AbiNarito ako ngayon sa hospital at naghihintay ng resulta kay Chris.
Kasama ko ang stepdad nito na kanina pa walang kibo.
Bigla itong tumayo at akmang aalis ngunit bago ito tuluyang lumisan ginawaran ako nito ng matalim na tingin.
Iniwas ko na lang ang mga mata ko at sa iba ito binaling.
Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang Doctor, tumayo ako't humarap dito naghihintay ng magandang sasabihin nito.
"He's stable now."
Parang nagdiwang ang puso ko sa aking narinig at hindi na pinakinggan pa ang mga sinasabi ng doctor.
"Kailan ko siya pwedeng makita?" Maluha-luha kong tanong dito.
"Sasabihin na lang namin sa 'yo, ngayon ay kailangan pa muna niyang magpahinga."
Tumango na lamang ako at nilisan ang lugar.
Umuwi muna ako para makapagpalit ng damit na nabahidad ng dugo ni Chris.
Buong maghapon akong wala sa sarili, hindi rin ako makakain ng maayos.
Napagpasyahan kong ipagpabukas na ang pagdalaw kay Chris dahil baka maka-ingkwentro ko nanaman ang dad nito.
Agad akong dinalaw ng antok at nakatulog.
Ngunit wala pa man ako sa kalagitnaan ng aking pagtulog ay naalimpungatan ako ng maramdamang nakaposas ang aking dalawang kamay.
Agad kong minulat ang mata ko at saktong pagmulat ko ay may nakatutok na sa aking baril.
Napatingala ako sa may hawak nito at nanlalaking mata ko itong tiningnan.
"Mamamatay tao ka 'di ba?" sarkastiko nitong tanong.
Hindi ako sumagot at hinintay pa ang sunod na sasabihin nito.
"May ipapagawa ako sa 'yo." napangisi ito.
"Patayin mo si Sharmain?"
Napalunok ako.
Paanong?
Kilala niya si ate?
Sino ka ba talaga?
"Agustin Gonzales..." naiusal ko na lamang.
Ngumisi ito ng napakalawak.
"Ano? Kaya mo ba?"
"Kahit hindi mo ako utasan mamamatay at mamamatay siya sa mga kamay ko." nanlilisik na litanya ko rito.
"So I guess I'm done here."
Bigla itong may ibinato at saka umalis.
Kinuha ko ang binato nito at tinignan, isang susi para sa handcuff na nasa kamay ko.
Mabilis ko itong kinalas at sinundan si Agustin, ngunit mabilis na itong nakaalis.
Bakit kilala niya si Ate? At bakit gusto niyang ipapatay it-- ah asawa nga pala niya ang mom ni Chris.
Bakit ako pa ang inutusan niya? Bakit hindi na lang siya kumuha ng ibang tao para gumawa nito?
At bakit parang kilalang kilala niya ako?
Kailangan ko pa ng maraming impormasyon tungkol sa iyo, pangalan pa lang ang alam ko at marami pa akong kailangang alamin.
Tinawagan ko si tito para ipaalam dito na nakita ko na si ate, nakalimutan ko pa lang sabihin ito kay tito noon. Nakailang dial ako pero lagi niya itong pinapatay.

BINABASA MO ANG
EAT
Mystery / Thriller"TO EAT IS A NECESSITY, BUT TO EAT INTELLIGENTLY IS AN ART." - Fdlr 6 • Not Edited. 6 • Date Started: December 23, 2017 6 • Date Finished: June 23, 2018