IV

1K 45 12
                                    


SHARMAIN

Agad kong ipinarada ang gamit kong kotse at bumaba para kuhanin ang katawan ng babaeng nabunggo ko kanina na gumawa ng eksena sa bar.

Mabuti na lang at gabi na, umaayon sa akin ang tadhana. Hinila ko pababa ng kotse ang babae at kinaladkad ito papasok sa may gilid na pinto ng garahe papunta sa loob ng bahay diretso sa kusina.

Mukhang buhay pa itong babae na 'to dahil nararamdaman kong humihinga pa. Dinala ko ito sa may basement para doon muna siya pansamantalang ikulong at bukas ko na ito kakatayin, pagod na kasi ako at nahihilo dala na rin ng alak na nainom ko.

Pagkapasok ko sakanya sa basement, agad akong humanap ng pwedeng pang-tali dito para kung sakaling magising siya ay hindi ito makakatakas.

Nakahanap naman ako ng kadena at ipinalupot iyon sa paa't kamay niya at ikinandado ko ito sa may bakal na nakausli sa dingding. Nilagyan ko rin ng busal ang kanyang bibig para hindi ito makagawa ng ingay na maaaring marinig ng mga kalapit-bahay.

Pagkatapos, sinampal ko muna ito ng napagkalakas-lakas bilang ganti sa page-eskandalo niya kanina, hindi naman ito nagising.

Umalis na ako at dumiretso sa kusina para linisin ang dugong nasa sahig na galing sa babaeng iyon. Pagkatapos kong lininis ay umakyat na agad ako sa kwarto at humiga sa kama dahil ako'y hilong-hilo na.

Agad naman akong nakatulog at kinabukasan maaga akong nagising sa kaluskos na nanggagaling sa ibaba.

Agad akong bumaba para alamin kung saan nanggagaling iyon.

Laking gulat ko nang biglang may pusa ang naglanding sa harapan ko kaya agad akong natumba dahilan para mabasag ang vase na nakalagay sa lamesa na nasa likuran ko.

Agad naman akong tumayo at hinabol ang pusa, ang aga akong binadtrip ng pusang iyon kaya makakatikim siya sa akin.

Dahil sa badtrip ko at pagpupursigi na makuha ang pusang iyon, ay napasakamay ko rin ito.

Kinuha ko ang bahagi ng vase na basag at agad itinarak sa tiyan ng pusa, muntik pa akong makagat nito buti at nakaiwas agad ako.

Tumalsik naman ang dugo nito sa sahig pati na rin sa mukha ko at iba pang parte ng katwan ko.

Winakwak ko ang tiyan nito dahil sa galit, pinagtatanggal ko ang mga laman loob at pinagsasaksak ang bungo dahilan para lumuwa ang mga mata ng pusa.

Ang maputing balahibo nito ay napalitan na ng makintab na dugo niya.

Ngayon ang pusang maagang nambwisit sa akin ay naliligo na sa kanyang sariling dugo.

Nawala naman agad ang badtrip ko at napalitan ito ng ngisi. Dinala ko ang katawan ng pusa at mga laman loob nito sa kusina, hinugasan ko ito at tinanggalan ng mga balahibo. Balak ko kasi itong gawing giniling.

Giniling na pusa, sounds delicious huh? And this is my first time eating cats.

Ingredients:

Carrots
Potatoes
Betsin
Salt
Paminta
Sibuyas
Bawang
Pusa

Tinatamad na akong i-elaborate pa ang procedures, madali lang naman yan kaya kakain na ako dahil luto na ang giniling na pusa ko.

Habang sarap na sarap akong kumakain may biglang kumalabog, nanggagaling ito sa basement. Siguro gising na ang babaeng 'yon.

Hindi ko muna ito pinansin at nilasap ko muna ang sarap ng pagkain ko. Kaso walang tigil ang pagkalabog ng babaeng yon kaya napagpasyahan ko ng puntahan ito at patahimikin.

Pagkabukas ko ng pinto biglang nagulat ang babae sa akin, hindi niya siguro inaasahang ako ang may kagagawan ng sitwasyon niya ngayon. Pilit itong sumisigaw ngunit walang lumalabas na tunog kundi isang mahinang impit lang dahil may busal ito sa bibig. Nagwawala ito at gustong kumawala sa pagkakakadena.

Nilapitan ko ito at sinampal, ininda naman niya ito at sinamaan ako ng tingin. Aba, nakuha pang magmatapang ng babaeng to sa kabila ng sitwasyon niya, likas na ata talaga ang ganoong ugali niya.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito ng isang kamay ko ng napakahigpit at nilakihan ito ng mata, nag-iwas naman ito ng tingin.

Binitawan ko ito at naghanap ng kutsilyo sa loob ng basement kaso wala akong mahanap, isang palakol lang ang nakita ko. Nanlaki naman ang mata at nanginginig na umatras sa pwesto niya ang babae ng makitang kuhanin ko ang palakol.

Pagbaling ko sa kanya, todo iling ito habang umaagos ang mga luha niya sa mga mata. Nakakabilib na hanggang ngayon ay buhay pa rin siya.

Gusto ata niyang pinapahirapan muna bago mamatay eh, sige G ako diyan.

Habang papalapit sa kanya dala ang mga gamit na nakuha ko ay pilit pa rin itong nagpupumiglas.

Pagkalapit ko dito agad ko itong sinabunutan, balak ko kasi siyang lutuin ng buhay.

Sinuntok ko ito sa tiyan nang napagkalakas lakas dahilan ng pagkatahimik niya.

Ginupit ko ang buhok niya gamit ang gunting na nakita ko kanina dito sa loob. Patuloy pa rin itong umiiyak. Sunod ko naman na ginawa ay hinubaran ito. Nagulat ako ng buwanang dalaw niya pala ngayon.

Bigla akong nandiri dahil naalala ko noon na yung regla ko ay ginawa kong jam. napakasama ng lasa nito.

Lumayo ako sa kanya na siya namang ipinagtaka nito. Binalaan ko ito na bukas na bukas din ay lulutuin ko na siya. Nabwisit ako dahil nireregla pa ang walang hiyang babaeng yon, ayaw ko ng may regla ang kinakain ko.

Kinandado ko ulit ang basement at lumabas muna para mag-grocery. Kaunti na lang kasi ang mga gamit ko at ingredients sa bahay.

Pagkatapos kong mag grocery ay dumiretso ako sa wet market para mamili ng baboy, bwisit kasi wala akong ibang choice.

Pagkatapos kong mamalengke ay pumunta na ako ng kotse ko para umuwi, kaso bago pa man ako makalapit sa kotse ay may nakita akong batang umiiyak sa gilid nito na nakaupo habang nakasandal sa pader.

Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak, ang sabi nito, ang mga magulang daw niya ay naaksidente kani-kanina lang. Naawa naman ako dahil ganito rin ang naging sitwasyon ko noong namatay ang mga magulang ko sa isang aksidente rin.

Ang kwento niya, patawid daw sila kanina ng may biglang sumulpot na truck sa dadaanan nila kaya bigla daw silang itinulak na dalawa ng mama niya ng kanilang ama para hindi sila madamay sa aksidente, ngunit nahagip pa rin ang kaniyang ina kaya siya na lang ang natirang buhay sa pamilya.

Wala na daw siyang kapatid dahil namatay din daw ito noon dahil sa sakit. Wala rin daw siyang kamag-anak na matatakbuhan dahil lahat daw ng mga ito ay nasa malayong lugar.

Naawa naman ako dito kaya napagpasyahan kong kupkupin na lang ito.

- - - - - -

Thanks for reading! Votes and comments are highly appreciated! ⭐

Please do follow me on:
wattpad - manangash
twitter - @manangash
facebook - Manang Ash

EATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon