TFH: 11

17 3 0
                                    

 

XI. Galit

 

<Terrence's POV>

Sinimulan kong basahin ang sulat na galing sa journal ni lola Juan. Nakasulat dito ang petsang February 27, 2***. Nakaramdam ako ng unti-unting pagkakilabot, at isa-isang nagtayuan ang mga balahibo ko. Pero ipinagpaloy ko pa rin ang pag babasa ng sulat sa kabila nito.

Tatlong araw matapos ang pagkamatay ng aking asawa dahil sa panganganak at ng sanggol na dinadala n'ya sa kanyang sinapupunan dahil nagkaroon ito ng kompikasyon. Naalala ko pa noong pinangarap at dinalangin naming mag asawa sa diyos na pagkalooban kami ng anak dahil sa tagal naming pag sasama ay hindi pa kami nabibiyayaan ng sanggol. Lumipas ang ilang taon naming pag sasama ng mahal kong asawa ay dininig ng diyos ang panalangin namin at biniyayaan n'ya kami ng anak. Isa itong milagro para sa aming mag asawa. Kaya double ang ingat namin sa kanyang pag bubuntis pero nawala pa rin ang aking mag ina sa akin.

 

Ang bigat sa kalooban ko na hindi ko man lamang makikitang lumaki ang aking anak. Hindi ko man lamang maririnig ang kanyang unang pag iyak. Hindi ko man lamang makakasama sa pag tanda ang aking pinakamamahal na asawa at aking anak. Pero ang mas nakakabigat pa sa aking pakiramdam ay ang sigaw ng aking konsensya.

 

Habang sakay ko sa kotse ang asawa kong namimilipit sa sakit dahil ipapanganak nya ang aming panganay na anak. Pinaharurot ko ang sasakyan dahil kaylangan kong dalhin sa lalong madaling panahon ang aking mag ina sa ospital. At sa sobrang bilis ng pangyayari at dala na rin ng aking matinding pagkataranta nabunggo ko ang isang lalaki na may kasamang bata na sumisigaw ng saklolo para sa kanyang ama sa kabila ng maliit nitong tinig. Tinig na kumukurot sa puso ko.

Ninais kong balikan ang lalaking nabangga ko para dalhin sana siya sa ospital. Naawa din ako sa batang kasama n'ya na walang tigil din noon sa pag iyak. Pero napatingin ako sa aking mahal na asawa at hirap na hirap na s'ya sa kanyang kalagayan. Dahil ayaw kong mawala ang aking mag ina dumeretso na lang ako sa pag harurot ng aking sasakyan hanggang sa makarating kami sa ospital.

Ipinaubaya ko ang buhay ng aking asawa sa doktor at lalong lalo na sa diyos. Dalangin ko na sana maging mabuti ang kalagayan ng aking mag ina. Binalikan ko ang lugar na pinangyarihan ng aksidente pero wala na doon ang kaawa-awang lalaki na nabangga ko. Bumalik ako ng ospital ng balisa dahil sa pangyayaring iyon. Pero mas lalong nadagdagan ang pasaning nararamdaman ko ng sabihin ng doktor na wala na ang mag ina ko. At simula noon nawalan na ako ng ganang mabuhay. Kung maibabalik ko lang ang panahon pipilitin kong ayusin ang lahat.

Pagkatapos kong basahin ang nilalaman ng sulat at sobrang pagkabigla ko ay nabitawan ko ang journal ni lolo Juan. Pakiramdam ko umakyat ang dugo ko sa aking ulo dahil sa matinding galit. Galit na galit ako dahil sa dami daming tao sa mundo na pwedeng gumawa noon sa tatay ko ay si lolo Juan pa. Si lolo Juan na itinuring kong lolo ang bumangga sa tatay ko. Pakiramdam ko sasabog ako sa sobrang galit. Gusto kong mag wala. Gusto kong suntukin ang pader. Pakiramdam ko yung mundo kong minsang nabuo ay gumuho muli dahil sa nalaman ko.

"Terrence mahal ko? Anong nangyayari sa'yo?" Nag aalalang tanong ni Alfritz.

"Asan ang matandang 'yon.?" Galit na sabi ko kay Alfritz habang hawak ko s'ya ng mahigpit sa magkabila n'yang braso.

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon