My sister, Liane with her husband just came by. Kakadalaw lang nila sa kapatid naming si Ethan ngunit hindi rin naman sila nagtagal kaya't nagpasya ako na ako nalang muna ang magbantay dito.
Habang pinagmamasdan ko ang kapatid kong si Ethan, kahit pa magkadugo kami ay hindi ko maiwasang makadama ng pagkailang. Nakaka-intimidate siyang tingnan kahit na wala naman siyang malay.
Aside from the fact that we never really met before. Ni wala nga akong ideya kung ano ang ugali niya at kung paano siya lumaki. Nang makilala ko siya at nakaratay na siya dito sa ospital.
Apart from those articles that I've read, I haven't had a single ideas who he really was. Gustong-gusto ko siyang makilala hindi lang bilang kapatid kung hindi bilang isang tao. Gusto kong malaman kung paano siya makitungo sa iba. Kung malambing din ba siyang kapatid katulad ni Liane sa akin o tipikal na makulit na lalaki katulad din ng tarantadong si Gerard. Na-realize ko lang na nangungulila pala ako sa isang kapatid na hindi ko man lang nakilala noon.
The door opened at pumasok si Jessica Horecois at nakabuntot dito si Mason Owens na tila gusto siyang kutusan ngunit hindi lang nito magawa. Pigil na pigil ang galit niya dito at kitang-kita ko iyon.
I can't blame Mason. Alam ko naman kung gaano katabil ang kapatid ni Wilson na iyon at miske ako ay matagal nang inis sa kanya. Nakakapagtaka lang na madalas na nakasunod si Mason kay Jessica kahit na malinaw pa sa sikat ng araw na inis sila sa isa't-isa. I mean, bakit hindi nalang silang maglayong dalawa nang matahimik silang pareho?
Tumikhim si Jessica ni tila pinatatabi ako ngunit hindi ako tumalilis sa gusto niya bagkos ay nanatili lang ako sa kinauupuan ko. She raised her brow at me but I didn't give a shit about it. Pakialam ko sa kanya. Huwag niya akong paandaran ngayon at wala ako sa mood. Baka makatikim siya sa akin.
"You're really not gonna move?" Nagsisimula nang magraray ang bruha. I too, raised a brow at her. Tila nagsisimula akong ganahang makipagsabayan sa kanya ng pagtataray kaya't lalo akong hindi umalis sa puwesto ko. Aaminin kong naapektuhan talaga ako kapag tinitingnan niya ako nang ganoon na tila ba nangsisino siya. In the first place, wala naman akong ginagawang masama kanya kaya't bakit ganoon niya ako kung tingnan?
"Girl kano." Pagaawat sa akin ni Mason nang mapatayo na rin ako para hamunin ng away ang kapatid ni Wilson pagkat talagang sinusubukan ako ng babaeng iyon. Matalim na tingin lang ibinigay ko sa kanya bago tuluyang umalis ng silid. May araw din sa akin ang babaeng iyon.
Mason and I went outside the room. Nagpupuyos ang damdamin ko at gusto kong sakalin ang babaeng iyon ngunit waka naman akong magawa. Isang beses lang. Isang beses lang na magawa ko iyon ay alam ko sa sariling kong ikatutuwa ko iyon nang sobra.
"Pagpasensiyahan mo na si Dita ha? Alam mo namang gano'n talaga ugali no'n. Ikaw naman 'tong mapagpatol." Sermon pa sa akin ni Mason paglabas namin ng kuwarto ni Ethan.
"Dita, Really? That's the best name you can come up with? You should call her Evilita. It suits her better." Naiinis na sabi ko ngunit sarkastikong tinawanan lang ako ni Mason.
"As if naman hindi ko nakitang gusto mo siyang kutusan kanina pagdating niyo." Sabi ko pa.
"Napansin mo pala. Kung hindi mo din napansin nagpiggil din ako para lang walang gulo." Paliwanag niya pa.
"Really? Eh bakit lapit ka pa nang lapit sa kanya. Medyo sadista ka din, ano?"
"Kapatid ni Wilson eh. Siyempre, protektado 'yan kahit ayaw ko."
"Bakit hindi pa ba sapat na ilang dosena na ang bantay ng babaeng 'yon at kailangan mo pang makidagdag?"
"Alam mo namang masama ang ugali ng babaeng 'yon di'ba? Di sapat ang dose-dosenang bantay sa dami ng gustong pumatay doon." Wala naman sana akong pakialam ngunit nakuha noon ang atensiyon ko. I questioningly looked at him and he just nod at me in silent.
![](https://img.wattpad.com/cover/109657850-288-k454424.jpg)
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 3: The Two of Us R-13 (COMPLETED)
Accióna former Lieutenant Commander of the Navy SEAL who has no idea who she really was. Not until she arrives in Flademia. Her birth father's hometown. That's the only thing she knows about him. She doesn't know his name, not even what he looks like. She...