Abi"H-Hi?" nakayukong bati nito sa akin
"Paano mo nalaman ang tinitirhan ko?" walang emosyon na tanong ko dito.
Hindi ito sumagot at parang natataeng, naiihi itong kumilos.
"A-Ano kasi..."
"M-Matagal na k-kitang sinusundan." utal na sabi nito.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko.
"A-Ako rin yung n-naglalagay ng m-mga c-chocolate sa locker mo." tuloy nito.
Kaya pala sa tuwing bubuksan ko iyon ay laging may nalalaglag na chocolate.
Tinitigan ko lamang ito.
"M-May aaminin sana a-ako."
"What?"
"I know you're killing people." diretsong sagot nito.
Napaatras ako ng kaunti sa likuran ko at parang tinatambol ng mabilis ang puso ko.
"What do you want?" tanong ko dito.
"I-I want you t-to be m-mine."
What the heck?
May nabuong plano sa isip ko kaya pinapasok ko ito sa loob.
"Sit down, ano pa ang mga nalalaman mo?"
"Amm, yun lang n-nakita kasi k-kita ilang beses n-na na pumatay ng t-tao." utal pa rin nitong sabi.
"Pwede ba wag kang mautal?" singhal ko dito.
"So kung alam mong pumapatay pala ako ng tao, umaano ka rito?" dugtong na tanong ko.
"Amm g-gusto k-kasi kit--"
"At hindi ka man lang natatakot sa ano mang pwede kong gawin sayo?"
Bigla itong naging alerto. Tumawa naman ako ng mapakla.
'Hindi ka lang pala nerd baliw ka rin'
Dinadala mo ang sarili mo sa hukay.
"W-Wala ka naman sigurong gagawin sa 'kin 'd-di ba?" hindi makitingin nitong tanong .
"Wala." diretso kong sagot.
"Talaga! P-Promise wala akong p-pag sasabihan ng mga n-nakita ko." Nakangiti nitong usal.
Tumango na lang ako at tinanong ko ito kung nagugutom at umoo naman ito dahil hindi pa daw siya nag-aalmusal.
Sumabay ito sa akin sa pagkain.
Maya-maya ay inalok ko ito ng coffee at favorite niya daw yon lalo na kung black coffee.
Pagkatapos niyang uminom ay nagpaalam na itong uuwi at sobrang saya niya daw dahil nakausap na niya ako. Pero hindi pa man niya napipihit ang seradura natumba na agad ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/132492346-288-k801861.jpg)
BINABASA MO ANG
EAT
Mystery / Thriller"TO EAT IS A NECESSITY, BUT TO EAT INTELLIGENTLY IS AN ART." - Fdlr 6 • Not Edited. 6 • Date Started: December 23, 2017 6 • Date Finished: June 23, 2018