XVII

723 34 3
                                    


Abi

Habang kami ay papasok ng Hospital at bitbit ang mga pasalubong para kay Christof, marami kaming naulinigan na bulungan.

"Kawawa naman si Hannah, ang bata pa niya para mamatay ng gano'n."

"Demonyo ang gumawa sa kanya no'n."

"Hindi man lang ito naawa."

"Hindi pa ba nahuhuli?"

"Malabo raw mahuli, dahil no'ng oras na 'yon kasalukuyang inaayos ang cctv do'n, at wala silang lead."

"Tsk! Karmahin sana."

"Anong meron?" tanong sa kawalan ng isa kong kaklase.

"May namatay ata." sagot naman ng isa kong kaklase rito.

Hindi na sila nag-usap pa at dumiretso na kami sa kwarto kung saan nagpapahinga si Christof.

Nadatnan namin ito na nakahiga patagilid, nang maramdaman niya ang aming presensiya bigla itong umupo.

Sinalubong naman kami ng mommy nito, at inaya papalapit sa anak niya. Kinamusta ito ng aming teacher at gano'n din ang ginawa ng iba.

Umupo lang ako sa isang gilid at pinagmasdan sila sa ginagawa nila.

Napadako ang tingin ko kay Christof, nagulat ako ng bigla rin itong tumingin sa akin, nginitian niya ako. Napatingin naman ang mga kaklase ko sa gawi ko at sinamaan nila ako ng tingin, ang iba ay humarang pa para hindi ako makita ni Christof.

Lumipas ang ilang minuto at inaya na kami ng aming guro na umalis, maraming nagreklamo na bakit ang bilis daw, pero wala na silang nagawa at sumunod na sa aming guro.

Bago pa man ako makalabas tinawag ako ni Christof, lumingon ako at nagkatitigan pa kami ng ilang segundo. Ang titig niya ay parang may gustong sabihin, kaya napagpasyahan kong lumapit na dito.

Hindi naman napansin ng mga kaklase ko ang hindi ko pagsunod sa kanila, nagpaalam sa amin ang mommy niya na lalabas saglit at sinara ang pinto.

Kaming dalawa na lang ni Chris ang na-iwan sa kwarto, pumunta ako sa harap nito at tinitigan siya.

"T-Thank you." sabi nito ng hindi tumitingin sa akin.

"For what?" walang emosyon kong tanong.

"For taking me to this Hospital." Ngumiti ito at humarap sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya kapag kaharap ko siya at kausap, para akong nawawala sandali sa mundo ko. Para bang hindi maatim ng mga kalamnan ko ang patayin ito.

"Hindi mo ako hinayaan na--"

"Thank you." putol ko sa sasabihin niya.

Nagulat ako ng matulala ito sa harap ko kaya napatikhim ako.

"A-Ah... Ano..." hindi ito makatingin sa akin ng diretso at hindi ko alam kung bakit.

"Upo ka muna." umusog ito.

"Sige na... Please."

Umupo ako sa tabi niya at ngayon medyo magkalapit na kami ng kaunti.

"Okay lang ba kung magtagal ka ng kaunti dito sa hospital?" nakangiti nitong tanong.

Nakaharap kami ngayon sa veranda ng kwarto kung saan matatanaw mo ang kalangitan at mga kabahayan.

"Hmm." tango ko rito.

"Thank you."

"May gusto sana ako sa'yong i-kwento." dugtong nito.

Tinanguan ko lang siya at nagpatuloy na ito sa pagsasalita.

EATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon