Abi"May patay daw na nurse ang natagpuan sa may bandang exit ah."
"Jusko, bakit daw?"
"Ewan? Basta nakita na lang nila ito kanina na hubo't-hubad at basag ang ulo, tanggal pa nga ang utong nito eh, tsk!"
"Ang brutal naman, bakit may nakakapasok na ganyang tao dito, nakakatakot na tuloy."
"Natatakot na rin ako huhu."
Masama ito, si ate iyon panigurado, hindi ito titigil hanggat di niya napapatay si Chris.
Agad akong sumakay sa elevator at tinungo ang kwarto niya.
Agad kong sinabihan ang mga guard na huwag magpapasok ng kahit sino pwera sa dad nito at mga nurse na magchecheck sa condition niya.
Tumango naman ang mga ito at sinarado ko na ang pinto, nilock ko rin ito para sigurado.
Maya-maya'y may kumatok sa pinto, binuksan ko ito at nagtatakang tumingin sa paligid, wala na ang mga guard kun'di ang nurse na lamang na nakatayo sa harap ko.
May mga dala itong gamit para icheck si Chris kaya pinapasok ko ito.
Ngunit ang ipinagtaka ko ay may kaunting bahid ito ng dugo sa laylayan ng puting damit niya.
Lalapitan ko na sana ito ng maglabas ito ng kutsilyo at itinutok sa leeg ni Chris.
Hindi!
"Diyan ka lang ah papatayin ko muna 'to hihi "
Naestatwa lamang ako sa kinakatayuan ko at hindi makakilos.
Papatayin niya si Chris.
Papatayin niya si Chris.
Papatayin niya si Chris.
"Ay wait! Usap muna pala tayo."
"My name is marianne nga pala."
"I don't do shake hands sarre!"
Sunod-sunod na sabi nito.
"Sharmain's ampon right? Na biglang trumaydor sa kanya?"
"Hindi ko siya trinaydor, baliw siya!" sigaw ko.
"Easy. Masyadong hot?" pang-iinis nito.
"What are you doing here?" tanong ko.
"To kill you both sana eh kaso tong lalaki na lang daw, siya kasi ang gustong pumatay sa 'yo sad..."
"Tsk!"
Hindi ko na ito hinintay pang magsalita at agad ko itong dinamba na kinagulat naman niya kaya tumilapon ang kutsilyo nito.
Bigla naman akong tinadyakan sa tiyan nito dahilan para mapaubo at manghina ako sandali.
Kinuha niya ang tiyansang 'yon para kuhanin ang kutsilyo pero bago pa man niya ito mahawakan sinipa ko ito ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/132492346-288-k801861.jpg)
BINABASA MO ANG
EAT
Mystery / Thriller"TO EAT IS A NECESSITY, BUT TO EAT INTELLIGENTLY IS AN ART." - Fdlr 6 • Not Edited. 6 • Date Started: December 23, 2017 6 • Date Finished: June 23, 2018