Malamig na simoy ng hangin ang tanging nagpapagaan na lamang sa akin sa tuwing ako'y nalulumbay.Minsan natutulala na lamang ako sa tuwing nagbabaliktanaw sa mga nangyari.
Nakaligtas ba sila?
O
Nakaligtas ba siya.
Gusto ko siyang makita at hagkan ng napakahigpit.
Kaunting panahon man ang ating pinagsamahan ngunit hindi dahilan 'yon upang hindi kita mahalin ng lubusan.
Sana sa oras na magkita tayo, mahal mo pa rin ako.
Maraming nasayang na mga sandali.
Sa isang pahina, marami ang walang laman.
Kung isusulat ang aking kwento, kulang pa ang isang libro.
Kung papabalikin ako sa nakaraan, mas pipiliin ko pang ako na lang ang natuluyan.
Ngunit alam ko, may plano pa sa akin ang may lalang.
Magbabago ako...
Oo
Magbabago ako.
Alang-alang sa magiging anak ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/132492346-288-k801861.jpg)
BINABASA MO ANG
EAT
Mystery / Thriller"TO EAT IS A NECESSITY, BUT TO EAT INTELLIGENTLY IS AN ART." - Fdlr 6 • Not Edited. 6 • Date Started: December 23, 2017 6 • Date Finished: June 23, 2018