AbiSabado at walang pasok kaya napagpasyahan kong gumawa ng dessert.
Kinuha ko ang natitirang puso ng tao sa ref at hiniwa ito ng maliliit, kinuha ko rin ang dugo na nasa pitcher, naalala ko nanaman si ate na lagi akong pinagtitimpla ng dugo.
Kumuha rin ako ng yelo, pinagsama-sama ko ang sangkap sa blender at pinindot na ang on. Kita ko ang pagkadurog ng puso at paghalo ng yelo sa dugo.
Pagkatapos ay ibinuhos ko ito sa baso. Malapot-lapot ito kaya mukhang masarap.
Dinala ko ito sa kama at doon ininom habang nanonood ng t.v.
Pagkaubos ko nito agad kong hinugasan ang baso at mga ginamit ko.
Naalala ko na wala na pala akong stock ng pagkain kaya kailangan ko ng mag grocery.
Habang nagda-drive bigla nanamang pumasok sa isip ko ang ala-ala kung kailan huli kong nakita si ate, buhay pa kaya siya? Nasaan na kaya ito? Wala na akong naging balita sa kanya simula noong nagkahiwalay kami, maski si tito ay hindi nagbabanggit ng tungkol sa kanya.
Pagkarating ko sa mall agad kong ipinarada ang sasakyan ko at bumaba, habang naglalakad papasok, bigla akong may naaninag na isang bulto ng tao sa di kalayuan. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong si ate 'yon! Walang kurap-kurap, naglakad ako papunta sa kinatatayuan niya ngunit hindi pa man ako nakakaabot ng biglang may bumangga sa akin.
Hindi ko na iyon pinansin at agad kong tingnan ang lugar kung saan ko siya nakita ngunit hindi ko na nakita pang muli ang pigura niya.
Siguro namalikmata lamang ako sa sobrang kakaisip dito.
Hindi ko lubusang kilala si ate, tanging pangalan lang niya ang alam ko pero buong pagkatao niya ay wala ako ni katiting na pagkakaalam.
Pumasok na lang ako sa mall at bumili ng mga kailangan ko sa bahay.
Ang bahay na tinitirhan ko ay bigay rin ni tito at siya ang nagsusustento sa mga perang kailangan ko. Ibinigay ko kasi sa kanya lahat ng pera na ibinigay sa akin ni ate.
Matapos kong mag grocery ay umuwi ako kaagad dahil mayroon pa pala akong pupuntahan ngayon.
Nagmadali akong magbihis at inayos ang mga pinamili ko, kumain muna ako ng noodles bago umalis ng bahay dala ang kotse.
Kumakain pa rin naman ako kahit papaano ng mga pagkain na kinakain ng mga pangkaraniwang tao, inaatake lang ako minsan ng pagkasabik na kumain ng laman at uminom ng dugo.
Pagkarating ko sa lugar na aking pinuntahan ay pinarada ko muna sa gilid ang aking kotse bumaba na ako at sinimulang maglakad papalapit sa mismong lugar.
Wala pa rin itong pinagbago, ang bahay.
Ilang taon na rin pala ang nakalipas noong huling punta ko rito dahil sa pagbabakasakaling makita ko ulit si ate.
Alam ko itong puntahan dahil binigay sa akin ni tito ang address.
Umikot ako sa bandang likuran ng bahay at doon dumaan kung saan rin ako dumaan noong ako'y tumakas.
BINABASA MO ANG
EAT
Mystery / Thriller"TO EAT IS A NECESSITY, BUT TO EAT INTELLIGENTLY IS AN ART." - Fdlr 6 • Not Edited. 6 • Date Started: December 23, 2017 6 • Date Finished: June 23, 2018