Ilang beses akong napakusot sa aking mata at muling binasa ang laman ng liham na ipinadala sa akin ng aking sekretarya. It was about the tax I haven't had a chance to pay for a couple of months. Paano kong magagawi iyon gayung ni ang umuwi sa Flademia ay hindi ko magawa.
Nakasaad din sa sulat na kapag hindi ako umuwi ng Flademia sa lalong madaling panahon ay mapipilitan ang gobyernong ilitin paunti-unti ang mga ari-arian ko. Isa na doon ang lupaing naiwan sa akin ng pamilya ko. Looks like I didn't have much of a choice but to go home.
What am I going to do? Walong buwan na din simula nang umalis kami ni Lily sa Flademia. All of a sudden, I felt like an alien going back to my own country. Bukod sa paninibago ay nakakaramdam din ako ng kaba at hiya. Hindi ko rin alam ang iaakto ko sakaling makabalik na nga kami. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanang kung bakit ganoon katagal nawala at wala man lang akong paliwanag na magtatagal ako sa ibang bansa at basta na lang iniwan ang lahat.
Most importantly, how would I able to face her again? I didn't even know if I was capable of doing that anymore. Alam kong imposibleng hindi ko siya makita sa oras na umuwi na ako ng bansa. The thing is, what would I say to her? Alam kong galit siya sa akin. Alam kong may tsansang baliin niya ang lahat ng buto sa katawan ko oras na tumapak akong muli sa Flademia.
I knew Cassidy Jane. Kahit napaka-mapagmahal niyang tao at maalalahanin ay kaya niyang gawin ang lahat ng iyon lalo na't nanaig na ang galit sa kanya. Hindi ko magawang sisihin siya pagkat ako ang dahilan ng matinding galit na iyon. Maybe I should just take all the punches she was about to give me. Nang sa gayon ay mabawasan kahit papaano ang sakit na naidulot ko sa kanya. If only ask her for her forgiveness but even that, I didn't have a right to have.
Hindi na akong nagabalang magpa-book pa ng tickets at tinawagan nalang ang contact ko sa aviation upang upahan nalang ang isang maliit na private jet upang mas mapadali ang paguwi namin. Agad kaming dumiresto ni Lily sa paliparan at hindi nagtagal ay lulan na kami nito pauwing Flademia.
Sa loob ng ilang buwan sa wakas ay maaari na ulit siyang bumiyahe. She was on her remission and I thank God for giving her another chance in life. Ito ang bukod tangi at pinakamagandang nangyari sa aming magama sa loob ng walong buwan.
Pagbukas pa lamang ng pintuan ng eroplano ay humapas na agad sa aking balat ang maalinsangang hangin ng paligid. Typical Flademian weather. To be honest, I missed the humidity a lot.
Lily was all smiles, holding my hand walking out of the airport. Excited siyang makita ulit ang mga kaibigan niyang karamihan ay mga kasamahan namin sa bahay. And most importantly, she was excited to see her ninong Arthur and tita Cassidy.
I sighed. Magpahanggang ngayon kasi ay hindi ko parin nasasabi sa kanya ang lahat ng nangyari. Ni hindi niya alam na matagal na kaming walang contact ni Cassidy Jane sa isa't-isa. Lalo na si Arthur. Ang traydor na si Arthur.
Wala akong lakas na loob na sabihin iyon kay Lily. Alam kong masasaktan siya nang lubos ngunit higit doon, mas masasaktan ako pagkat maaalala ko nanaman kung paano ang ginagawa kong pagiwan sa kanyan noon. Napakasama ko.
Isinasalansan ko ang mga bagahe sa likod ng sasakyan habang si Lily ay inaantay akong tabihan siya sa loob nito. Hindi niya alam ay tila hinang-hina ang pakiramdam ko hindi dahil sa bigat ng mga maleta kung hindi dahil sa kaalamang nasa malapit nalang ngayon si Cassidy Jane. How could I ever start saying sorry to her?
I was about to get in the car when I lost my vision. Biglang nagdilim ang paningin ko at nakaramdam ng hilo. Hindi ko alam kung anong nangyari. I wanna call for help but I couldn't. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin.
I WOKE UP IN THE darkest place I've ever been in my life. Hindi ko parin alam kung nasaan ako at kung anong nangyari sa akin. Mga ilang minuto rin ang lumipas bago ako tuluyang mahimasmasan dahilan upang mas malinaw kong makita ang paligid.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 3: The Two of Us R-13 (COMPLETED)
Accióna former Lieutenant Commander of the Navy SEAL who has no idea who she really was. Not until she arrives in Flademia. Her birth father's hometown. That's the only thing she knows about him. She doesn't know his name, not even what he looks like. She...