Violet
Suot ko ngayon ang uniform ng CU, kung saan ay itim na dress na may white na ribbon sa may dibdib.
Hindi nanaman ako nakatulog ng maayos kagabi dahil iniisip ko kung si Headmistress ba talaga ay isa sa mga suspek ko.
Hndi ako pwedeng magpadalos-dalos na hulihin siya dahil una, wala akong ebidensya.
"Huhulihin ko sila ng sabay."
Pagdating ko ay nagsimula na pala na mag-lecture ang prof namin kaya kumatok muna ako sa puntuan na nasa gilid, bago pumasok.
Sa ginawa ko, napatingin sila lahat sa akin pero ang napansin ng mga mata ko ay si Mervs, suot niya ang kanyang ngiti.
"Miss Violet? Care to explain, why are you late?" seryosong tanong ng prof na lalaki kaya bumalik ang atensyon ko sa kanya.
"I woke up late and my apologies Prof," sagot ko naman.
"Okay, you may come in but next time I won't let you, okay?" Sabi naman ni prof kaya pumasok ako.
"Thank you prof."
Nakita ko si Mervs na nakatitig sa akin at nabasa ko ang nais niyang sasabihin, umupo ako sa tabi niya kaya lumakad ako paakyat ng kwarto at umupo sa tabi niya.
"For Ms. Violet sake, again I am Professor Carl for the subject for today, Magical Informatics," dagdag pa ni prof.
"Long time no see," rinig kong bulong niya kaya napangiti ako.
"Yeah," pabulong na sagot ko habang naka-focus sa prof na nasa harapan.
"As I continue, let me represent you the current Magic Council," sabi ni Prof Carl kaya napatutok ako sa sasabihin niya dahil nagkaroon ako ng interes sa mga sasabihin niya.
Nag-drawing siya gamit ang kanyang hintuturo sa hangin tsaka may pulang tracing ang lumalabas sa bawat draeing niya.
Napalaki ang mata ko dahil kabisado niya ang drinawing niya, Magic Circle ni First.
Pumalakpak siya ng tatlong beses at may lumabas na human size hologram na identical image ni First sa tabi niya kaya mas lalo ako namangha sa ginawa niya.
"The leader of the Magic Council, First."
"First or also known as The Sun, which he/she has the ability to control the heat temperature within his/her area." paliwanag niya.
"Bakit The Sun? Gumawa ba siya ng nicknames namin?" Sabi ng isipan ko.
Lumakad ang hologram papunta sa side at nag-drawing nanaman siya pero kulay lila na ang tracings tsaka pumalakpak siya ng tatlong beses.
"This is Second, The Force Caster, the one who could control the forces around her, specifically time and gravity."
Namangha ako dahil nalaman niya ang isa ko pang kapangyarihan, Time but it does'nt matter since general naman ang sinabi niya.
"Wow, pwede siya mag-time travel?" manghang sabi ng isa ko kaklase na babae.
"Sorry but we still don't know," sagot ng prof.
BINABASA MO ANG
The Legend of Violet 1: The Beginning of Violet
FantasyTwelve members of the magic council, Eleven were killed, Ten years passed, Ninety five representatives and only Eight people were qualified. Seventh's prophecy, Six women will be abducted, Five culprit, For Four months, Three things to do of Second'...