X

844 24 1
                                    

After four long days, sa wakas ay bumalik narin ang magaling kong kapatid na si Gerard. Siguro ay nagi-guilty na siya kaya't hindi niya magawang matingnan ako ng diretso. Hindi ko malaman kung matatawa ako o ano sa itsura niya. Ni wala man lang siyang kahit anong kibo nang ihatid niya ako sa apartment ko.

"Here." Gerard said as he handed me the key to a hot red convertible car. Hindi ko alam kung kailan niya in-order ang sasakyan pero nang dumating kami ay nandodoon na ito. He can really be generous sometimes. Dapat lang pagkat hindi naman madaling alagaan ang asawa niya lalo na't nagiging makulit ito.

"Salamat." I smiled sweetly at him and got my keys. But it didn't necessarily mean that we are okay now. Pagkat hindi pa rin at sa oras na makapanganak na ang asawa niya, doon ko siya sisingilin sa mga kasalanan niya sa akin. At sa kung paanong paraan ay hindi ko pa napagiisipan. Tsaka ko na siguro iisipin ang tungkol doon kapag dumating na ang oras.

The sun already set pero hindi pa ako dinadapuan ng pagod. Tamang-tama lang pagkat balak ko pa sanang puntahan si Gregory ngayon. It's been days since we last saw each other at ngayon ang usapan naming magkikita kami.

I quickly fixed myself and texted him. Ang sabi ko ay magkita kami sa hotel kung saan kami unang nagkita. Mabilis din naman akong nakarating sa naturang lugar. Thanks to Gerard. Seems like he bought a heck of a car. Halos lumipad iyon sa sobrang bilis. Mabuti nalang at mabilis kong natutunang paandarin ang sasakyan nang tama.

At the hotel lounge, maybe I was a bit too early for Gerard was still not there. I've waited for little more. Hanggang sa lumipas ang isang oras ay wala parin siya. I texted him again but he didn't reply. Marahil ay na-traffic lang iyon at malapit na rin. I know him, kung may nangyari man at hindi siya makakarating ay magti-text siya sa akin.

"Cassidy Jane." A familiar voice said. Hindi ko na kailangan pang lumingon para malamang kung sino ang nagmamayari ng boses. Ginawa ko ang lahat ng pagpipigil upang hindi ko siya barahin at itaboy paalis.

Kararating lang niya ay tila nauubos na agad ang pasesnya ko kanya. Ewan ko ba pero kahit kailan ay hindi na ako natuwa sa prisensya niya.

"What are you doing here? Sinusundan mo ba ako? Lagi ka nalang kasing sumusulpot kung nasaan ako." Pagaakusa ko.

"Me? Of course not. I was just passing by when I saw you." Nakangiting sabi niya na siyang nakakapagirita sa akin lalo ng lubos.

Hindi na nakuntento ang kakapalan ng mukha niya at kahit hindi ko siya pa inaanyayahan ay siya na ang nagkusa at naupo sa harapan ko. The nerve of that man.

I breathe in deeply before I spoke again. Ayokong makagawa ng bagay na pagsisisihan ko lalo na'yt inuubos talaga niya ang pasensiya ko. Once in for all ay tatapusin ko na ang kung ano mang ilusyon ang umiikot ay isipan niya.

The mad doctor has to know as early as now that he has no, as in zero chances of being together with me in this lifetime. Alam kong minsan sa buhay ko ay tinangka ko siyang gamitin laban kay Gregory. But Gregory and I are okay now. I know I've been bad for using him but this has to stop.

Alam ko ring mas magiging masama ako kung hindi ko sasabihin sa kanya ang lahat habanag maaga pa. Kahit kasi sa hindi maipaliwanag na kadahilanan na lagi akong naiinis ako sa kanya, he was nothing but nice to me ever since.

"Doctor-"

"Just call me Arthur." Agaw niya sa sasabihin ko.

"Arthur. Listen. You and I, we're never going to be together. Last week at the party, we had fun but that's it. I don't think we can go any further than that." I actually sugar coated things a little bit. Flirting with him in front of Gregory wasn't fun. Not at all. I know. I was being bad again but that's the truth. Hindi lang kasi matanggap ng ego ko ang ginawa ni Greg noon kaya't ginamit ko si Arthur. I know, I was partly to blame for that too."

Flademian Monarchy 3: The Two of Us R-13 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon