Tears From Heaven

566 18 3
                                    

Tears From Heaven

By: Michelle Manzanero

(dolly_eyes23 on wattpad.com)

(dolly-eyes23 on booklat.com)

 

PROLOGUE

"Our deepest love guide us to conquer destiny's game. Until tears of joy falls from heaven."

     Naalala ko pa noong una kaming nagkakila sa isang magandang hardin. Agad akong nabighani sa kanyang matamis na ngiti. Pakiramdam ko noon ay nasa langit ako dahil mukha siyang anghel sa isang mapayapang hardin.

     Nakilala ko si Alfritz bilang isang mabuting tao. Sabi ko noon "she is the most beautiful person ni this world." Mapagkumbaba siya at handang ibigay ang kanyang matamis na ngiti sa kahit sino. Marangya ang kanilang pamumuhay. Kaya parang suntok sa buwan nang ako ay kanyang mahalin. Wala akong yaman na maipagmamalaki. Mayroon din akong nakaraan na hindi ko magawang kalimutan. Kaya hindi ganoon kadali ang pinagdaanan namin ni Alfritz.

     One day she promise me that she will love me forever. Til death do us part. Pero naging malupit ang tadhana at kami ang kanyang napiling paglaruan. Maraming taon akong nasabik sa kanyang mainit na yakap. Nangulila ako sa kanyang pagmamahal. Maging ang langit ay lumuluha sa kalungkutan. Binago ng kanyang pagkawala ang buhay ko. Pero pinilit ko pa ring patunayan sa kanya ang aking pagmamahal.

     Matagal na panahon siyang naging bituwin na tinatanaw ko mula sa malawak na langit. Pero pakiramdam ko pa rin ay malapit siya sa akin. Hanggang sa pag-ibig na ang gumabay sa amin at 'di na muling lumuha ang langit.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon