Violet
"Headmistress?"
Naramdaman ko no'ng itinanggal na ni Mervs ang barrier na ginawa niya.
Malaking ang tulong ni Mervs bilang demi-god dahil mas malakas pa ito kaysa kay Headmistress kaya hindi nito malalaman ang pinaggagawa namin.
"Lets go back first, before discussing, what you've discovered."
"What did you saw?" tanong niya sa akin habang nakaupo kami sa sofa ng kwarto niya.
"Unfortunately, it's the headmistress," sagot ko naman pero nagtaka ako no'ng hindi siya masyadong rumeakt sa sinabi ko.
"You're not bothered?"
"To be honest, I"m not, I trust with your instincts," sagot niya naman at ngumiti ng kaunti.
"So what's your plan to the headmistress?"
"I need more evidences, it is not right to convict the headmistress by just a glimpse of the past," sagot ko.
"Good, so see you tomorrow then? You need rest, okay?"
Isang linggo na ang lumipas at wala pa rin akong nakuha na ibang lead sa krimen kaya patuloy pa rin ako sa pagpapasikat dito sa universidad para lamang mapansin ng kriminal ang potensyal ko.
"I wonder, if that missing girl, Mitch left CU," narinig ko ang komento ni Bryan.
Nasa cafeteria kami ngayon dahil break time, hindi ko kasama ngayon ang mga babae kong kaibigan dahil sinama ako ni Mervs para kumain.
"That's the lamest reason Bry, it's her last year here in the University," sabi naman ni Mervs.
Nakikinig lang ako at sinubo ang blueberry waffle na inorder ko kanina.
"Tama si Mervs, imposible naglayas," komento naman ng isipan ko.
"Violet, what's your opinion?" Tumingin ako sa kanila at pansin ko na naghihintay sila sa isasagot ko.
"I have no idea and I am focusing to my studies since it is the job of the authorities to solve the case anyways," sagot ko at sumubo ulit na parang walang pake.
"Ok-ay, actually you got a point, let's give this case to the authorities," sagot ni Bryan.
Naramdaman ko naman na napahiya ko siya, wala kasi ako sa mood ngayon, period days.
Habang nagkaklase ang profesor namin na si Prof Dyna about Enchantment, naging alerto ako no'ng may narinig akong biglaang pagsabog.
Napatingin ako sa bintana at may nakita akong puting usok at 'di nagtagal ay naging maitim ito.
"Students, go to your dorms right now!" maotoridad na sabi ng prof namin at lumabas sa kwarto.
Tumayo naman ang karamihan ng kaklase ko at lumabas.
"Nagsimula nanaman sila," sabi ng isipan ko.
Tumayo ako at pumunta sa kabilang direksyon na dinadaanan ng mga estudyante, papunta sa incidente.
"Where are you going?" tanong ni Bryan, I think nagtaka siya kung bakit lumiko ako ng daan kung saan papunta sa direksyon ng pagsabog.
BINABASA MO ANG
The Legend of Violet 1: The Beginning of Violet
FantasyTwelve members of the magic council, Eleven were killed, Ten years passed, Ninety five representatives and only Eight people were qualified. Seventh's prophecy, Six women will be abducted, Five culprit, For Four months, Three things to do of Second'...