VI

955 23 0
                                    

It was quite therapeutic really. Babysitting my nephew, Prince Hendrick I mean. Simula nang alagaan ko siya ay tila gumagaan ang pakiramdam ko. His smiles was enough to make me forget the not-so-good things that happened to me. Wala rin naman akong ginagawa, mas mabuti nang maalagaan ko na lang ang pamangkin ko habang nagta-trabaho ang kapatid ko buong araw.

He temporarily erased Sir Gagory Durnham to my system. Hanggang ngayon kasi, hindi ko parin alam kung bakit ako naapektuhan sa nangyari sa aming dalawa. He was so not worth it. Hindi siya kawalan at kagaya nga nang sabi ko, marami pang ibang lalaki diyan.

Pero bakit? Siguro ay labis talaga niyang nasaktan ang ego ko sa ginawa niya. Dahil umasa akong may patutunguan ang lahat ng ginagawa ko. Marahil, dahil na rin siguro nararamdaman kong nalugi ako sa pagi-invest ko ng time sa mga pagsama sa kanya.

But I don't regret those times I'm with him. Iyon lang, ngayon ay alam ko nang wala namang patutunguan ang lahat and it's time for me to move on.

"Baka naman ma-spoil 'yang si Hendrick sa'yo?" Nakangiting bati sa akin ng kapatid kong si Liane na kararating lang. I tried smiling back at her pero parang wala akong ganang ngumiti ng araw na iyon.

"You look tired. Nasaan ang asawa mo?" Pagiiba ko ng tanong at saktong dumating naman ang bayaw ko. He kissed Liane on the cheek at ganoon din ang ginawa niya kay Hendrick na siyang hawak-hawak ko at pagkatapos ay kinuha ito mula sa akin.

"Ate, sorry about Jessica. I heard what happened. Hayaan mo, pagsasabihan ko. Baka mainit lang ang ulo no'n." Sabi sa akin ni Wilson habang dinuduyan-duyan ang anak niya. Hindi ko alam kung nangiinis siya o ano. Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong 'ate' gayung magka- edad lang naman kami.

"Ulol. 'Ate' my ass. Ang kapal mo,  ilang buwan lang ang pagitan natin!" Naiinis na sabi ko pero tinawanan lang nila akong magasawa.

Nagpaalam na ako sa magasawa at hinalikan ang pamangkin ko bago tuluyang umalis. Babalik nalang ako kinabukan sa para muling maalagaan si Hendrick but for now, I need to get some rest. Ilang araw narin kasi akong hindi nakakatulog ng maayos.

I went back to my apartment and changed my clothes. For some reason, hindi ako nakaramdam ng pagod ng araw na iyon. I was kind of energized actually. I put on my running shoes and began running down the stairs, that way mas madami akong calories na mabi-burn at mas lalakas pa ang mga binti ko.

My floor wasn't that far from the main ground and hindi naman ganoon kahirap lalo na't kung pababa lang naman.

The other day, I felt something odd. Na parang may sumusunod sa akin. It didn't scare me thus it bothered for a couple of nights. I know I can protect myself pero kung sino man iyon, anong kailangan niya sa akin?

I have nothing else to offer. I may be a princess by blood, but I have no money. Ang meron lang ako ay ang retirement fee ko bilang sundalo but that's it. Ever since I learned that Gerard was alive, ibinalik ko ang lahat ng nga 'ipinamana' niya sa akin. It doesn't feel right to even touch the money I didn't work for. Lalo na ngayong alam kong magkaka-pamilya na rin silang dalawa ni Victoria.

Liane even offered me to live with them in Transvech Palace but as much as I want to, I know living with the country's first family would ruin my privacy. Lalo na ngayon, everyone was speculating about Hendrick's existence,

No one knows about the child but us. No one even knows that the Princess Regent was now married to Wilson Horecois. Ang alam lang nila ay nagdi-date ang mga ito.

No one cares before. Nagsimula lang silang mangialam sa buhay ng prinsesa nang magsimula itong mamuno ng bansa pansamantala pagkatapos ng trahedyang nangyari noon.

Flademian Monarchy 3: The Two of Us R-13 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon