IX

848 39 2
                                    


SHARMAIN

Lumipas ang tatlong araw at narito kami ngayon ni Abi sa likuran ng bahay at kumakain ng barbecue na gawa sa mga daliri ni Andrea at iba pang parte ng katawan niya.

Kinuha ko ang isang tuhog ng intestine niya at inihaw, isinama ko na rin ang dalawang eyeballs niya.

Na-preserve ko agad ang mga lamang loob niya dahil pagkatapos itong patayin ni Abi ay winakwak ko na agad ang tiyan nito at pinagtatanggal ang mga lamang loob.

Hinugasan ko muna ang mga ito bago inilagay sa freezer para hindi agad mabulok.

Simula noong napagalitan ko si Abi ay hindi na ito masyadong umiimik, lagi itong tahimik at nakatulala. Pinabayaan ko na lang at mas prefer ko na ang ganito, ayaw ko rin naman kasi ng makulit baka mapatay ko lang.

Pagkatapos ma-ihaw ng intestine ay ibinigay ko ito kay Abi, tinanggap naman niya at walang tingin-tingin na kinagat ito kaya bigla itong napahiyaw dahil sa init.

Pinabayaan ko na lang ang bata.

Napansin ko itong kumuha ng tubig at mabilisang ininom at pumasok na sa loob ng bahay, nagpaalam muna ito bago tuluyang umalis.

Kinuha ko naman ang phone ko at nag-dial. Sinagot naman agad ng tinawagan ko ang tawag ko.

"Hi tito, pwede mo bang ikuha ng tutor si Abi?" agad na bungad ko sa kaibigan nila mom and dad na tumulong din sa akin na palaguin ang pera na naiwan sa akin.

Tawagin na lang natin siyang TITO.

"Oh, sure. Bukas na bukas rin ay may pupunta na diyan para mag tutor kay Abi." sagot nito sa akin.

"Thanks tito."

Ayon lang at pinatay ko agad ang tawag. Sanay na si tito sa ganoong ugali ko noong nabubuhay pa man sila mom.

Niligpit ko na ang pinagkainan at papasok na sa loob dahil dumidilim na rin ang paligid.

Bago ko pa man ma-pihit ang doorknob ay biglang may pumaswit sa bandang likuran ko, kaya biglang akong lumingon ngunit nagulantang ako sa aking nakita at napamura.

"A-Andrea?!" nanlalaking matang tingin ko dito.

Masama ang tingin nito at galit na galit na nakatitig sa akin.

Bigla kong nabitawan ang mga dala ko at kinusot ang aking mata, ganoon na lamang ang pagkabog ng dibdib ko ng mawala ito sa harap ko.

Mabilis akong pumasok sa loob at umakyat ng kwarto. Sakto at nadatnan kong nakahiga si Abi at nanonood ng T.V. hindi ko pinahalata dito na may nangyari.

Pangalawang beses na itong nangyari, noong una ay si Mark ngayon naman ay si Andrea.

Inisip ko na lang na baka namalikmata lang ako dahil hindi naman siguro totoo ang mga ganoong bagay.

Nahiga na ako sa tabi ni Abi na ngayo'y mahimbing ng natutulog. Ipinikit ko na ang aking mga mata at tuluyan ng nilamon ng kadiliman.

Kinabukasan...

Maaga akong nagising dahil sa gutom, nalimutan pala namin ang mag-dinner kagabi.

Nagluto agad ako ng menudo, madali lang naman iluto yon. Gamit ang natitirang karne ni Andrea ay siguradong masarap ang magiging luto ko, marami-rami na ang niluto ko dahil may bisita mamaya.

Narinig ko ang mga yabag ni Abi kaya inilabas ko na ang pitcher kung saan nakalagay ang dugo ni Andrea. Ito ang pinapainom ko kay Abi kapag tinatamad akong magtimpla ng gatas niya dahil masyadong ma-proseso.

Pinainit ko muna ang dugo at nilagyan ito ng asukal at ibinigay kay Abi na nakaupo na sa harapan ko.

Mabilisan itong ininom ni Abi at pumuntang sala para manuod.

Habang naghuhugas ng pinaglutuan ay biglang may nag-doorbell.

Tinapos ko muna ang paghuhugas dahil last na baso na lang naman at lumabas na agad ako para pagbuksan ng gate ang taong yon. Hindi na ako nagulat kung sino ang darating dahil ang inaasahan ko lang ngayong araw na pupunta rito sa bahay ay ang mag tututor kay Abi.

"Good morning ma'am" nakangiting bati nito sa akin.

"Good morning" ngiti ko rin dito.

Pinapasok ko ito at ipinakilala si Abi.

"Hi Abi, ako nga pala si ma'am Joana." nakangiting pagpapakilala nito kay Abi. "Nice to meet you" dugtong niya pa.

Hindi ito sinagot ni Abi at umupo na sa sofa. Napatingin naman sa akin si ma'am Joana, nginitian ko na lamang siya at pumunta na ng kusina para mag prepare ng miryenda.

Kumuha ako ng sandwich at ipinalaman dito ang menudong karne ni Andrea, pinartneran ko rin ito ng nestea. Mga ilang menuto pa ay lumabas na ako ng kusina at hinatid sa kanila ang meryenda.

"Meryenda muna kayo, maaga pa naman." sabi ko sa dalawa.

"Thank you ma'am, nag-abala pa po kayo." nakangiti pa rin na sabi nito.

"Miss na lang po ang itawag niyo sa akin ma'am." nakangiting tugon ko rito. Tumango naman ito at kumuha na ng pagkain, ganoon rin si Abi. "Eat well, maiwan ko muna kayo." dagdag ko.

Hindi ko namalayan ang oras at tanghalian na pala, tinawag ko na si Abi at ma'am Joana para kumain, nahihiya pa si ma'am habang umuupo.

Habang kumakain...

"Ang sarap mo naman magluto ng menudo wala sa 'itsura mo." nakangiting puri nito sa luto ko.

Napangiti naman ako sa kaloob-looban ko, hindi mo lang alam tao yang kinakain mo, paano kaya kung malaman mong tao 'yan?

"Salamat." sagot ko rito.

"Ilang taon ka na miss?" nakangiti pa rin tanong nito.

"18" nakangiti ko rin tugon.

Nagulat pa siya at lalo pa akong pinuri dahil sa edad kong ito ay ganito raw ako kasarap magluto, nagpasalamat naman ako ng nagpasalamat sa kakulitan nito.

Pagkatapos kumain ay nagpatuloy na sila sa ginagawa nila.

Lumipas ang ilang buwan at patuloy pa rin sa pag tututor si ma'am Joana kay Abi, at ganoon rin ako na patuloy nambibiktima ng mga tao na pwedeng ipanlamang tiyan.

Sa loob ng ilang buwan ay marami-rami na rin ang natutunan ni Abi, marunong na ito kahit papaano na magbasa at sumulat.

As usual, nasa sala pa rin sila abi at ma'am Joana.

Nagpaalam ako sa mga ito na matutulog na muna kaya umakyat na ako ng kwarto.

Nag-alarm ako ng 30 minutes para maipaghanda pa sila ng snack. Ngunit sa kalagitnaan ng pagtulog ko ay bigla na lang akong nakarinig ng pagkabasag sa ibaba, dali-dali akong tumakbo sa hagdan at hinanap ang pinagmulan ng ingay, nakita ko si Abi na nakasilip sa pinto ng kusina kaya pinuntahan ko ito.

Doon ay nakita ko si ma'am Joana na tulala at hindi malaman ang gagawin.

Nilapitan ko ito at tinignan.

"S-Sorry n-nalaglag ko, h-hindi ko sinasadya." kinakabang paliwanag nito.

Tinignan ko naman ang sahig na dati ay sobrang puti ngunit ngayon ay nababalot na ng pulang dugo kasama ang mga bubog na galing sa babasagin na pitcher.

"K-Kukuha lang sana a-ako ng tubig k-kaso nagulat ako ng m-makita ko ang laman." kabado pa ring sabi nito na parang naluluha na.

Napatingin naman ako sa loob ng ref at doon ay nakita ko ang mga nakatiwangwang na lamang loob ng tao, mayroong platito na ang laman ay eyeballs at malaking plato na laman naman ay mga tainga, daliri at ari ng lalaki.

- - - - - -

Thanks for reading! Votes and comments are highly appreciated! ⭐

Please do follow me on:
wattpad - manangash
twitter - @manangash
facebook - Manang Ash

GODBLESS!

EATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon