TFH: 10

34 5 0
                                    

X. Journal

<Terrence's POV>

Makalipas ang tatlong araw ng pag hihintay sa resulta ng entrance exam ko sa school nila Alfritz ang St. Matthew State University, masaya kong binasa at inintindi ang nakasulat sa pinadala nilang resulta ng aking exam doon. At masayang masaya ako sa binasa ko dahil nakapasa ako sa entrance exam at magkakaroon na rin ako ng schoolarship.

Sa sobrang saya ko ay nakahinga ako ng maluwag dahil mutupad ko na talga ang pangarap ko na maging isang magaling na doktor. Inakala ko hindi na talaga mag kakatotoo ang pangarap kong iyon dahil sa nagyari noong mag exam ako sa minsan kong pinangarap na school na pag mamay ari pala ng aking ina.

Masaya din si lola Caridad sa naging resulta ng exam kaya naman ipinagluto nya ako ng paborito kong panghimagas na banana que.

Habang pinagsasaluhan namin ni lola Caridad ang masarap na panghimagas ay bigla nya akong tinanong tungkol sa aking nanay.

"Iho wala ka bang planong patawarin ang nanay mo?" Nagtatakang tanong n'ya.

"Ayaw ko po munang isipin 'yan lola. Gusto ko pong mag focus para maging isa akong magaling na doktor. Gusto ko po kayong bigyan ng maginwahang buhay at ganoon din po ang gusto ko para kay Alfritz." Sabi ko sa kanya sabay kagat sa banana que.

"Pero iho makakaya mo ba s'yang patawarin sa paglipas ng panahon?" Tanong nito at saka humigop ng kanyang mainit na kape.

"Hindi ko pa po alam sa ngayon lola. Matagal na rin simula noong nangyari ang aksidente. Naguguluhan pa rin po ako." Sabi ko sa kanya.

"Sana iho mapatawad mo s'ya mas masayang mabuhay ng wala kang sama ng loob. Lagi mo sanang pakatandaan iyon iho." Payo nya sa akin.

"Opo lola." Tipid na sagot ko.

"Iho dahil alam kong mag kikita kayo ni Alfritz sa hardin, heto dalhin mo ito sa kanya." Masayang sabi ni lola at nilapag nya sa mesa ang isang tupperware na banana que na wala sa stick.

"Ang galing mo talaga lola. Kabisado n'yo po talga ako. Salamat po." Masayang sagot ko.

Nang matapos ang aming pag uusap nag punta ako sa Heaven's Gate garden para ibalita kay Alfritz ang resulta ng entrance exam. Baka kasi hindi pa ito nasasabi sa kanya ng kanyang mama.

Pagkarating ko doon ay nakaupo na si Alfritz sa bench at nag hihintay sa akin. Nilapitan ko s'ya at umupo ako sa tabi n'ya.

"Mahal ko nakapasa ako sa exam. Makakapag aral na ako ng college. Salamat talaga sa inyo." Masayang balita ko sa kanya.

"Oo sinabi na sa akin ni mama. Congrats sa'yo. Oo nga pala may ibibigay ako sayo." Masayang sabi n'ya at saka iniabot ang isang maliit na box

Tinanggap ko ito at nag pasalamat akong muli sa kanya. Binuksan ko ang box at namangha ako sa ganda ng laman. Isa itong bracelet na kulay itim at gawa sa tinirintas na ribbon. Meron din itong pendan na kalahati ng yin-yang.

"Ang ganda naman salamat talaga." Masayang sabi ko.

"Walang ano man. Ginawa ko yan kagabi. At suot ko ang kapareho nyan." Masayang sagot nya.

Pinakita nya sa akin ang suot ng bracelet, kulay puti naman ana kanya na may simbolo ng kalahati ng yin-yang.

"Ay oo nga pala 'eto may dala akong banana que." Sabi ko sa kanya sabay abot ng banana que.

"Ang dami tara alukin natin si lolo Juan." Masayang sabi nya.

Pinuntahan namin si lolo Juan sa bahay n'ya dala ang banana que.

Kumatok kami sa pintuan ng bahay ni lolo Juan pero walang sumasagot kaya pinihit namin ang door knob nito at nabuksan namin ang pinto. Tumuloy kami sa loob ng bahay ni lolo Juan at wala ito sa kanyang sala. Hinanap din namin ito sa kusina pero wala rin ang matanda doon. Sinubukan naming katukin ni Alfritz ang banyo pero wala naman sumasagot. May nakita kaming dalawang kwarto ni Alfritz. Hinanap namin si lolo Juan sa kanyang kwarto pero wala ang matanda doon. Habang abala si Alfritz sa pag hahanap kay lolo Juan may napansin akong isang journal na kulay itim na nakapatong sa maliit na mesa katabi ng isang litrato ng kasal ng isang babae at lalaki na masayang masaya sa picture.

Nilapitan ko ang kinalalagyan ng journal at binuksan ko ito. Nakaipit dito ang isang larawan ng isang masayang babaeng buntis at ng kanyang asawa. Maamo at mukhang masayahin ang babaeng nasa picture. Tiningnan ko ang likod ng picture na iyon at nakita ko na may nakasulat doon. Binasa ko ang sulat at ang sabi ay..

Ako'y nangungulila sa iyong mga ngiti.

Nais kong halikan ang iyong mga labi.

Ngunit ngayon wala ka na sa aking tabi,

hindi ko na alam paano mamuhay ng masaya muli.

 

Paalam aking mahal sa iyong paglisan.

Baunin mo ang aking walang humpay na pagmamahal.

At para sa anak kong hindi ko man lang nahagkan.

Patawarin mo sana ako aking anak.

-Juan.

 

Sa tula ni lolo Juan doon ko nalaman na ang babae palang nasa larawang iyon ang asawa ni lolo Juan. Ang babae na minsan n'yang ikwinento sa amin ni Alfritz. Namatay daw ang kanyang asawa dahil sa maselang pag bubuntis. At ang anak n'ya naman ay namatay sa komplikasyon dulot ng pagsilang sa kanya.

Habang binabasa ko ang sulat sa likod ng larawan ay hindi ko napigilang tumulo ang luha ko sa nakakaantig na maikling tula na sinulat ni lolo Juan para sa kanyang asawa at anak. Alam ko ang pakiramdam ng maiwan ng taong mahal mo. Napakasakit at parang wala ka ng ganang mabuhay muli.

Pagkatapos kong basahin ang maikling tula sa likod ng larawan ay binuksan ko ang journal. Isa isa kong tiningnan ang mga pahina nito hanggang sa may nakita akong pilas na bahagi sa kalagitnaan ng journal. Gusto kong malaman kung bakit pilas iyon. Hanggang sa may isang papael na nakatupi ang nalaglag mula sa journal at pinutol ko iyon sa pag aakala na iyon ang napilas na bahagi ng journal ni lolo Juan.

Binuklat ko mula sa pagkakatupi ang papael na nahulog mula sa journal at binasa ko ang nilalaman ng sulat.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon