo, be strong and courageous," pagpapakalma ko sa kanya.
Ramdam ko na niyakap niya ako ng pabalik at imbes tumahan siya, mas lalong umiyak ito na parang bata.
"Huwag ka na umiyak kasi, baka maging literal na water color 'yong make up mo na sobrang kapal," sabi ko.
Naramdaman kong tumawa siya kaya tumawa rin ang mga kasamahan niya.
Bumitaw na siya sa pagkayakap sa akin at kitang-kita ko sa mukha niya ang ngiting masaya.
"Salamat, ang bait mo talaga Violet, kaya huwag kang magdadalawang isip kapag kakalainganin mo kami," sabi niya habang hawak ang mga balikat ko.
"Noted," sagot ko.
Bumalik na ako sa cafeteria at nagkita ko na nakatingin ang aking manliligaw habang nakangiti sa akin.
"How's the talk?" tanong niya no'ng nakaupo na ako sa harapan niya.
"Smooth and we're friends already," ngiting sabi ko.
"Good, okay finish your food and let's go back to the room since it's already time for our next class," sabi niya.
Natapos na ang araw kaya pabalik na sana ako sa kwarto kaso may pamilyar na boses ang tumawag sa akin kaya lumingon ako kaagad.
"Charmaine?"
"Violet my beshy, sabay ka sa amin ng barkada," bungad niya kaagad sa akin habang nakangiti.
"Sure, Saan naman?" tanong ko kaya napangiti siyang lalo sa tanong ko.
"Shopping, may bagong release ng cosmetics sa market kaya tara, sagot ko ang gusto mo," sabi naman niya.
"Sure."
BINABASA MO ANG
The Legend of Violet 1: The Beginning of Violet
FantasyTwelve members of the magic council, Eleven were killed, Ten years passed, Ninety five representatives and only Eight people were qualified. Seventh's prophecy, Six women will be abducted, Five culprit, For Four months, Three things to do of Second'...