Chapter Two: The High Ground

3.4K 147 77
                                    

Violet

"Ma-Ma-Majestic Serene, a-ano po ang ma-maipaglilingkod ko sa i-inyo?" utal kong sabi sabay yuko bilang pag-galang sa isang diyosa.

Majestic ang tawag sa isang normal na diyos at diyosa, kapag lider naman nila ay tinatawag na Supreme.

Ramdam ko ang sakit ng aking tuhod dahil sa kalye ako lumuhod, pero mas mabuti nalang gano'n kaysa magalit ang diyosa, sa hindi pagbibigay galang sa dito.

"Huwag kang kabahan, hindi ako naririto para parusahan ka," sagot nito. Alam ko naman na hindi nila kayang pumaslang ng mortal dahil isa ito sa nakasulat sa banal na kasulatan, pero may kakayahan silang bawiin ang biyayang binigay nila.

"Nagagalak ako dahil ang nabigyan ko ng biyaya ay may busilak na puso, handa ito ipahamak ang sarili kaysa maging makasarili," dagdag pa niya.

Napatingin ako sa kanya sa gulat, hindi ko na alam ang nangyayari, "panaginip lang ba ito?"

"Walang galang na po Majestic Serene, ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong ko, kahit alam ko na ang kasagutan, ayokong bastos sa harapan niya, kaya gusto ko ng assurance.

"Isa lang pagsusulit ang nangyari kanina, at dahil sa ginawa mo ay bibigyan kita ng pabuya," ngiting sabi nito saakin.

Sobrang ganda ng kulay ube niyang mata, kung saan para itong mamahaling bato sa ganda.

Hindi ako makapagsalita sa narinig ko, nalaman ko nalang ay hinawakan ng diyosa ang aking kaliwang kamay.

Walang bigkas-bigkas ang nangyari at may nabuong magic circle kaagad ang paanan namin na kulay lila, may maliliit na ilaw na kulay pink ang lumutang mula nito.

"Wow." Habang namangha ako sa nangyayari sa paligid.

Biglang umiikot sa aming dalawa ang mga maliliit na ilaw, unting-unti itong dumikit sa katawan namin kaya napahanga ako sa sobrang ganda.

Napapikit ako no'ng umilaw ng malakas na malakas, hanggang para akong mabubulag sa lakas ng ilaw.

"Maari ka nang dumilat." Kaya agad ako dumilat dahil sa sinabi ng diyosa.

Napanganga ako dahil sa nakikita ko. Hindi ko inaasahan na may mas ikaganda pa pala sa deskripsyon mula sa libro na nababasa ko noon kaysa sa nakikita ko ngayon.

Naglakad kaming dalawa sa iisang mabatong daan pero ang mga mata ko naman ay nagniningning sa kamanghaan ng kapaligiran.

Sariwa ng hangin, na walang bakas ng polusyon sa lugar na ito.

Makikita mo rito ang magagandang bulalaklak na may iba't-ibang kulay, may mga pixies din na ang umiikot rito at ang kanilang mga gintong fairy dust ay nahuhulog sa bulaklak sa tuwing gumagalaw sila.

May mga puno rin na sobrang masagana sa prutas, gaya ng isang puno ng mansanas na may bunga na napakapula.

Nagtaka ako kung bakit kami huminto kaya agad akong napatingin sa hinaharap namin, napanga-nga lamang ako sa ganda. Sobrang ganda ng gate na ito, sobrang laki, kulay puti ito pero may mga nakaukit na iba't ibang uri na mamahaling bato, emerald, sapphire, topaz, onyx, at iba pang hindi ko alam ang tawag nito.

The Legend of Violet 1: The Beginning of VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon