Abi
"Musika ang buhay na aking tinataglay.Ito rin ang dahilan kung 'bat ako naglalakbay..."
'Musika nga bang maituturing ang aking buhay?'
Tanong ko sa aking isipan habang nakikinig ng kanta sa radyo.
Nitong lumipas na buwan ay napalapit na ang loob ko kay Chris at hindi ko alam kung saan ito nagsimula.
Lagi kaming magkasama sa lahat ng bagay, pwera sa pagpatay.
Lagi niya akong hinahatid pag-uwi, pero never ko pa siyang pinapasok sa bahay.
May oras na nagkakatitigan kami at parang nangungusap ang aming mga mata.
Hindi ko alam kung tama pa ba itong nararamdaman ko.
Pero...
Parang nahuhulog na ang loob ko kay Chris.
*TOK* *TOK*
Napaigtad ako ng biglang may kumatok sa pinto. Lumapit ako rito at pinagbuksan ang taong kumatok.
Mas lalo akong nagulat ng makilala ang taong nasa harap ko.
Parang tinambol ang puso ko sa gulat.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sabay sara ng pinto dahil hindi niya pwedeng makita ang nasa loob nito.
"Visiting you." at ngumit ito.
"Can I come in? Haha." dugtong niya pa.
"W-Wait! Stay there... Just for a minute, can you?" natatarantang sambit ko rito.
"Sige."
Mabilis akong pumasok ng bahay at nilinis ang mga lamang loob ng tao na nakakalat sa sahig, pahirapan pa ako sa pagpunas ng dugo dahil masyado na itong nakadikit sa floor.
Nang masiguro kong wala ng natirang dumi, ch-in-eck ko ang laman ng ref, punong puno ito ng plastic bag na ang laman ay puro laman ng tao. Pinagkukuha ko ito at dinala sa kwarto kung saan nakatambak pa ang ibang parte ng tao.
Inamoy ko ang loob ng ref, medyo malansa kaya inisprayan ko ito ng pabango na nabili ko noon sa mall.
Nang makuntento ay pinapasok ko na si Chris.
Dinala ko ito sa sala at pinaupo.
"Gagawan lang kita ng meryenda." at tumungo na ako sa kusina para ipaghanda ito ng makakain.
Pagdating ko sa kusina, naalala ko wala nga pala akong stock ng matinong pagkain, kaya bumalik na lang ako kay Chris at sinabi rito na wala na akong stock ng pagkain dahil nalimutan kong mag-grocery.
Naunawaan naman ako nito.
"Gusto mo samahan kitang mag-grocery?" alok nito.
Napaisip naman ako.
"Sige."
"Let's go!" masigla nitong aya.
Habang nag-gogrocery ay pangiti-ngiti si Chris.
"Feeling ko para tayong newly wed haha." sabi nito
Nagulat naman ako sa sinabi niya at parang may kung ano ang naglalaro sa tiyan ko.
"Feeling mo lang 'yon." bara ko sa kanya.
Pagkatapos namin mamili ay dumiretso kami sa isang fast food chain sa loob ng mall.
Habang kumakain ay puro ito daldal.
"Ano paborito mong kulay?" tanong niya.
"Red."
BINABASA MO ANG
EAT
Mystery / Thriller"TO EAT IS A NECESSITY, BUT TO EAT INTELLIGENTLY IS AN ART." - Fdlr 6 • Not Edited. 6 • Date Started: December 23, 2017 6 • Date Finished: June 23, 2018