II

1.3K 52 27
                                    


SHARMAIN

Bigla na lang akong nagising sa alarm, tiningnan ko naman ang oras at 10 a.m. pa lang, masyado pang maaga.

Sinubukan kong matulog ulit pero hindi ko na magawa pang makatulog.

Tumayo na ako at napagtanto ko na nakahubo't-hubad pa pala ako, so lumabas pala ako kagabi ng nakahubad habang pinapasok ang motor ni Mark.

Binalewala ko na lang ang hubad kong katawan at pumunta sa kabilang kwarto, sa kwarto kung saan ang bangkay ni Mark na naliligo pa rin sa sarili niyang dugo habang nakatarak ang kutsilyo sa bunganga nito.

Nag-iba na ang kulay ng katawan niya, at natuyo na rin ang ilang mga dugo.

Hinawakan ko ang katawan niya at malamig na ito.

Biglang kumulo ang aking tiyan, nagugutom na ako. Bababa na sana ako ng biglang pumasok sa isipan ko ang nakaka-excite na gagawin ko sa katawan ni Mark.

Imbis na mandiri ay nasasabik ako, bigla na lang akong napangisi.

Nakita ko ang putol na ari ni Mark na nasa sahig, dinampot ko iyon. Tinanggal ko naman ang kutsilyo na nakatusok sa bibig nito na tumagos sa likod ng ulo niya, medyo matigas-tigas na ang katawan ni Mark.

Gamit ang kutsilyo, tinapyas ko ang dalawa niyang tenga at gano'n din ang ginawa ko sa ilong niya.

Tinusok ko naman ang gilid ng mata niya para lumabas ang eyeball nito.

Naalala ko na wala pala akong dalang lalagyanan, bumaba muna ako sandali at kumuha ng mangkok na plastic at bumalik ulit sa taas.

Pinutol ko ang natitirang kalahating ari niya at pinutol ko rin ang daliri nito sa kamay at paa.

Bago ako bumaba, naligo muna ako saglit at nag-bihis.

Pagkakuwa'y, bumaba na ako para iprito ang mga nakuha kong parte ng katawan ni Mark hmm... Mukhang masarap.

Nae-excite tuloy ako dahil first time kong kakain ng karne ng tao yay! Ayon kasi sa nababasa at napapanood ko triple daw ang sarap nito kaysa baboy.

Nagulantang ako bigla ng may nag doorbell sa gate. Agad-agad naman akong sumilip sa bintana at nakita si ate Rosa ang kapit-bahay namin.

Lumabas naman ako para pagbuksan siya pero napagtanto ko na hawak ko pa rin pala ang mangkok na may laman ng mga iluluto ko, hindi niya to pwedeng makita baka ano pa ang isipin niya.

Agad ko itong itinago sa likuran ko.

Tinanong ko si ate Rosa kung ano ang kailangan niya, may inabot siya sa akin na isang mangkok at may laman itong ulam.

Sabi niya ay baka hindi pa daw ako kumakain ng mga lutong bahay simula ng mamatay ang aking mga magulang.

Nagpasalamat naman ako at agad ng pumasok ng bahay.

Nilapag ko ang dalawang mangkok.

Pinagsasara ko ang mga bintana at tinakpan ito ng makakapal na kurtina. Dumilim bigla sa loob ng bahay kaya binuksan ko ang ilaw.

EATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon