TFH: 18

23 1 0
                                    

XVIII. Letting Go

 

<Terrence's POV>

Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng puntod ni Alfritz. Naglagay ako ng paborito n'yang bulalak na pulang rosas sa ibabaw ng puntod nya. Nagtirik ako ng kandila na hugis rosas na kulay pink sa ibabaw ng kanyang puntod ay ipinikit ko ang aking mga mata at saka mataimtim na nag dasal. Pagkatapos kong mag dasal ay kinausap ko ang kanyang puntod.

"Alfritz mahal ko, sana maintindihan mo ako sa gagawin ko. Gusto na kitang bitawan at palayain ka. Alam ko mas malulungkot ka sa langit kapag patuloy akong malulungkot sa pagkawala mo. Alam ko na mas ligtas ka sa kamay ng diyos kumpara sa mga kamay ko."

"Nagpapasalamat ako dahil itinuro mo sa akin ang mag patawad. At nag papasalamat ako sa kabila ng lahat ay minahal mo ako. For me you're a blessing in disguise and you will always be. I will never forget you and I don't have any plan to forget you. I just wanted to let go, para sa ikatatahimik mo, para sa ikabubuti natin. Alam ko yun din ang gusto mo kaya ka nga nagparamdam sa akin sa panaginip ko 'diba? Kaya kakayanin ko ito pangako. Ito na ang oras para isuko kita ng buo sa diyos."

"Hindi ko makakalimutan ang araw na una tayong nagkita. Hindi ko makakalimutan ang mga alalang iniwan mo kasama ko. Hindi ko rin makakalimutan ang mga ngiti at mainit yakap mo. Maybe they're right na hindi mo makakatuluyan ang great love mo. Pero kahit ganito ang nagyari  mananatili ka sa puso at isip ko Alfritz. I will love you forever and I see you soon." Sabi ko at hindi ko na namalayan tumulo na naman ang luha ko.

Lumakad ako paalis ng kanyang puntod at tumingin ako sa kalangitan. Habang pinagmamasdan ko ito hindi ko mapigilan ang ngumiti ng matamis. Pakiramdam ko para ko na ring nakita si Alfritz ng naka ngiti rin sa akin. Ang saya ng langit, maliwanag ito at puting puti. Siguro sign ito na masaya si Alfritz sa desisyon kong mag let go sa kanya at mag simula muling mabuhay ng masaya.

Matapos kong pagmasdan ang kalangitan ay nagpunta ako ng Heaven's Gate garden para gawin ang bagay na matagal ko dapat ginawa. At sa tingin ko ito na ang tamang oras para sa bagay na iyon.

Pagdating ko sa Heaven's Gate garden ay agad akong nagpunta sa tapat ng puno ng narra at humukay ako sa lupa gamit ang aking kamay. Hanggang sa makita ko ang bagay na kaylangan ko. Umupo ako sa swing at doon ko binuksan ang canister.

Pagkaupo ko ng swing at hinugot ko ang laman ng canister. Binuksan ko ang papel na nakatiklop at may nakasulat na pangalan ko. Ito ang sulat ni Alfritz noong ilang araw pagkatapos n'ya akong sagutin.

"Terrence mahal ko,

Eto ang kauna unahang love letter ko para sa iyo. Kinikilig ka na 'no? Sabi ko na mahal mo talaga ako. Kaya I love you too."

 

Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti sa pambungad ni Alfritz sa kanyang sulat para sa akin. Kahit nasa langit na s'ya nakuha pa rin n'ya akong patawanin.

 

"Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko ang isang tulad mo na matapang sa kahit anong hamong ng buhay. Sa'yo ko natutunan kung paano ipaglaban ang relasyon natin. Aaminin ko sa'yo na nagsinungaling ako dahil hindi ko sa iyo sinabi agad ang estado ko sa buhay dahil natakot ako na baka tama si papa sa sinabi nya sa akin noong hindi pa kita nakikilala, sabi niya hindi magdidikit ang langit at lupa. Pero napatunayan ko na mali si papa dahil iba ka sa lahat ng nakilala ko. Kaya kita minahal."

Tears From HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon