TFH: 03

59 4 2
                                    

III. Ice cream

<Terrence's POV>

Umuwi ako sa bahay mula sa school. Dali dali kong ginawa ang aking mga takdang aralin. Tambak pa naman ang mga ito. Wrong timing nga dahil magkikita pa naman kami ni Alfritz sa hardin. Sana naman makarating ako at matapos ko ang takdang aralin ko agad dahil kaylangan na itong ipasa bukas. Sa totoo lang ngayon lang ako ginanahan sa pag gawa ng assignment. Noon kasi kampante ako na matatapos ko ito agad kaya kadalasan isinasantabi ko muna ng ilang oras. Pero ngayon gustong gusto ko na agad tong gawin at tapusin.

Inuna ko munang gawin yung paborito kong subject na math. Sinagutan ko yung 10 items. Compute dito, compute doon. Nang matapos sinagutan ko naman yung english na 15 items na. Subject dito, predicate doon, transitive verb dyan, indirect and direct objects rito. Natapos ko naman iyon kaso pag tingin ko sa aking orasan pasado alas singko na. Nagsisimula na akong mag panic na baka andun na si Alfritz sa hardin. Ayaw ko na mainip s'ya at ayaw ko na naghihintay s'ya sa akin dahil ako ang lalaki. At gusto ko s'yang makita pangako ko kasi na palagi na kaming magkikita doon sa hardin. Kaya naman ipinagpasya ko na mamaya ko na lang ulit itutuloy ang pag gawa ng mga takdang aralin ko.

Nagpaalam agad ako kay lola at nagmadali akong tumakbo papunta sa hardin. Tumakbo ako ng mabilis sa abot ng aking makakaya. Hindi ko ininda ang pagod at hapo sa pagtakbo basta makita ko lang si Alfritz.

Pagkarating ko sa hardin nakita ko Alfritz na nakaupo sa duyan at mukhang matamlay. Agad akong nakaramdam ng pag aalala sa dalagita at nilapitan ko s'ya para damayan.

"Bakit matamlay ka? May problema ba?" Nag aalalang tanong ko sa kanya at umupo ako sa duyan.

"Ah wala 'to Terrence." Tipid na sabi n'ya at saka ngumiti. Pero bakas parin sa mga mata n'ya ang lungkot.

"Sorry kasi late ako. Ginawa ko pa kasi yung assignment ko eh." Pagpapaumanhin ko.

"Ano ka ba wala kang kasalanan." Tipid paring sagot n'ya.

"Sabihin mo na kasi sa akin kung bakit ka malungkot." Nag aalala paring sabi ko.

"Eh kasi wala pang pangalan tong hardin ni lolo Juan. Ano kaya kung bigyan natin ng pangalan ang lugar na ito?" Sabi n'ya at saka tumingin sa kabuoan ng hardin.

Napatawa naman ako ng malakas sa sinabi n'ya. Akala ko kasi kung ano na ang nangyari sa kan'ya kaya s'ya matamlay ngayon. Pero okay na rin 'yon dahil nakahinga na ako maluwag dahil alam ko na ang makakapagpasaya sa kanya.

"Bakit ka tumatawa dyan? Mukha ba kong nagbibiro?" Nagtatakang tanong n'ya at saka nag pout. Napansin ko na cute s'ya kahit ano pang reaksyon ng kanyang mukha.

"Wala kasi akala ko kung ano ng nangyari sa'yo. Pero okay na rin yan kasi hindi na ako mag aalala." Sabi ko saka ngumiti ng malapad.

Ngumiti din s'ya sa akin saglit at saka nag isip ng ipapangalan sa hardin ni lolo Juan.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon