Abi
"Kapatid mo siya Chris."
Kapatid mo siya Chris.
Kapatid mo siya Chris.
Kapatid mo siya Chris.
Kapatid mo siya Chris.
Paulit-ulit na umikot sa isip ko ang huling kataga na sinabi ni Agustin.
"D-Dad? P-Paanong..." nakakunot noong tanong ni Chris.
"Ang tatay niyo ay nakilala ko sa isang business." panimula ni Agustin.
"Naging kaibigan ko siya at ipinakilala niya sa akin ang kanyang pamilya, buo pa kayong pamilya noon. Ngunit nagbago iyon ng makilala ng dad mo ang nanay ni Abi at dahil doon naging broken family kayo dahil pinili ng daddy mo ang sumama sa kabit nito." huminto ito saglit.
"Hanggang sa isang araw nabalitaan ko na lang na patay na siya dahil sa isang aksidente, kasama ang bagong pamilya nito ngunit nakaligtas ang isang bata at ng hanapin ito ay bigla na lang nawala, at nalaman ko na lang na kinupkop pala ito ni Sharmain." napangisi ito.
Nawindang ako sa mga nalaman ko, 'k-kapatid ko si Chris?!'
Ayaw itong tanggapin ng isipan ko ngunit tagos na tagos ito sa puso ko.
Kaya ganoon na lamang kagaan ang loob ko kay Chris dahil...
Dahil kapatid ko pala siya.
Tumulo ng hindi ko nararamdaman ang luha ko sa aking mata, parang dinudurog ang puso ko sa narinig.
Hindi ako makapagsalita.
"You're wrong tito..."
Napataas ang ulo ko at binigyan ng nagtatanong na tingin si Agustin.
Anong tito?
Bakit tito ang tinawag ni ate kay Agustin?
"Tito?" gulong-gulo na tanong ko habang nakaharap kay Agustin.
"Yes..." sagot lamang nito at ngumisi.
'S-Siya si t-tito?! All this time pinaniwala ko ang sarili ko na magkaibang tao sila.'
Bakit hindi niya sinabi agad! Pakiramdam ko ay naloko niya ako.
"Hmmm, so hindi niya pala sinabi sa 'yo ang katauhan niya." nakangising tanong ni ate.
"Well, para sa dagdag kaalaman mo tito at para naman hindi masyadong madurog ang puso niyo Abi at Chris, kayong dalawa ay hindi magkapatid."
Lalo akong naguluhan ng sabihin iyon ni ate.
Ano ba talaga?!
Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon.
"Nagresearch ako tungkol sa 'yo at kung binasa mo sana ang mga papel na ibinigay ko sa 'yo noon makikita mo kung sino talaga ang tunay mong ama."
"S-Sino?" kinakabahang tanong ko rito.
"Nakalimutan ko na ang pangalan, pero wag mo ng tangkaing hanapin pa dahil matagal ng patay 'yon."
Hindi ko na alam pa ang dapat paniwalaan, masyado ng kumplikado.
Tatay ni Chris si daddy at hindi ko tunay na tatay si dad dahil may iba pa akong ama?
BINABASA MO ANG
EAT
Misterio / Suspenso"TO EAT IS A NECESSITY, BUT TO EAT INTELLIGENTLY IS AN ART." - Fdlr 6 • Not Edited. 6 • Date Started: December 23, 2017 6 • Date Finished: June 23, 2018