Abi"A-Anong kailangan mo?" pilit ang tapang na tanong ko rito.
"P'wede ba tayong mag-kita?"
Alam kong naka-ngisi ito ngayon base sa tono ng pagsasalita nito.
"At para saan?" salubong ang kilay na tanong ko rito.
"Mag-usap tayo. " malambing na sambit nito ngunit may insulto.
Napangisi ako.
"Sige." agad kong binaba ang tawag nito ng huminto na ang elevator.
Agad akong bumaba at dumiretso sa kwarto ni Chris.
Bago ko pa man ma-buksan ang pinto biglang nagvibrate ang phone ko, tinignan ko naman ito at mayroong nagpop-up na text.
Binuksan ko ito.
From: 0909*******
Message: "Tomorrow @ 3:00 pm"Si ate ang nag-text, hindi ko na ito ni-rep-la-yan at tuluyan ng pumasok sa silid.
Naabutan kong tulog pa rin si Chris kaya umupo na lamang ako sa tabi nito.
Hinanap ng mata ko si Agustin ngunit wala ito sa loob.
"I'm sorry Chris..." bulong ko rito kahit hindi ako nito naririnig.
"I love you..."
"Sana ma-patawad mo ako kapag nalaman mo ang totoo." nangingilid na luhang sambit ko rito.
Mahigpit ko itong hinawakan sa kamay at mariing hinalikan ito.
Sa tagal kong naka-upo hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako na umaga na.
Bumukas ang pinto.
"Sa wakas at gising ka na rin." sarkastikong litanya sa akin ni Agustin pagkapasok.
Tinignan ko naman ang oras, alas-dyis imedya na pala.
"May pagkain na diyan kung sakaling nagugutom ka, baka mamaya si Chris pa ang kainin mo."
Napaigtad ako, alam niya rin pa lang kumakain ako ng tao, bakit parang hindi siya natatakot?
"Aalis muna ako, ikaw muna ang mag-bantay sa kanya pansamantala, may syringe diyan kung sakaling magwala ito ulit."
"Anong oras ka babalik?" tanong ko rito.
May pupuntahan rin ako mamaya kaya hindi ako pwedeng magtagal dito.
"Bahala na." sagot nito.
"Anong bahala na?!" naiinis na tanong ko.
"Babalik ako rito kapag tapos na ang trabaho ko."
Hindi na ako nito hinintay pang makapag-salita at mabilis na umalis.
Ipa-pabantay ko na lang si Chris sa mga guard nito.
Mabilis akong kumain at nagpahinga muna saglit bago umalis.
I-binilin ko sa mga guard si Chris at sinabihan ang mga ito na bantayan itong maigi at huwag magpapapasok ng kung sino, kilitisin muna nila ng maigi.
Agad akong sumakay sa kotse at pinaharurot ito ng mabilis papunta sa lugar kung saan matatapos ang lahat.
Pagkarating, agad kong napansin ang isang kulay itim na kotse.
'Kilala ko ang kotseng ito.'
Agad akong nakapasok sa loob dahil bukas ang pinto.
May narinig akong kaluskos sa itaas, panigurading si ate 'yon. Mahigpit kong hinawakan ang kutsilyong dala ko at dahan-dahang umakyat sa hagdan.
BINABASA MO ANG
EAT
Mystery / Thriller"TO EAT IS A NECESSITY, BUT TO EAT INTELLIGENTLY IS AN ART." - Fdlr 6 • Not Edited. 6 • Date Started: December 23, 2017 6 • Date Finished: June 23, 2018