XVI

820 25 1
                                    

"Ate, kinakabahan ako." Bulong sa akin ni Liane. Doon ko hinawakan ko ang kamay ng kapatid ko at naramdaman kong medyo may panginginig nga siya. I smiled at her. Para kasing first time lang niya kung ikakasal.

"Hindi ka pa ba sanay sa mga atensiyong nakukuha mo mula pa noon?" Sabi ko at umiling siya.

"Iba pa rin ang pakiramdam. Noong una kasi, kami-kami lang. Wala namang ibang tao noon miske sina Papa at Mama. It was a rush wedding pero ngayon, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling magkamali ako." Sabi pa ni Liane. Napaisip tuloy ako kung sakaling dumating na ang araw ng mismong kasal ko, ganito rin kaya ang mararamdaman ko?

As Liane's maid of honor, it was my duty to make her feel better specially when I know she was about to have an anxiety attack. Ang sabi ko lang sa kanya ay huwag niyang initindihin ang lahat ng tao sa paligid. Just focus on Wilson and everything will fall on the right place. Mukhang gumana naman iyon at nabawasan ang kanyang pangamba.

Hanggang sa magsimula na ang misa at mistulang isang kasaysayan ang nangyari. Hindi lang kaming ang malalapit na pamilya at kaibigan ang nagpunta. Imbitado rin ang buong Flademia at maging ang buong mundo.

As planned, the wedding was lived telecast for the world to see. Not that Liane and Wilson wanted attention. They just felt like they owe it to the people. Gusto nilang ibahagi itong parte ng buhay nilang ito pagkat hindi sila nagkaroon ng pagkakataon gawin iyon noon.

I can see happiness on Liane's eyes while she was walking slowly towards Wilson at the end of the aisle. This time, ang kapatid naming si Gerard ang naghatid sa kanya papunta sa asawa niya.

Parang naiiyak ako sa nasasaksihan ko. I couldn't help myself but to proud of my sister. Now I wonder why weddings makes people so emotional. Hindi kasi mapigilan ang nararamdaman kong labis na kasayahan para sa kapatid ko.

Kitang-kita ang pagmamahalang namamagitan sa dalawa kahit walang ano mang salita ang nagmumula sa mga ito. There's so much love between them. Naisip-isip ko, parang gusto ko ring magkaroon ng ganoong klaseng pagmamahal.

On the other hand, kahit na gusto kong mahawakan ang kamay ni Gregory sa tabi ko ay hindi naman maari bagkos malayo ang kinauupuan niya mula sa akin. Wala akong magawa kung hindi magtiis na lang na katabi ang malditang si Jessica na isa rin sa mga bridesmaid.

"Bakit umiiyak ka?" Pamumuna niya sa pasinghot-singhot ko pagkat pinipigilan kong mapaluha ng lubos. Bigla ay parang gusto ko siyang sikuhin. Maldita na, pakialamera pa.

"Kahit sabihin ko, hindi mo rin maiintidihan. Pusong bato kasi ang meron ka." I said to her. And as expected, she just rolled her eyes at me. Wala akong panahon sa kamalditahan niya ngayon.

Gerard together with his wife Victoria was sitting a few seats away from me. Hindi ko pinansin si Gerard kahit kanina pa siya sumisenyas sa aking gusto niya akong kausapin. Hindi ko siya pinagbigyan pagkat hindi na ako natutuwa sa mga pagmamando niya sa buhay ko. The last time we talked, he demanded that he wanted to speak with Greg as if he was an older brother to me. He gave up his rights when he pretended to be dead years ago. Like I've said before, napatawad ko na siya but it didn't mean na nakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin noon.

Ang asawa na lang niya ang iniintindi ko bagkos aminin ko man o hindi, sa asawa lang niya siya hindi nakagawa ng kamalian. I must say that I can see how good of a husband Gerard was to his wife. Wala akong nakikitang kakaiba sa pagturing niya sa kabiyak bukod sa labis na pagmamahal niya dito. Again, I envy that kind of love. Sana magkaroon din ako ng tulad ng ganoon.

Pagkatapos ny kasalan ay mistulang sarado ang lahat ng kalye at lahat ng mga atensyon ng mga tao sa nakatutok lamang sa mga kakakasal lang na nakasakay sa bukas na karwahe at kumakaway sa mga tao. Hindi magkandamayaw ang mga taong kakakaway sa magasawa. Batid kong kahit mangawit pa sila Wilson at hindi sila titigil mapabatid lang sa mga tao ang pasasalamat nila sa pagsuporta ng nga ito.

Flademian Monarchy 3: The Two of Us R-13 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon