SHARMAINNakatingin lang ako sa harapan ng puntod ng aking mga magulang, hindi alintana ang ulan na dumarampi sa aking balat.
Namatay sila sa isang aksidente.
Isang anak lang ako at wala sa mga kamag-anak ko ang gustong kumupkop sa akin dahil simula pa lang na mapangasawa ni mom si dad ay itinakwil na nila ito at kinalimutan na kamag-anak nila.
Masakit ang katotohanan na ang buhay ng tao ay hindi permanente dito sa mundo.
Sa mura kong edad na 17, iniwan na nila ako.
Ano na ang gagawin ko?
Pero alam ko sa sarili ko, na hindi pa dito natatapos ang paglalakbay ko sa mundong ito, kailangan ko'ng lumaban sa buhay ng mag-isa.
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palayo sa puntod ng aking mga magulang.
Kailangan ko'ng maging matatag.
Bumalik ako sa bahay namin.
Sa akin na ito mapupunta dahil ako lang naman ang nag-iisang anak nila mom at dad.
Tahimik ang lugar na kinatitirikan ng aming tahanan dahil magkakalayo ang agwat ng mga bahay, kumbaga gubat ang paligid pero may mga iilang bahay ang nakatayo.
Gusto kasi nila mom and dad ang tahimik na pamumuhay, malayo sa maingay na siyudad at mga tsismoso't tsismosang kapit-bahay.
May kalakihan ang bahay, may apat na k'warto at lahat ito ay nasa itaas. Maluwag naman ang space sa ibaba at may maliit na pool sa may gilid katabi ng sala at pagkatapos ng sala ay kusina.
Umakyat 'agad ako sa k'warto at binuksan ang volt nila mom, hindi nila prefer ang mag bangko ng pera and I don't know why.
Laking gulat ko ng makita ang laman, punong-puno ito ng mga nakataling tig-iisang libo.
Kinuha ko ang isang nakatali na pera at binilang, umabot ito ng 50,000 sa isang bigkis lang, kung susumahin nasa milyones din ang pera na narito sa volt.
Hindi na ako magtataka kung bakit ganoon na lang kalaki ang pera namin, si mom kasi ay isang lawyer at si dad naman ay isang magaling na manloloko ng tao, sa madaling salita ay isa s'yang conman.
Nakakatawa kung iisipin pero wala na rin pinagkaiba si mom kay dad kahit alagad pa siya ng batas.
Paano ko ito nalaman? S'yempre hindi naman ako tanga at manhid para hindi ma-sense ang ginagawa nila.
Kung mahuhuli man si dad madali lang kay mom na depensahan siya kapag nagkataon.
Habang tinitignan ko ang mga pera walang ideya ang pumapasok sa utak ko kung ano ba ang magandang gawin sa malaking halaga na ito.
Humiga muna ako saglit sa kama nila mom and dad at nanood muna sa laptop.
Mahilig akong manuod ng horror at mga nakakadiring palabas like cannibalism, 'yong kinakain nila ang kapwa tao nila.
Sinearch ko ang word na cannibalism, pag click ko agad bumungad sa akin ang mga katawan ng tao na putol-putol. Hindi naman ako nandiri dahil sanay naman na ako.
Pinanood ko yung isang vid at hindi na ako gano'ng nagulat dahil katulad nga ng sinabi ko kanina sanay na ako.
Sa video makikita na yung lalaki ay pilit na tinatapyas yung ulo ng babae para matanggal, naka-ilang taga na ito sa leeg at sumisirit na rin ang dugo nito.
Kanina pa nanginginig ang katawan ng babae pero gano'n na lang kahigpit ang kapit ng mga buto nito sa leeg.
Ilang sunod-sunod na taga pa ay tuluyan na nga itong natanggal at nangisay pa ang katawan nito, 'di kalaunan tuluyan na itong nawalan ng buhay. Sinipsip naman ng lalaki ang mga dugo.
BINABASA MO ANG
EAT
Mystery / Thriller"TO EAT IS A NECESSITY, BUT TO EAT INTELLIGENTLY IS AN ART." - Fdlr 6 • Not Edited. 6 • Date Started: December 23, 2017 6 • Date Finished: June 23, 2018