I know my decisions weren't right but it wasn't wrong either. As a father, I only did what did for my child. Hindi ko kayang pabayaan na lamang siya kung alam ko namang may magagawa ako. Ayokong mawala siya sa akin sa kahit anong paraan.
Lily was at her last cycle of chemo now ngunit inaantay pa namin ang eksaminasyon sa kanya kung tumalab ba ito. May mga kumplekasyon kasing nangyari noon kaya't medyo tumagal pa ang prosesong dapat ay matagal nang tapos. Isang linggo pa ang aantayin bago tuluyang lumabas ang resulta ngunit ngayon pa lang ay hindi na ako mapakali. Kinakabahan ako kahit pa sinabi na ng doktor na positibo siya sa magiging resulta sa anak ko.
After that, hindi na muna siguro kami babalik ng Flademia. Siguro ay pansamantala muna kaming titira sa Singapore o kahit saan. Basta bahala na. Basta hindi na muna kami babalik ng Flademia. Kailangan kong ilayo si Lily doon kahit pansamantala lang.
Alam ko narin namang wala na akong babalikan doon. I have made my choice and decided to let everything go. Alam ko ring kahit ano pang pagsisisi ang gawin ko ngayon ay wala na ring mangyayari. All I have to do now is own the things I have done wrong and get over it. But the things is, I don't know if I'm capable of getting over it all, of getting over her. Hindi ko alam kung kakayanin ko.
"Dad, bakit matagal nang hindi dumadalaw si tita Cass. Busy ba siya?" Tawag pansin sa akin ng aking anak habang tulak-tulak ko siya sa wheelchair niya. Medyo nanghihina parin daw ang pakiramdam niya at nilalamig siya kaya't tinatamad siyang maglakad bagkos ay mamasyal ng nakaupo na lamang ang gusto niyang gawin. Pinagbigyan ko na kahit pa medyo malamig ang paligid. Minsan lang siyang lumabas ng hospital o kaya naman bahay para masinagan ng araw kaya't sinamahan ko na.
"Anak, alam mo namang busy ang tita mo di'ba? At isa pa, hindi mo ba gusto kapag nagkita nalang kayo ulit, malakas ka na?" Napaisip siya sa sinabi ko ngunit maya-maya ay ngumiti na rin at sumangayon.
"Yes Dad. 'Pag bumalik na tayo ng Flademia sasabihin ko kay tita na strong na'ko at magiging proud siya sa akin." She was excited and drowsy at the same time. Isa sa mga side effects ng chemo niya. Mabuti pa ang anak ko. She was hopeful and very positive that she'll see Cassidy Jane again.
Ni hindi ko magawang sabihin sa kanyang hindi na tuloy ang ang pagpapakasal namin ng tita niya. Naalala ko pa noon, siya ang unang taong sinabihan ko ng tungkol sa pagpo-propose ko at sobrang saya niya. Parang hindi ko kayang bawiin iyon sa anak. I know, I was a more than a coward. Ang dapat sa akin ay binabaril sa ulo o kaya naman ay binabalatan ng buhay.
Hindi ko lang talaga kayang magdulot ng kung anong sakit sa anak ko kaya't hindi ko parin masabi-sabi bukod pa sa maselan parin ang lagay niya. For sure I will tell her the truth, not just now. Uunti-untiin ko siya hanggang sa matanggap na niya nang lubusan ang nangyari at upang hindi siya gaanong mabigla at masaktan.
Pitong linggo. It has been seven weeks already. At araw-araw at pawang nalalaslas ang puso ko at nagdurugo ito sa kaalamang hinding-hindi ko na kailanman makakasama pang muli si Cassidy Jane. I thought the odds were already done playing with my life. Seemed like I was very wrong with that. Ni hindi ito natapos bagkos ay nagsisimula pa lamang sa pagbibigay ng mas mabibigat na pagsubok.
~•~•~•~•~•~•~•
"Greg, please talk to me!" Kumatok ako nang kumatok sa pintuan ng bahay niya hanggang sa wala na akong lakas para kumatok pang muli. Nagdurugo na ang likod ng palad ko ngunit walang Gregory ang tumugon sa mga tawag ko.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 3: The Two of Us R-13 (COMPLETED)
Aksia former Lieutenant Commander of the Navy SEAL who has no idea who she really was. Not until she arrives in Flademia. Her birth father's hometown. That's the only thing she knows about him. She doesn't know his name, not even what he looks like. She...