Abi"C-Chris..." napalunok ako.
Sakto namang lumabas si Agustin, nagulat rin ito.
"A-Ano yan?" kinakabahang tanong ni Chris habang titig na titig sa bangkay ng babae na nababalutan ng dugo.
"Chris... Let me explain." mabilis na pumunta si Agustin kay Chris upang pakalmahin ito na ngayon ay nanginginig na sa kanyang pwesto.
"No... no!" Bigla itong nag-hysterical at parang mauubusan ng hininga.
Nag-alala naman ako kaya nilapitan ko ito at hinawakan sa kamay.
"Chris please..."
"Tumawag ka ng doctor!" sigaw sa akin ni Agustin.
Mabilis akong tumakbo palabas at nagpalinga-linga para maghanap ng doctor, mabuti na lang at nahagip ng mata ko ang isang doctor at mga kasama nitong nurse na pasakay ng elevator.
Agad ko silang tinawag at sinabi ang kalagayan ni Chris, mabilis nilang tinungo ang kwarto at pumasok dito, ngunit isang napakatinis na tili ang narinig ko ng makapasok na ang mga ito sa kwarto.
Naalala ko, nandito pa pala ang katawan ng babae, masama ito.
"Doc! Check him please!" ma-awtoridad na utos ni Agustin.
Agad na nagsilapitan ang mga ito, may itinurok ito kay Chris at bigla na lang itong nanghina hanggang sa makatulog, nagdugo ulit ang tiyan nito kaya kailangan pa itong palitan ulit ng bagong benda.
Pagkatapos kinausap ito ni Agustin sa labas habang ako naman ay nagbabantay kay Chris.
Maya-maya biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang nurse na lalaki na may dalang... Hindi ko alam ang tawag pero para itong mahabang lamesa na stainless na may apat na gulong.
Binuhat nila ang babae at hiniga doon sabay bunalutan ng puting tela.
Paglabas ng mga ito ay siya ring pagpasok ni Agustin.
Seryoso itong lumapit sa akin at sinabi ang napagusapan nila. Binayaran niya ang mga ito upang hindi lumabas ang isyu na nakita nila.
Tumango na lamang ako pinagmasdan muli ang mapayapa ng mukha ni Chris.
Masyado ng magulo ang nangyayari, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Chris sa oras na magising ito tungkol sa nakita niya.
"Alam mo bang maari kitang hulihin dahil isa akong pulis?"
Bigla akong nagulat sa sinabi nito kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Hindi dahil sa nakapatay ka ngayon kun'di marami akong ebidensiya laban sa 'yo."
Paanong...
"Anytime pwede kitang ipahuli." ngumisi ito.
"Ano ba ang gusto mo?" tanong ko rito.
"Simple lang at alam mo na 'yon."
Napairap na lamang ako.
BINABASA MO ANG
EAT
Mystery / Thriller"TO EAT IS A NECESSITY, BUT TO EAT INTELLIGENTLY IS AN ART." - Fdlr 6 • Not Edited. 6 • Date Started: December 23, 2017 6 • Date Finished: June 23, 2018