Abi"Let's tackle about blah, blah, blah" - teacher.
Hindi ko na magawa pa ang makinig sa aming guro dahil sobra pa rin akong inaantok at pagod na pagod.
Masyado ata akong nag-enjoy sa pagpatay ko sa lalaking 'yon.
"Where's mr. Rivera?" tanong ng guro namin.
"Absent ma'am." prisentang sagot ng isa sa mga kaklase ko.
Napangisi ako, kamamatay lang niya kanina mga ugok.
"Okay, okay. Well then, let's have a short quiz class!"
Napamura na lang ako ng malutong sa isip ko, kung kailan hindi ako nakikinig doon siya magpapa-quiz? Sarap din gilitan ng leeg nito eh.
Naglabas ako ng 1/4 at ballpen, hindi ko alam kung may maisasagot ba ako rito.
Lumipas ang ilang minuto ngunit wala pa rin ako kahit isang sagot sa aking papel, ibabalik ko na sana sa bag ang gamit ko ng bigla itong kuhanin ng katabi ko--ni Christof.
Nagulat ako sa ginawa niya dahil sinagutan niya lahat 'yon, ano namang pakulo ng lalaking 'to?
"Done." nakangiti nitong abot sa papel ko, tinanguan ko na lang ito.
Natapos ang quiz na naka-perfect ako sa score. Gulat pa ang mga kaklase ko dahil first time kong makakuha ng gano'n kataas, pero para sa akin hindi iyon big deal.
Lunch break
Lumabas ako ng school para kumain sa isang restaurant, habang na-mimili ako ng o-order-in ko ay napansin kong may um-upo sa harap ko, hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa ko.
Noong inabot ko na ang menu, doon ko naaninag ang kung sino ang lalaking nasa harapan ko, tuluyan ko na itong tinignan.
"Hi!" nakangiting bati nito.
"What are doing here?" sarkastiko kong tanong.
"Para kumain! Hehe."
Hindi ko na ito pinansin at naghintay na ng aking in-order.
"Sungit mo talaga." daldal nito.
"Hey, pansinin mo naman ako oh haha."
"Ang cute mo."
"huy!"
*SPLASH*
"Aw! Ah-." napatingin ako sa gilid ko at napaigtad ng makita ang sitwasyon ni Christof.
Nabuhusan ito ng mainit na sabaw sa likod at pinagtataka ko kung bakit ito nakaharap sa akin.
"Buti hindi ka natapunan." sabi nito habang pilit na iniinda ang sakit.
Napaluhod ito sa harap ko at napahawak sa braso ko.
Nagtinginan ang mga tao sa nangyari, yung waiter naman ay sunod -sunod ang paghingi ng sorry.
BINABASA MO ANG
EAT
Gizem / Gerilim"TO EAT IS A NECESSITY, BUT TO EAT INTELLIGENTLY IS AN ART." - Fdlr 6 • Not Edited. 6 • Date Started: December 23, 2017 6 • Date Finished: June 23, 2018