I was really surprised when I saw Arthur the next morning. Nasa bahay ko siya at nais niya akong kausapin. Cassidy Jane went with Lily for her ninth chemo cycle. So far so good. May roon lang nakitang kung ano sa baga niya noong nakaraan kaya nahinto ang treatment nito. But it wasn't that serious that's why we continued with it.
Lily was doing fine for the past couple of months. Minsan ay walang paglagyan ang energy niya sa sobrang dami pero madalas ay palagi siyang pagod at panay na matulog. Pero ayos na rin iyon kesa naman inandahin niya nang inadahin ang mga nadaramang niyang sakit.
"Ang aga mo yata pare. May kailangan ka?" Agad na tanong ko sa kanya. Madalas kasi siyang nandito kahit pa minsan ay wala ako. Siya ang laging dumadalaw kay Lily at hindi ko maiwasang makaramdam ng pagtataka kung bakit. Matagal ko nang gustong itanong iyon sa kanya ngunit wala lang akong pagkakataon.
"Nasaan si Lily?"
"It's her ninth cycle today. She went with Cassidy. Bakit?"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya pagkat may bahid ito ng iritasyon. Para bang utang na loob ko sa kanyang sabihin ang bawat kilos ng anak ko.
"And why would I do that? I am the father here, remember Arthur?" Tila parang nahimasmasan naman siya sa sinabi ko at inayos ang tono ng pananalita niya sa akin at humiki ng paumanhin.
He asked me to bring him to my office. May sasabihin daw siyang importate. Sapat para hindi marinig ng iba. Agad naman akong sumunod sa gusto niya at dinala nga siya sa aking opisina. Siniguro ni Arthur na saradodong-sarado ang pintuan ang mga salita lang naming dalawa ang mangingibabaw sa loob ng silid.
Pinaupo niya ako at inalok kung gusto ko daw bang may mainom muna bago niya sabihin sa akin ang sasabihin niya. Lalo tuloy akong nagtaka kung ano ito. He seemed very stressed as well. Parang hindi siya mapakali. Hanggang sa siya narin ang naupo sa tapat at napirmi.
"Pare, I don't know how to start this." Tila may pangambang sabi sa akin ni Arthur.
"Dude, just do it. 'Wag kang magmadali, mamaya pa naman ako aalis." Sabi ko naman sa kanya. Although I seemed to be very relaxed, I can't help myself wonder why was he acting like that. Para siyang timang.
"Pare before we started, I want you to know na hindi ko gusto ang nangyari. What happened before, hindi ko gustong lokohin ka. We were drunk and after that, we didn't communicate each other ever again. Ni wala akong walang kung anong nangyari pagkatapos noon dahil-." Tuloy-tuloy ang naging pagsasalita ni Arthur dahilan para matumbok ko kung ano man ang gusto niyang ipahayag.
Naalala ko tuloy ang mga panahong abala ako sa pagaaral ng arkitektura. I was very busy back then. Ni wala akong oras para sa sarili ko pagkat pursigido akong matapos ang pagaaral ko. Back then, my education was the only escape route I had. Arthur was there and I trusted him dearly. Sapat para ipagkatiwala komg tingnan-tingnan niya si Amanda habang wala ako. Napahilamos ako sa sarili ko. Ni sa hinagap, hindi ko kayang pagisipan siya ng masama. Sila ni Amanda.
Matagal na akong may duda ngunit wala namang basehan ang mga isiping iyon kaya't pilit kong binura ang mga iyon sa utak ko. Pero sa kung anong dahilan, ang ginagawa ni Arthur ngayon sa harapan ko at tila nagpapaalala sa akin ng galit na hindi ko pa tuluyang nalilimot mula sa nakaraan. Tila sinindihang muli ni Arthur ang puot sa puso ko.
"Just get to the freaking point." Tiim na sabi ko. Napalunok siya dahil doon. Kahit masakit at pawang sinasadista ko lamang ang aking sarili ay gusto ko paring magmula sa kanya. I just wanna learn the truth from him.
"I am the biological father of Lily. I'm sorry brother. Kailan ko lang din nalaman. Hindi ko gustong lokohin ka." Arthur said to me. Doon ako napatayo at tila naubos ang lahat ng pasensyang naipon ko sa mahabang panahon at tila nagdilim ang paningin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/109657850-288-k454424.jpg)
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 3: The Two of Us R-13 (COMPLETED)
Actiona former Lieutenant Commander of the Navy SEAL who has no idea who she really was. Not until she arrives in Flademia. Her birth father's hometown. That's the only thing she knows about him. She doesn't know his name, not even what he looks like. She...