Chapter Twenty Two: The Sacred Mountain of Qualt

1.5K 72 18
                                    

Violet

"Sino kayo!" sigaw ng makulubot na mukha ng mangkukulam.

"Kami lang naman ang tatapos sa kasamaan mo." Nakita kong ngumiti si Eight.

Tumawa lang ang matanda na sa tingin ko, hindi ito natatakot.

"Lishandro rewadre kirio!" May kulay asul na magic circle na bumuo sa paanan niya at medyo naramdaman ko ang lamig ng hangin na galing sa kanya.

"Yan lang ba ang kaya mo?" tawang sabi ni Eight.

"Ang malas mo naman, ang reyna pa ang nakalaban mo," ngiting sabi ko.

Natapos na namin ang aming misyon at agad namin itong ni-report sa headquarters namin.

Ilang linggo na ang lumipas at estudyante pa rin ako ng CU, gano'n na din si Ninth, bilang headmistress para walang bakas na si headmistress ang bagong miyembro ng Magic Council.

Ngayon, nsa harapan ako ng lahat ng miyembro ng Magic Council dahil sa aking ibabalita.

"I have a good news and it's an epic one," sabi ko sa kanila.

"Ano pala yo'n? Excited tuloy ako," tanong ni Fifth.

"Alam ko kung nasaan ngayon nakatira ang Dark Lord na si Drake," diretso kong sinabi sa kanila.

Nakita ko ang iba't ibang reaksyon nila, si First na napatayo sa balita, si Third na napanganga, si Fourth na lumaki ang mga mata, si Fifth na nahulog sa upuan niya, si Sixth na nawala ang antok, si Seventh na napatayo rin, si Eight na nakatingin kay Ninth at si Ninth na may mukhang malungkot.

Alam ko nalulungkot siya dahil dalawa lang yan, una dahil magkikita sila ulit, at pangalawa, papatayin namin siya, alam ko naka move on na siya dahil kay Prof Carl pero first love is first love.

Kumalma silang lahat bago ako nagpatuloy sa sasabihin ko.

"Sa Sacred Mountain of Qualt," diretsong sabi ko.

"Paano mo pala nalaman?" tanong ni First.

"Dahil no'ng time na kinidnap kami ni Ninth, pinaamin ko muna ang salarin bago namin sila pinaslang," sagot ko at samu't sari ang nabuong bulungan sa lugar.

Ito kasing misyon ito ay malaking impact na magagawa sa buong Cyrene, it's either kapag kami ang pumalpak ay mas lalong maghari ang Dark Lord o kaya matalo namin ang Dark Lord at mahabang kapayapaan nanaman ang mararanasan ng Cyrene at hahanap nanaman si Grundier ng bagong Dark Lord sa mahabang panahon.

"So, let's have a plan, Second, you lead," sabi ni First kaya tumango ako.

Kumuha ako ng mapa ng Cyrene at inilagay sa gitna ng hall, tumayo silang lahat at pumunta sa gitna para tignan ang mapa.

"Naririto ang Sacred Mountain of Qualt," sabi ko at itinuro ang nasa left upper side ng map.

"So we will teleport to it directly?" tanong ni Third dahil siya ang teleporter namin.

"No," sagot ko.

"I agree with Second, mas mabuti pang lakarin natin dahil sa natuklasan naming impormasyon. May apat na dibisyon si Drak bilang galamay nito, sila ang mga alagad nito na nagpapatuloy sa laganap ng lagim sa buong Cyrene. Ang maganda dito, kapag natalo natin ang Dark Lord, wala na rin siyang successor kaagad kaya mas matagal makahanap ng susunod kay Drake pagnagkataon," paliwanag naman ni Ninth.

"Oo, yan din ang dahilan ko, thanks Ninth for supporting," sabi ko naman kay Ninth.

"So let's vote guys, two already voted for no, who says yes?" tanong ko sa kanila habang itinaas ang kaliwang kamay sa ere.

The Legend of Violet 1: The Beginning of VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon