XXI

694 33 3
                                    


Abi

Ilang araw akong balisa, buhay siya...

Buhay si ATE.

Alam kong siya 'yon at hindi ako namamalikmata. Kailangan ko siyang mahanap, pero bakit gano'n na lamang ito makatingin sa akin? Ano ang ikinagagalit niya?

Napagpasyahan kong puntahan ang dating bahay ni ate, baka maaaring makita ko siya roon.

Pagkarating ko roon agad akong pumasok sa loob, bawat kwarto ay pinasukan ko nagbabakasakaling makita ko siya.

Ngunit nabigo ako, walang Sharmain ang naabutan ko.

Bumaba ako at may isa pa pala akong hindi napapasok, binuksan ko ang pinto nito at bumungad nanaman sa akin ang napakadilim nitong paligid.

Malansa ang amoy, maalinsangan ang piligid. Tuluyan akong pumasok sa loob at hinahanap ang switch ng ilaw, nakapa ko naman ito at dahan-dahang pinindot.

Napaigtad ako sa nakita, may babaeng nakatalikod mula sa akin. Nakatapat ito sa ilalim mismo ng nag-iisang bukilya ng ilaw.

Puro's dugo ang suot nito at may hawak itong kutsilyo. Napatingin ako sa paanan niya at nagulat ako ng may nakahandusay na babae at umaagos pa ang sariwang dugo nito sa likuran.

Sa tingin ko sunod-sunod itong sinaksak sa likod ng magtangka siguro itong tumakas.

Nagulat ako ng sadya niyang ilaglag ang kutsilyo at sa tulis nito diretso itong tumusok sa sintido ng babae.

Dahan-dahan itong humarap sa akin, nang makaharap ito ay parang paulity-ulit na pinipiga ang puso ko. Hindi ko akalaing makikita ko siya rito.

Nangilid ang luha ko at patakbong pumunta sa kanya, niyakap ko ito ng mahigpit matagal ko rin siyang hindi na kita at buong akala ko patay na siya.

"A-Ate." sambit ko sa pagitan ng paghikbi.

Naramdaman kong niyakap rin ako nito at dahan-dahang hinaplos ang buhok ko.

"I missed you." lalo akong napaiyak ng muling marinig ang tinig niya.

Napahigpit lalo ang pagyakap ko rito, ngunit pagmulat ko ng mga mata ko ay siyang pagtambol ng malakas ng puso ko.

Hindi ako makagalaw.

Biglang sumikip ang dibdib ko.

Nakayakap pa rin ako kay ate ngunit nakatingin sa mukha ng babaeng pinatay nito.

Kilala ko ito.

Hindi maaari.

Bakit?

Bakit siya pinatay ni ate?

Anong kasalanan niya?

"Isa siyang mangaagaw, nararapat lang sa kanya 'yan."

Gulat akong napaalis sa pagkayakap kay ate at binigyan ito ng nagtatanong na tingin.

"Malalaman mo rin sa tamang panahon."

"Pero ate bakit? Bakit... Hindi ko maintindihan." napaupo ako napasabunot sa sariling buhok.

Naramdaman ko itong lumakad at pumunta sa harap ng pintuan.

"Come."

Tumayo ako at sumunod dito. Nakita ko itong pumanik sa taas, pumasok ito sa kanyang kwarto. Dumiretso ito sa may cr kaya sinundan ko ito, nakita ko ang bathtub punong-puno ng dugo.

"Hintayin mo na lang ako diyan, maliligo muna ako." sabi nito.

Hindi ko pa natatry ang maligo sa bathtub na puno ng dugo, ano kaya ang pakiramdam?

EATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon