TFH: 08

24 5 0
                                    

VIII. Even If

<Terrence's POV>

Kinabukasan, excited akong byumahe pumunta sa Dra. Ancheta's College of Medicine para sa interview. Nang makarating ako sa unibersidad nag tanong ako sa receptionist kung saan ang opisina ng mag iinterview sa akin. Hanggang sa itinuro nya ako sa isang malaking kwarto.

Kumatok ako sa pinto ng tatlong beses at saka pumasok at nakita ko na nakatalikod ang mag iinterview sa akin. Napatingin din ako sa kabuoan ng opisina. Napakalaki nito at ang ganda pa. Meron pa itong magandang sala set at flat screen t.v. Napansin ko din ang name plate na nakapatong sa table na may naka sulat na Dra. Ma. Monica D. Ancheta M.D.,  director and CEO. Kapangalan pala n'ya ang taong sumira ng buhay ko. Pero imposibleng s'ya iyon dahil iba ang kanyang apelyido.

Mga ilang sandali pa ay pumihit ang upuan at humarap sa akin ang isang babae. Hindi ako nag kakamali. S'ya nga ang dahilan kung bakit namatay ang tatay ko. S'ya ang dahilan kung bakit naging miserable ako noon. Pakiramdam ko umurong ang dila ko, hindi ako makagalaw sa nakikita ko ngayon. Pakiramdam ko bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko sa mga ginawa nya sa amin ni tatay.

Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Terrence, anak ko." Sabi nya, bakas sa kanyang boses ang matinding pangungulila.

"Bitiwan mo nga ako. 'Wag mo kong tawaging anak." Galit na sabi ko at saka ko tinanggal ang kanyang mga braso.

"Anak hindi mo na ba ko naalala? Ako 'to, ako ang nanay mo." Sabi n'ya. Unti unting namula ang kanyang mga mata at nag simulang tumulo ang kanyang luha.

"Sinabi ng 'wag mo kong tatawaging anak! Oo, naalala kita dahil hindi ko makakalimutan ang taong naging dahilan kung bakit namatay ang tatay ko!" Sigaw ko sa kanya. Nakaramdam ako ng panginginig dahil sa galit ko sa kanya.

"Patawarin mo ko anak. Bawat araw kong pinag sisihan ang ginawa ko sa inyo ng tatay mo. Inaamin ko ipinagpalit ko ang tatay mo sa pera dahil gusto kong maibigay ang mga pangangailangan mo. Gusto kitang magkaroon ng magandang kinabukasan. Pero umalis ka at nalaman ko na doon ka tumuloy sa lola Caridad mo. Simula noong umalis ka nag bago ako. Nag sikap ako at tumayo ako sa sarili kong paa. Iniwan ko na rin ang lalaking ipinalit ko sa tatay mo." Mahabang paliwanag nya.

"Tingin mo maniniwala pa ako sa'yo pagkatapos mo kaming lokohin? Hindi ko ako madadaan sa pag iyak mo. Aalis na ko ayaw ko ng marinig ang mga sasabihin mo. Itapon mo na lang yang scholarship ko." Galit na sabi ko at tinalikuran ko s'ya.

"Totoo ang sinasabi ko anak. Maniwala ka sana. At bawat araw kitang binabantayan. Gusto kitang lapitan o yakapin pero alam ko na magagalit ka lang at kamumunhian ako. Anak gusto kong bumawi sa pag kukulang ko sa'yo. Gusto kong maging doktor ka tulad ng pangrap mo. Gusto kitang tulungan para mabigyan ng magandang buhay ang lola mo at si Alfritz." Pagmamakaawa nya.

Sa mga narinig ko sa kanya walang duda na binabantayan nga n'ya ako. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang magalit sa kanya. Pakiramdam ko bumalik ang sakit na naramdaman ko noon dahil sa panloloko nya sa amin ni tatay.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon