TFH: 13

25 3 0
                                    

XIII. She's Gone

 

<Terrence's POV>

Unti unti ng sumikip ang aking dibdib at hindi na ako makahinga dahil sa balitang sinabi ni nana Iska. Unti unti na ring tumulo ang aking luha. Luha ng pag hihinagpis sa nangyari. Pakiramdam ko dahan dahang gumuho ang mundo at pangarap ko kasama ang babaeng mahal ko.

Wala na s'ya, wala na ang babaeng mahal ko. Iniwan na n'ya ako.

Naglakad ako palayo sa bahay nila Alfritz. Hindi ko maalis sa isipan ko ang kanya pagkawala. At habang lumilipas ang minuto lalo kong nararamdaman na may kulang sa pagkatao ko. Parang buhay nga ako pero wala na kong gana mabuhay dahil sa pag kawala ng pinakamamahal ko na s'yang dahilan kung bakit nanumbalik ang ngiti ko.

Si Alfritz ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng pag asa. Natuto akong mangarap ng mataas dahil sa kanya. Natutunan kong bumangon mula sa pagkakabigo. Pero ngayong wala na s'ya paano ako mabubuhay? Paano ako mangangarap? Paano pa ako babangon?

At ang mas masakit sa pagkawala n'ya ay 'yong alam kong hindi na talaga s'ya babalik kahit anong gawin ko. Hindi ko man lang nagawang hagkan s'ya. Hindi ko man lang s'ya nakita at hindi ko man lang nahawakan ang kanyang malambot na kamay. Hindi ko man lang nasilayan ang kanyang maamong mukha. Higit sa lahat hindi ko man lang nasabi sa huling pag kakataon kung gaano ko s'ya kamahal. At kahit sabihin ko iyon ngayon, wala ng kwenta. Hindi na n'ya iyon maririnig.

Sa kalagitnaan ng aking pag lalakad bigla na lang akong napaupo sa isang kalsada. At doon ko ibinuhos ang lahat ng luhang pwede kong iluha. Hindi ko talaga kaya ng wala s'ya

Pagkatapos kong umiyak, pakiramdam ko naiiyak pa rin ako. At kahit tumigil ako sa pag iyak, umiiyak pa rin ang puso ko. Naglakad akong muli hanggang sa makauwi ako sa amin.

Pagkarating ko sa bahay, parang wala akong ganang kausapin ang kahit sino. Gusto kong mapag isa.

"Iho anong nangyari sa'yo? Tulala ka." Nag aalalang tanong ni lola Caridad.

Agad kong niyakap si lola Caridad at muli na naman akong umiyak.

"Apo bakit ka umiiyak? Ano bang nangyari?" Nag aalalang tanong nito.

"L-lola.. wala na s'ya. Iniwan na n'ya ko." Naghihinagpis na sagot ko.

"Apo gagaling din s'ya magkikita din kayo ni Alfritz." Sabi ni lola Caridad habang hinahaplos n'ya ang likod ko.

"Hindi na lola.. Hindi na.. Patay na si Alfritz.. iniwan na n'ya ko. Hindi na s'ya babalik." Naghihinagpis kong sagot.

"Patawad iho.." Malungkot nyang sagot.

****

Lumipas ang dalawang linggo, wala pa ring nag bago.. Nangungulila pa rin ako kay Alfritz. Masakit pa rin para sa akin ang kanyang pagkamatay. Walang araw ang hindi ko s'ya naiisip. Hanggang sa pag tulog ko napapanaginipan ang kanyang matamis na ngiti at ang mga masasayang alala na iniwan n'ya sa akin. Lagi ko rin ipinag dadasal na sana bumalik na s'ya at masamang panaginip lang ito na kapag gumising na ako magiging masaya na ulit kami ni Alfritz.

Ipinag pasya ko na pumunta sa unibersidad na pag mamay ari ng mama ni Alfritz. Alam kong hindi nila ako kayang makita dahil sa kagagawang naidulot ko sa nag iisa nilang anak. Sino ba namang magulang ang gugustuhing makita ang dahilan kung bakit nawalan sila ng pinakamamahal na anak? Pero kaylangan ko itong gawin dahil ayaw ko ng makadagdag ito sa kahihiyan ko at kahit paano naging mabait sa akin si ginang Sandra kaya sa tingin ko ito ang dapat kong gawin.

Pagkarating ko ng St. Matthew State University ay dumeretso na ako sa opisina ni ginang Sandra. Kumatok ako sa pinto at pumasok ako sa kanyang magarang opisina.

"Iho? Anong ginagawa mo?" Tanong n'ya bakas sa kanya ang pagkabigla.

"Hindi na rin po ako magtatagal. Alam ko pong sinisisi n'yo ako sa nangyari at ayaw ko na pong makadagdag sa sakit na nararamdaman nyo dahil sa pagkawala ni Alfritz sa tuwing nakikita nyo ako na naging dahilan ng pagkamatay n'ya. Hindi ko na po tatanggapin ang scholarship. Maraming salamat po sa tulong at ikinalulungkot ko po sana maniwala po kayo na hindi ko iyon ginusto." Mahabang sabi ko.

"Hindi ako galit sayo iho. Pero aaminin ko masakit pa rin sa akin ang pagkawala n'ya. At ngayong nakita kita bumalik ang sakit. Pero kung iyon talaga ang desisyon mo sige pumapayag ako." Malungkot na sabi ni ginang Sandra.

Tumango lang ako bilang sagot at lumabas sa kanyang opisina at tuluyang umalis sa unibersidad. Bago umuwi ay nagpunta muna ako sa sementeryo para dalawin ang puntod ni Alfritz. Iisa lang ang sementeryo dito sa buong bayan kaya sigurado ako na naroon ang puntod ni Alfritz. Ito ang unang beses na dadalawin ko ang puntod nya dahil ngayon lang ako nagkalakas ng loob para makita ito.

Pagkatapos ng byahe ay nakarating ako sa sementeryo. Itinanong ko sa information kung saan ang museleyo ng mga Mendoza. Itinuro n'ya ako sa isang museleyo na parang chapel. May mga rebulto ng anghel sa labas nito at may nakasulat na Mendoza sa arko ng museleyo. Pumasok ako sa loob ng museleyo at bumungad sa akin ang malalaking rebulto ng santo ang ng mga anghel. Gawa sa stained glass ang mga bintana ng museleyo at ang kisame nito ay kapag tiningnan mo para kang nakatingin sa langit na puno ng mga bituin.

Dahan dahan akong lumapit sa nitso ni Alfritz.  Punong puno ito ng paborito n'yang bulaklak na pulang rosas. Naroon din ang teddy bear na binigay ko sa kanya noong araw na sinagot n'ya ako sa hardin. At hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang pangalan nya ang nakaukit sa lapida ng nitso.

Niyakap ko ang kanyang puntod na binabalot ng marmol. Pero kahit na ganoon na ang yakap yakap ko sa oras na iyon ramdam ko pa rin ang yakap n'ya sa akin. Naalala ko noon kapag magkayakap kami palagi n'yang sinasabi na ang lakas ng pintig ng puso ko at isang buong minuto n'ya iyon pinapakinggan na parang isang musika sa kanyang tengga.

"Magandang hapon mahal ko. Andito na ko. Kamusta ka na dyan sa langit? Ako 'eto hindi pa rin kita makalimutan. Mahal na mahal pa rin kita. Patawad dahil ngayon lang kita dinalaw ngayon lang kasi ako nagkaroon ng lakas ng loob." Malungkot na sabi ko habang kinakasap ko ang kanyang puntod kahit na alam kong hindi na s'ya sasagot.

"Sana mapatawad mo 'ko. Dahil sa akin kaya ka andyan ngayon. Siguro masaya pa tayong mag kasama." Dagdag ko at hinaplos ko ang kanyang lapida.

Tumulo na naman ang aking luha naalala ko na naman lahat ng sakit. Hindi ko alam kung hanggang kaylan ko ito matatanggap. Hindi ko alam kung kaylan at paano ako makakamove on. At parang ayaw kong mag move on ayaw ko s'yang bitawan. Gusto ko pa rin tuparin ang pangako kong hindi ko s'ya iiwan kahit huli na, kahit wala na s'ya.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon