SHARMAINGalit na galit akong pumasok ng bahay at hinanap si Abi.
"ABI!" sigaw ko.
Wala naman makakarinig sa akin dahil malalayo ang mga kapit-bahay.
"LUMABAS KA!" sigaw ko pa ulit.
Narinig ko namang may nabasag na bagay sa may kusina. Mabilis akong dumiretso sa loob at agad na nahagilap ng mata ko si Abi na nakasiksik sa gilid ng ref at nakatakip sa tenga ang dalawang kamay.
Hinila ko ito ng marahas sa braso kaya bigla itong nag-iiyak. Kinaladkad ko ito hanggang sa kwarto, wala akong pakialam kung magkandabali-bali ang buto mo sa hagdan.
Pagkapasok sa kwarto ay pabalibag ko itong inihagis sa kama, napahiga ito at dali daling tumayo habang umiiyak. Nakasalampak siya ngayon sa kama.
"HINDI BA SINABI KO NA SA 'YONG HUWAG KANG MAGBABANGGIT NG MGA BAGAY BAGAY SA MGA KAKLASE MO!"
Umiiyak pa rin ito at walang tigil.
"TUMIGIL KA SA PAG-IYAK MO! KUNG HINDI MASASAKTAN KA SA 'KIN!"
Pero hindi pa rin ito tumitigil. Kaya kinuha ko ang picture frame at inihagis sa kanya. "HINDI KA TALAGA TITIGIL!" Sunod-sunod ang bato ko sakanya ng picture frame at sa bawat tama nito sa maliit niyang katawan ay ang malakas na palahaw niya.
Dinuro ko ito "HINDI KA NA PAPASOK KAHIT KAILAN SA SCHOOL NAIINTINDIHAN MO!?!" Hindi ito nagsalita at tuloy sa paghikbi, nawala na ang palahaw niya.
"NAIINTINDIHAN MO BA?! ANO? SAGOT!" Sigaw ko dito na nagpagitla sa kanya.
"O-Op-po..." hikbing sagot niya sa 'kin
"BABA! DOON KA SA BABA MATUTULOG MAMAYA!"
Hindi pa muna ito kumilos pero nong kinalampag ko na ang pinto ay saka ito dahan-dahang bumaba ng kama at tumakbo pababa ng hagdan.
Bumaba rin ako at dumiretso sa kotse, lalabas muna ako para magpalamig ng ulo baka sakaling mawala.
Pinaandar ko muna ang kotse at umalis, pero bago ako sumakay kanina ay sinigawan ko muna ito na huwag lalabas at ikandado ang bahay.
Pumunta ako ng mall para maglibot-libot at pag-aralan ang kilos ng mga tao at maghanap na rin ng taong pwedeng biktimahin.
Pero naalala ko may babae papalang nakakulong sa basement, si Andrea ang bully at malandi kong classmate, nakita ko siya sa isang bench na nakahiga at walang kamalay-malay, lango sa alak noong gabing 'yon kaya nabiktima ko siya ng walang kahirap-hirap.
Habang pumipili ako ng mauupuan sa kakainan kong fast food ay may nakabangga akong bata siguro nasa 6 or 7 year old na 'to, tumingala siya sa'kin at ngumiti.
"Ang ganda mo po ate" Nakangiting puri nito sa akin.
Napangiti naman ako at nagpasalamat habang ginulo ko pa ng kaunti ang buhok nito.
Iiwan ko na sana ang bata pero bigla akong hinigit nito sa laylayan ng damit ko kaya napaharap ako ulit dito.
Tinignan ko siya ng may nagtatanong na tingin. May bigla siyang inabot sa 'kin, isang kwintas na hugis puso.
BINABASA MO ANG
EAT
Mystery / Thriller"TO EAT IS A NECESSITY, BUT TO EAT INTELLIGENTLY IS AN ART." - Fdlr 6 • Not Edited. 6 • Date Started: December 23, 2017 6 • Date Finished: June 23, 2018