XXIII

671 26 0
                                    


Abi

Nagising ako ng wala na si Chris sa tabi ko, hinanap ko ito at nakita ko siya sa kusina na nagluluto.

Buti na lang at naitabi ko na sa kabilang kwarto ang mga garapon.

Lumapit ako rito na tanging suot lang ay panty, niyakap ko ito sa likod at siniksik ang buong mukha ko sa pagitan ng braso at katawan nito.

"Tulong..."

Napamulat ako at nakita ko ito na nakatingin sa akin habang nakanguso.

Napatingin ako sa niluluto niya, muntik na akong matawa sa itsura nito, yung itlog na dapat ay buong maluluto naging scramble na.

"Ako na nga." natatawang kinuha ko sa kamay nito ang, sandok?

Dahan-dahan naman niyang nilalagay sa akin ang apron para hindi ako madistract sa pagluluto.

"Dapat nagsuot ka man lang ng kahit ano, tsk! Pag ako." nananakot na turan nito.

Pagkatapos maluto ay hinain ko na ang pagkain, napansin ko naman na ganado itong kumain at may pangiti-ngiti pa.

Pagkatapos, agad na kaming dumiretso sa banyo, sabay kaming maliligo, may dala naman itong extrang damit sa kotse niya.

Hindi rin kami nagtagal at bumaba na para ipagpatuloy ang paghahanap sa mommy niya.

Pagkasakay nito ng kotse bigla itong humarap sa akin ng nakangiti.

"Nagtext na sa akin si mama."

Nagulantang ako sa sinabi nito.

Paanong?!

"Sabi niya may importante lang daw siyang pinuntahan kaya hindi na ito nakapagpaalam at nakauwi agad, eto pa nga text niya oh..."

Ipinakita nito sa akin ang phone at doon nakita ko ang text nga ng mama niya.

Pero...

"So lets go?" tanong nito.

"S-Saan?"

"Sa ****** street, doon ko daw siya sunduin."

"NO!" wala sa sarili kong sigaw.

Yung address na yon!

Address 'yon ng bahay ni ate!

"H-Ha? B-Bakit?"

"M-Masama ang kutob ko." hindi makatingin sambit ko rito.

Napakunot ang noo nito.

"Baka mamaya--"

"It's okay, akong bahala."

Hindi iyon Chris! Si ate ang makakaharap mo at hindi ang mama mo! Dahil patay na ito!

Gusto ko itong pigilan ngunit paano?

Hindi naman pwedeng iwan ko siya at hayaang pumunta siyang mag-isa doon.

Umandar na ang makina ng kotse, sa pagkakataong ito wala na akong ibang magagawa kun'di ang samahan ito at protektahan hanggang sa makakaya ko.

Habang nasa biyahe, magiliw sa pagkukwento si Chris, ngunit hindi ko ito masyadong maintindihan dulot ng kaba na namumutawi sa buong kalamnan ko.

Malaki na ang pinagkaiba ni ate kumpara noon, tumanda rin ang itsura nito at humaba ang buhok, pumayat din ito ngunit ang pinagtataka ko kung saan galing ang mga peklat nito na sobrang laki.

Nag-iba na rin ang ugali nito, mas lalo itong naging agresibo, wala na itong sinasanto.

Ang pinagkaiba lang namin, ako ay marunong mag-mahal siya hindi, sakim siya sa pagmamahal ng isang tao, gusto niya siya lamang ang mamahalin ko at hindi maaari iyon.

EATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon